Chapter 44

2.2K 59 1
                                    

CHAPTER 44

Hindi ako makapag-review ng maayos. Nakalatag lahat ng books ko sa kama pero hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ayokong guluhin si Zanea dahil pareho kaming nagre-review at ayoko siyang kasama dahil hindi siya sanay na may music kapag nag-aaral. Pinatay ko na nga rin ang music ko pero wala pa rin. Masyadong ino-occupy ni Damon ang isip ko. Hindi na siya nagparamdam mula kanina. Ano nga bang ieexpect ko? May kasalanan ako. Ilang tawag na ang ginawa ko, hindi niya sinasagot. Hindi rin siya nagre-reply sa mga texts ko.

"Ugh!" Padabog kong sinara ang AnaPhysio book ko. "I'll make it up to you, Damon!"

Nag-soot ako ng shorts at nag-jacket. Kumatok ako kay Zanea pero tulog na pala siya. Natawa ako. Naka-kalat rin ang mga books niya pero tulog naman siya. Umalis na lang ako at nag-abang ng taxi. Nagpahatid ako sa condo ni Damon. Nagmadali akong hinabol ang elevator at nakita ko si Traz.

"Traz," Tawag ko.

"Gibrielle, nandito ka?" Hindi mapakali ang mukha niya.

Kumunot ang noo ko. "May... problema ba?"

"Ha? Ah... wala."

Tumango na lang ako. Sabay kaming nagpunta sa unit ni Damon. Si Traz na ang bumukas ng pintuan, may susi pala siya dito o kanina pa siya dito? Hindi ko alam. Pumasok na kaming dalawa at nakita ko si Damon na may kayakap na babae. Nanlaki ang mga mata ko. Kaya ba iba ang itsura ni Traz nung makita ako kanina? Dahil alam niyang may kasama dito si Damon? Napatakip na lang ako ng bibig.

Nakita na ako ni Damon at humarap na rin 'yung babae. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil may pagkatanda na 'yung babae. Sino siya? Hindi naman siguro papatol si Damon sa mas matanda sa kanya?

"Gibrielle?"

Napalingon ako kay Traz. "H-Ha?"

"Tara?" Nagpipigil siya ng ngisi.

"Sino siya?" Tanong ko.

Nginitian lang ako ni Traz. Sinabayan niya ako sa paglapit sa kanila pero nakabusangot lang ang mukha ni Damon. Tumabi ako sa kanya pero tumayo siya at nagpunta sa kwarto. Pinigilan kong maiyak.

"Traz, siya na ba?" Tanong nung babae.

"Yes, tita."

Lumapit sakin 'yung babae saka ako niyakap. Nagkibit balikat lang si Traz sa mga titig ko sa kanya. Can someone tell me what's happening?

"Gibrielle, right?" Tanong niya.

"O-Opo..." Naguguluhan kong sagot. Sino ba siya?

Ngumiti siya. "You are so beautiful. Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Iba talaga magselos. Gusto mo mag-usap kayo?"

AHH! Siya ang mommy ni Damon? Oh my god! Hindi siya masungit. At ano daw? Maganda ako? Oh my god! Nagagawa ko pang mag-isip ng ganun? Laglag ang panga ko nang maabsorb ng utak ko na kaharap ko ang mama ni Damon.

"Pwede po ba?" Pagpapaalam ko.

"Okay lang. Maghahanda kami ng hapunan ni Traz."

Tumayo na siya at iniwan ako. Tumayo na rin ako para puntahan sa kwarto si Damon. Hindi naka-lock ang kanyang pintuan hindi gaya nung una kong punta rito. Parang hinihintay niyang papasok ako. Napanguso tuloy ako. Pumasok na ako at nakita siyang nakadapa sa kama niya. Kailangan lakasan ko ang loob ko. Kailangan naming magkaayos at hindi ako susuko. Lumapit ako at umupo sa kama niya.

"Damon, I'm sorry."

Hindi niya ako pinansin.

"Hindi na ako nagsabi kasi hindi ka papayag. Aalis na kasi bukas si Reige kaya bumawi lang ako. Alam mo namang ayaw kong may nasasaktan ako, diba?" Explain ko.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon