CHAPTER 12
Monday and I have to attend school. I felt all the glares as I entered the university. Don't tell me they already knew what happened last saturday? Oh yeah. What would I expect from these zombies?
"Did you know what's the latest news?" I heard from someone.
"Ano yun?"
"That Gibrielle turned her back to our prince! Kung ako lang sana ang minahal ni Damon, jusko, ibibigay ko na kaluluwa ko."
"Now, who's the flirt?" Bulong ko sa sarili ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. My second week in this university! Makikita ko na naman siya sa english class. On my way sa building, nakasalubong ko ang Alpha Gamma Phi members with their leader. Iba na ang mukha niya ngayon. Maangas, may pasa sa labi, nakasalubong ang kilay, at hindi na ako nililingon. Nanikip ang dibdib ko. Ito naman ang gusto ko, diba?
Pagkadaan nila na parang hangin, si Hunter lang ang pumansin sakin. Tinanguan niya ako but I look down. Hindi na niya rin dapat ako pinapansin. Dapat galit din siya sakin. Dapat hangin na lang din ang presensiya ko sa kanya.
"How dare her para bastedin si Damon. Akala siguro niya, siya na ang pinaka-magandang babae porke nagustuhan siya ni Damon." Dinig ko ulit sa paligid. Nagpatuloy sila sa kanilang mga side comments.
"Malandi lang kasi talaga siya."
"No. More like a slut and a whore."
"Dapat kasi ako na lang nagustuhan ni Damon."
"Kung ako lang yun, hinding hindi ko na papakawa-" Pinutol ko na kung sinuman yung nagsasalita. I've had enough. Sabi ko hindi ako papatol pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Edi sagutin niyo siya kapag niligawan kayo!" Sigaw ko. Nagsitinginan silang lahat sakin. "You don't have the rights to say that I'm a slut nor a whore. If I am, I already said yes to Damon. If I am, I vocally fantasize him. Hindi kayo ang bumubuhay sakin para pagsalitaan ako ng kung ano ano. At nandito ako sa school para matuto ng magandang asal, hindi gumawa ng masama sa kapwa."
Nakarinig ako ng palakpak sa likod ko. Nakita ko si Hunter, Damon, at Zanea. Si Hunter 'yung pumalakpak, si Zanea ay naiyak, samantalang wala akong mabasang emosyon kay Damon. May lumabas na namang luha sakin. Pinunasan ko kaagad iyon. Hanggang kailan ako iiyak?
Tinalikuran ko na silang lahat. Pumasok na ako sa room namin. Ilang segundo lang ay pumasok na rin silang tatlo. Agad akong dinaluhan ni Zanea. Nanahimik na lang ako. Maging si Hunter ay lumapit sa akin pero hindi ko rin pinansin. I could say, sobrang close na ni Zanea at Hunter. Nagpaalam na siya nung dumating na yung prof namin, hindi naman kasi namin siya classmate sa english.
"Gib, wala daw yung prof natin sa last class kaya practice tayo." Bulong sakin ni Zanea.
Tumango ako. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Hindi naman siya nakatingin sakin pero sumisikip ang dibdib ko. Maiintindihan ko pa kung may sakit ako pero wala e. Sumasakit ang puso ko nang dahil kay Damon. Kailan ba titigil ang lahat ng ito?
Hindi ako nakapag-focus sa practice. Palagi akong sinisigawan ni Ingrid. Pero hindi talaga ako maka-relax. Sumasakit ang tiyan ko sa usok ng yosi ni Damon. Nasa likod ko lang kasi siya at sakin tumatama yung usok. Nalalanghap ko lahat. Gusto ko siyang sigawan pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Ano bang nangyayari sayo, Gibrielle? Huwag mong dalhin ang personal issues mo dito sa practice." Sigaw ni Ingrid.
"Pwede ba? Itikom mo 'yang bibig mo, Ingrid! Bakit hindi na lang ikaw ang mag-snow white?! If I know, gustong gusto mo 'yun. Ang plastic mo!" Pagtatanggol sakin ni Zanea. Alam ko nagpipigil din siya lalo na kay Ingrid.
"Sumisingit ka? Tapos na eksena mo rito!"
"Kung makasi-" Hinawakan ko sa kamay si Zanea.
"Zan, it's okay. Ingrid, sumasakit lang kasi tiyan ko sa usok ng cigar. Pwede lipat tayo?" Sabi ko. Ayoko ng panibagong gulo. Naiintindihan ko rin kahit paano si Ingrid.
"Okay," Pagsang-ayon niya nang malaman ang dahilan ko.
Nilingon ko si Damon bago kami lumayo. Pinatay na niya ang yosi niya saka lumabas. Sumikip ulit ang dibdib ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan e. Wala akong karapatan tawagin siya at pabalikin sa tabi ko. Tinulak ko na siya.
"Bwist talaga 'tong Ingrid na 'to. Lumabas si Damon, hindi niya sinigawan. Malandi. Asar." Bulong sakin ni Zanea.
Nginitian ko na lang siya. Nagpractice na ulit kami. Doon na kami sa ipinatapon na ako ng queen sa gubat. Sinabi ko ang mga lines ko. Natapos kami hanggang sa makarating na ako sa bahay ng mga dwarves. Nidismiss na kami ni Ingrid. Maaga pa para umuwi pero wala na akong dahilan para magtagal dito. Nagpasalamat na lang ako dahil ayoko ng magtagal doon.
"Tulog ako sa bahay mo, Gib." Sabi ni Zanea habang naglalakad kami.
Napangiti ako. "Sure!"
"Libot muna tayo outside the campus. Hindi ko pa nakikita ang ibang paligid dito e."
Naglakad na kami sa labas. Tama siya. Kailangan din namin makita kung ano ang nasa labas ng university. Maraming tindahan dahil sa highway ang lugar na ito. May tinuro si Zanea na bar. Medyo nakalayo na rin kasi kami sa university. Alas sais na at nag-aaya siyang pumasok.
"Ikaw na lang," Sabi ko. Hindi ako sanay sa mga ganyang lugar.
"Ang KJ mo. Wala ka bang night life?"
"Wala." Sabi ko.
"Ngayon lang naman e. Buti nga ito wala tayong uniform, makakapasok tayo agad!"
Wala na akong nagawa nung hilahin na niya ako papasok sa connection restobar. Kaunti pa lang ang mga tao at may kumakanta sa maliit na stage. Nag-pwesto kami malapit dun sa mga gwapong lalaki. Bwisit na Zanea! Nginitian niya yung mga lalaki bago umupo. Hindi ba siya natatakot?
"Hindi ba pwedeng lumipat tayo? O kaya labas na tayo?" Bulong ko sa kanya.
"Nasa loob na tayo, e." Sagot niya na nakatingin pa rin dun sa mga lalaki.
"May boyfriend ka diba?" Kung makatingin kasi siya sa ibang lalaki, parang walang magagalit.
"Wala." Humagikgik siya.
Napatingin na rin ako sa kanila. Nag-init ang pisngi ko nung nakatingin sakin yung isa. Tumayo sila at lumapit sa table namin. Kinabahan agad ako.
"Tara na, Zan. Matakot ka nga!" Bulong ko.
Bigla na lang akong nakaramdam ng mas matinding kaba nung nasa harap na namin sila. Lima silang puro may mga piercing. Sa university ba sila nag-aaral? Hindi ko pa kasi sila nakikita e. Saka malaki ang university para makita lahat ng mga estudyante.
Paano ko kaya mahihila palabas ang babaeng 'to? Kung hindi lang ako nag-aalala sa kanya, kanina ko pa siya iniwan. Saka sa bahay siya matutulog. Talaga bang sanay siya sa ganitong mga lugar? Yumuko na lang ako. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong maramdaman nung mapansin kong nasa tabi na namin sila.
Gusto kong sigawan at hilahin si Zanea. Paano kami makakatakas sa mga ito? Ayoko na dito. Nakakaamoy ako ng alak tapos sigarilyo. Gusto kong masuka. Nakatakas nga ako sa yosi ni Damon kanina, ngayon naman ang mga lalaking ito.
BINABASA MO ANG
That Frat Leader (TFL SERIES #1)
RomanceThat Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)