BOOK 2- Chapter 7

1.7K 37 2
                                    

CHAPTER 7

"A boyfriend who doesn't want to end your conversations. A boyfriend who really cares for you. A boyfriend who makes you laugh and cry at the same time. A boyfriend who surprises you. A boyfriend who apologizes every time you fight with no sense. A boyfriend who tells you how much lovely you are every single day. And a boyfriend who loves you very much."
-c.




Kasama ko si Hunter papunta ng mall para bumili ng gift kay Vaine. Ngayon lang ako nagka-oras bumili ng ireregalo sa kanya dahil naging busy ako sa exams ko at kay Damon. Mabuti na lang pumayag si Hunter na samahan ako. Ngayon pa lang din kasi madi-discharge si Damon, baka hindi ko na rin siya mapuntahan pa dahil pagkatapos ko dito sa mall ay pupunta na akong Pampanga.

"Ano bang ibibigay mo kay Vaine?" Tanong ni Hunter.

"Hmm... sa tingin mo... okay na ba 'yung necklace?"

"Oo... siguro. Depende sa kung mahilig ba siya sa jewelries."

"Oo, mahilig yun." Sabi ko.

Pumasok kami sa isang mamahaling jewelry store. Saktong sale pa ngayon kaya baka makamura ako. Nagtingin-tingin na ako ng magagandang necklace. Halos lahat ay magaganda.

"Hunter! Tignan mo 'to! Ang ganda!" Turo ko sa isang silver necklace na ang pendant ay silver crucifix na may kumikinang na diamond sa gitna nito.

"Maganda nga," aniya. "Iyan ba ibibigay mo?"

Nilingon ko ang presyo. "Hindi kaya ng budget ko. Pag-iipunan ko na lang 'yan para sakin." Sabi ko.

Nagtingin-tingin pa ako ng ibang necklaces. Busy rin si Hunter sa paghahanap ng pwedeng iregalo kay Vaine. Marami na rin kasing pumasok sa store dahil nga sa sale ngayon.

Napalingon ako sa necklace na may napaka-gandang flower pendant. Simple lang siya at siguradong bagay na bagay sa kaibigan ko. Wala siyang nakalagay na presyo. Nabili na kaya ito? Pero bakit naka-display pa rin?

"Miss," Tawag ko dun sa saleslady.

"Yes, ma'am? May nagustuhan na po ba kayo?"

"Ahm, magkano ito?" Turo ko dun sa necklace na nagustuhan ko.

"5, 499 pesos po."

Nanlaki ang mga mata ko. 5K? Nagbawas na ba talaga sila ng presyo dun? 3K lang ang dala ko e.

"Gibrielle, may napili ka na ba?" Napalingon ako kay Hunter na tumabi na sakin.

"Eto oh," Turo ko sa necklace.

"Kukunin na namin, miss." Aniya sa babae.

"Hunter-"

"Okay, sir."

Hinarap ko si Hunter. "5, 499 pesos 'yun. 3 thousand lang ang budget ko."

"Ako na."

"Ano? Ako ang bumibili, diba?"

"Okay. Utang mo na sakin 'yung 2, 500."

Tumango ako. "Sige."

Sinamahan na niya ako sa cashier. Pagkabayad namin ni Hunter, lalabas na sana kami nang mapansin kong wala na 'yung necklace na nagustuhan ko. Wala na akong pag-iipunan. Naunahan na ako. Sayang!

Hinatid na ako ni Hunter sa bus terminal. Gusto pa nga niyang ihatid na ako hanggang Pampanga, mabuti na lang napigilan ko. Dala ko na rin kasi ang gamit ko kaya nagpadiretso na ako dito. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako sumakay ng bus. 2-3 hours lang ang biyahe nito dahil hindi naman traffic.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon