CHAPTER 39
"Be each other's strength."
-c.Ito na siguro ang pinakamatagal na gabi para sa akin. Oras ng hapunan nang tawagin nila ako. Ayokong kumain, wala akong gana pero nagpupumilit sila.
Ang sabi ni Ate Hershey, bukas ay uuwi na kami ng pilipinas. Okay lang naman sa akin na ako mag-isa dahil sa 27 pa talaga ang scheduled na pag-uwi namin. Hiyang hiya ako na ako ang dahilan ng maaga nilang pag-uwi.
"Eat your foods, Gibrielle. Come on..."
Tinawagan ko si Damon pero cannot be reached ang phone niya. I believe nasa eroplano pa rin siya. Hindi naman mawawala sa akin ang pag-aalala. Hindi nila ako mapipigilan magpaka-lugmok dahil sa naiisip kong kinakaharap ni Damon ngayon.
I feel like kasalanan ko. Kung hindi sakin hindi pupunta ng London si Damon, hindi siya malalayo sa pamilya niya. Pakiramdam ko, nagiging selfish na ako. Bakit palaging ako ang nakikinabang? Ano nang naibigay ko kay Damon? Meron nga ba?
"Gibrielle, kailangan mo kumain..."
Napalingon ako sa humawak sa kamay ko. Nanlumo ako nang hindi si Damon ang nakita ko. Siya ang palagi kong katabi sa hapagkainan na ito, siya palagi ang kasama ko, I depend so much on him.
"Damon needs you, right? Then how will you help him if you lack energy?"
Napaisip ako sa sinabi ni Ate Hershey. Dapat magpalakas ako dahil kailangang kailangan ako ni Damon ngayon. Kahit hindi niya sabihin, alam kong kakailanganin niya ako. Hindi pwedeng pati ako iiyak, pati ako manghihina sa pangyayari. I will be his strength.
Sinubukan kong kumain kahit kalahati lang ng nasa plato ko. Hindi naman nila ako pinilit pa dahil iyon na lang ang kaya kong kainin.
Konting tiis na lang. Bukas lang ay makakasama ko na siya. Uuwi na kami ng pilipinas. Naging sulit pa rin naman ang naging bakasyon namin dito. At lalong nagpasulit ay 'yung nakilala ko sina grandma, ang mga tita at tito ko, pati na ang mga pinsan ko. Secured na ako sa pamilya. Kahit nawalan ako, kahit naiwan ako mag-isa, nandiyan pa rin sila, at mas dumami pa.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na agad ako sa kwarto. Inayos ko ang mga gamit ko. Nagtutupi pa lang ako ng mga damit ko nang maisipan kong puntahan ang kwarto ni Damon. Binitbit ko ang phone ko at sinubukan na i-dial ulit ang number ni Damon pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Alam ko naman kung gaano katagal ang biyahe pauwi.
May mga natira pa ngang iilang gamit si Damon. Nakita ko ang charger niya na nasa table. Panigurado mga damit lang ang nadala niya sa pagmamadali. Nandito pa kasi ang mga ipapasalubong namin sa mga kaibigan namin doon.
Nagpahingi ako ng isang maleta para sa mga naiwang gamit ni Damon. I made sure na nandito na lahat. Inayos ko na rin ang kama niya at pinagpag ang matress baka sakaling may nakaipit. Chineck ko rin ang cabinet at nakuha ko na lahat ng mga naiwan niyang damit.
Napalingon ako bigla sa pintuan nang makarinig ako ng yabag. Lumapit si Kobe sa akin at may hawak na maliit na box.
"Is that Damon's stuff?" Tanong niya.
"Yes..."
"Please don't open this, Gibrielle. Damon told me not to show you this nor tell you about this. I just want to put this in his things since he had gone to Philippines na."
Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. "Sure..."
Nilagay na niya sa maleta ang maliit na box na hawak niya. I don't know what is in the box o para saan iyon. Gamit iyon ni Damon at hindi ko papakialaman.
BINABASA MO ANG
That Frat Leader (TFL SERIES #1)
RomanceThat Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)