Chapter 42

2.3K 49 0
                                    

CHAPTER 42

"Alam mo bang bastos ang ginawa mo?" Sabi ko sa kasama ko nang maalala ang mangyari.

"Oo na. Bastos na. Nag-selos lang naman ako," Sagot ni Damon habang nagda-drive siya pauwi.

"Bakit ka nag-selos? Alam mo namang magkaibigan kami." Nag-crossed arms ako habang nakatingin sa labas.

"Nakayakap siya sayo-"

"Correction, Damon, ako ang yumakap sa kanya. Saka iba ang daan na 'to. Saan tayo pupunta?" Tanong ko nung mapansin kong iba ang daan na tinatahak namin.

"Secret,"

"I hate your secrets." Umirap ako sa kawalan.

Pinagmasdan ko na lang ang daan habang nagba-biyahe. Mamaya ko na lang ite-text si Reige kapag hindi na kami magkasama ni Damon. Baka lumabas na naman ang pagiging seloso niya. Hindi na ako magtataka kung pati babae ay pagseselosan niya. Napangisi ako. OA na siya pagnagkataon.

"Why are you smiling, bhie?" Tanong niya.

Nilingon ko siya saka nilakihan ang ngisi. "Secret." I stuck out my tongue. Parang kanina lang pareho kaming galit ah?

"I hate your secrets, too."

Sabay kaming tumawa. "Ang ganda ng moon, bhie." Sabi ko. Bilog na bilog kasi saka sobrang liwanag. Hindi ako aware na full moon ngayong gabi.

"May alam akong mas maganda diyan."

"Ano?" Tanong ko nang hindi siya nililingon. Binaba ko ang bintana para matignan ng mabuti saka malanghap ang hangin.

"Ikaw."

Natahimik ako. Sasabog yata ang pisngi ko. Hindi ko siya pinansin. Pinagmasdan ko na lang ang buwan. Pero narinig ko ang pagbusangot niya.

"Hindi ka kinilig? Hindi mo man lang ako pinansin?"

Nilingon ko siya. Nakanguso siya. Ngumisi lang ako ng palihim. Tumingin ulit ako sa labas. Sinandal ko pa ang baba ko sa bintana. Hininto naman niya ang sasakyan. Saan ba ito? Ang ganda ng view sa ibaba. Kitang kita ang skyscraper. Nilingon ko na ang katabi ko. Nakanguso pa rin siya. Tinanggal ko ang seatbelt ko saka hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos ay lumabas na ako sa sasakyan. Umupo ako sa damuhan.

"Bhie, ang ganda ng view!" Sigaw ko.

"Mas maganda ka sabi." Sabi niya saka ako pinatayo.

Nilapag niya ang isang tela sa damuhan saka sabay na kaming umupo.

"Alam ko naman 'yun. Hindi mo na kailangan ipaalala."

Tumawa siya. "Ang conceited naman ng girlfriend ko." Piningot niya ang ilong ko.

Inakbayan niya ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pareho naming pinagmasdan ang langit. Maraming stars at 'yung napaka-gandang buwan.

"I want to know you better, Gibrielle. And I want to start with the simple slambook. Ano fave color mo?"

Pinigilan kong matawa. "Black."

"Niloloko mo naman ako, e. Seryoso ako."

Tumawa ako ng mahina. "Oo na. Blue."

"Why blue?"

"It symbolizes life for me. Ayoko ng green, hindi bagay. Kasi ang langit kulay blue, which is the paradise of all people. Tignan mo lang ang langit, masisiyahan ka na. Nasa langit ang lifetime."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora