BOOK 2- Chapter 46

919 20 2
                                    

CHAPTER 46

"I swore I'd never let you end up on your own
I'll always be around to let you know
I'm never gonna let you go
Your love's gonna save my soul
After all we've been through fire and smoke
And through it all we've kept a hold of hope
While the world let go"
    -A Rocket To The Moon





Pagkatapos sabihin sakin ni Naio ang mga nangyari nung wala ako, tanging puro pagsisisi na ang naramdaman ko. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dati na pinagbabawalan ako ni Ate Gail. Pareho sila ni Ate Hershey ngayon, pinagbabawal nang makalapit ako sa kahit na sinong may kinalaman sa fraternity lalong lalo na sa AGP at kay Damon.

Nang dahil sa katangahan ko, nadamay ang mga kaibigan ko. Wala naman silang kasalanan. Lalo na si Damon. Wala siyang kasalanan para pagbawalan na lapitan ako. Damon is my boyfriend. He has the rights to stay by my side. But what am I saying? Ako ang unang lumayo. Ako ang unang tumibag sa stay word na iyan.

And now, she doesn't even want me to be with Hunter, Traz, and the rest of Alpha Gamma Phi. How can she do that if she knew they're the only friends that I have?

Pero ang tunay na dapat sisihin dito ay ako. Ako ang nag-umpisa nang lahat ng ito. Ako ang unang tumakas. Ako ang unang nang-iwan. I was so coward. Hinayaan kong talunin ako ng problema.

Awtomatikong napako ang tingin ko kay Ate Hershey nang pumasok na ulit sila sa kwarto. Kasama na nila si Kuya Kaiser. Kahit na nagawa ko ang pagkakamaling iyon, kailangan bang pagbawalan kami agad? Hindi ko sila maintindihan kung bakit iyon agad ang ipaparusa nila sa akin. Nagkamali ako, pinagsisisihan ko na iyon. Hindi naman dapat kailangang idamay ang mga walang kasalanan.

She heaved a sigh. Tinanguan niya sina Tita Joy at Naio kaya lumabas na ulit sila. Binigyan naman ng komportableng ngiti ni Kuya Kai si ate saka lumabas na rin. Lumapit si Ate Hershey sa akin. Doon siya umupo sa pwesto kanina ni Naio.

"I think Naio have told you everything," nag-iwas siya ng tingin. "Hindi mo na mababago ang pasya ko, Gibrielle. Nag-usap na kami ni mama dito, and she supports me. We don't want you to get hurt again."

"Pero, ate, I was the one who made an impulsive decision. Hindi mo kailangan sisihin ang mga kaibigan ko lalo na si Damon."

"Gibrielle, alam mo kung paanong ate ako kay Naio. I treated the both of you differently. Kasi may tiwala akong alam mo na ang tama at mali. Alam kong sa mga ginagawa mo ay iniisip mo ang kapakanan mo. And yes, it was your fault that's why I'm doing this."

Napailing ako. "Pero, ate, kailangan ako ni Damon ngayon. Please. Gusto ko siyang makausap. May kasalanan ako sa kanya."

"I don't know how will it work for the both of you but you need to be apart for now. Nasasaktan rin ako na sinasabi ko sayo 'to, Gibrielle. But you made me do this. I, we, don't want to lose you. You and Damon need to grow apart for your relationship, for him, for yourself, and for the sake of everyone." Tumayo na siya at aalis na sana pero hinawakan ko siya agad sa kamay.

"Ate, please. Huwag mo naman kaming paghiwalayin ni Damon. Huwag ngayon, nagmamakaawa ako. Ate, kailangan ako ni Damon ngayon."

Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Bear with the consequences, Gibrielle."

Napahagulhol na lang ako nang iwan niya. This time, hindi ko na siya mapapakiusapan. Kasama na niya si Tita Joy sa desisyon nila. But how could they do this to us? Ang pag-utos nila sa aking hiwalayan si Damon ay parang pinapatay na nila ako. Alam nilang masasaktan ako sa gusto nila pero bakit pinipilit nila?

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon