BOOK 2- Chapter 43

901 15 0
                                    

CHAPTER 43

"Sometimes, all you can do is lie in bed and hope to fall asleep before you fall apart."
  -William C. Hannan




Reige's POV (His only POV. :))


I thought seeing Gibrielle happy with Damon was the most painful thing. But I was wrong. Seeing her in pain because of that man rages me. Hindi ko matanggap na pagkatapos kong magparaya ay hahayaan niya lang saktan ang babaeng pinapangarap ko.

It was really my plan to go back after a year. Nagpunta ako ng Korea para makasama ang mama ko at makapag-unwind. Sinubukan kong mag-enroll sa isang international university doon pero hindi ko rin tinuloy. And then I decided to just go back pero pinigilan ako ni mama. Alam niyang nasasaktan pa rin ako.

Nagpalipas ako ng ilang buwan para ipakita kay mama na okay na ako. Alam ko na alam niyang hindi pa rin kahit anong gawin ko. I even tried dating Korean and American girls there, but still, Gibrielle owns a big space in my heart. She took my heart without wanting to. And I was a fool to let her smashed it. Siya pa lang ang babaeng nagpa-apekto ng ganito katindi sa akin.

"If only I could teach your heart to choose, I would teach it to love me. Kung ako ang pinili mo, Gibrielle, hinding hindi kita sasaktan, hindi ko hahayaan na pasanin mo lahat ng problema. Bakit kasi si Damon pa? Kung bang mas nauna mo akong nakilala, ako ang pipiliin mo?"

Inayos ko ang kumot sa kanyang katawan. Hanggang ngayon ay mataas pa rin ang kanyang lagnat at nanginginig pa rin siya sa lamig. Pinagdarasal ko na lang na sana tumalab ang towel na 'to sa kanya.

I was so shocked when I saw her lying on the floor. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isusugod ko na dapat siya sa ospital pero may kung anong pumigil sa akin. Ayokong ilabas siya ng bahay ko dahil baka may makakita. Ayokong ibalik siya kay Damon kung alam kong sasaktan lang niya ito.

"Damon..."

Napalingon ako kay Gibrielle nang banggitin niya ang pangalan ni Damon. Hinawakan ko siya sa kamay at naramdaman ko ang init nito. Kailangan niyang uminom ng gamot pero paano ko siya gigisingin?

Hinaplos ko ang kanyang kamay. Bakit kahit nasasaktan ka na ay siya pa rin ang hanap mo? Ganun mo ba siya kamahal? Wala na ba talaga akong pag-asa?

Binitawan ko na siya at umupo sa kanyang tabi. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o hindi. Ayoko rin naman gisingin si mama dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang ginagawa kong ito. Hindi siya galit kay Gibrielle, ayaw lang niya akong nasasaktan. Pero paano kung ang nagpapasakit sa akin ang siyang nagpapasaya rin sa akin?

"Gibrielle! Gibrielle!"

Napalingon ako sa bintana nang marinig ang sigaw na 'yon.

"Alam ko nandiyan ka. Please, mag-usap tayo! Lumabas ka diyan. I'm sorry. Let's make it up!"

Nagmadali akong lumabas ng bahay. I was right. Si Damon nga ang tumatawag. Pero hindi ko inaasahan na ngayon lang siya pupunta dito. Ako na ba ang huling taong sumagi sa isip niya na tutulong kay Gibrielle?

"Gago ka, Reige! Ilabas mo si Gibrielle! Alam ko nandiyan siya." Sigaw ni Damon nang makita ako.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, Damon? Hatinggabi na nanggugulo ka pa. Gusto mo bang tumawag ako ng guards?"

"Wala akong pakialam sayo. Where's Gibrielle?"

"Bakit mo siya hinahanap sa akin?"

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now