Chapter 8

3.7K 99 1
                                    

CHAPTER 8

"Please. Huwag kang umalis." Bulong ni Damon habang binabaon pa rin ako sa kanyang matitigas na dibdib.

Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. Ninakawan na niya ako ng halik pati ba naman ang yakap? Sumosobra na siya. Hindi na tama ito. Wala ng tama sa mga nangyayari dahil sa huli ay ako rin ang nasasaktan.

Hindi na tama dahil alam kong unti-unti na akong nahuhulog. Mabilis. At kapag hindi pa ako gumawa ng paraan, baka tuluyan na akong bumagsak. Hindi iyon tama. Wala namang sasalo sakin. Hindi ko sigurado kung sasaluhin ba ako ng isang gaya niya. Isa siyang frat leader at ang saluhin ako ay napaka-imposibleng mangyari.

I composed myself. I need to be tough. "Who are you to impede me? Wala ka namang ibang ginawa kundi ang painisin at paiyakin ako. Wala pang isang linggo pero ang dami mo ng ginawa sakin." Singhal ko sa kanya.

True enough. It's been three days? Four days? Hindi na ako sigurado. Basta ang alam ko, simula nung first day ko, nung makilala ko siya, hindi na naging maganda ang stay ko sa university na 'to. He's making my life miserable.

Kinuha niya ang kamay ko pero umiwas ako. Marami na namang mga zombies na nakatingin. Bakit ba siya ganito? Hindi niya ba pansin ang mga mapanuring tingin sa amin? Ang mga matatalim na tingin sa akin? Nag-eenjoy ba siyang nakakakuha siya ng atensyon?

"Wala pa ngang isang linggo pero iba na ang nagiging epekto mo sakin. Never in my lifetime that I apologized for something I did and I didn't do. But when I saw you crying, I never think twice to say those words." Frustrated niyang sabi.

He's the only one who can froze me like this. It was like he has that special powers to froze everyone by his stares, looks, and words. It's like he cast a spell and there's no way that I could escape it. Why? Why is he doing this to me?

No, Gibrielle! Iwinaksi ko ang pag-iisip kong 'yun. Magaling lang siyang umarte. Pagpapanggap lang ang lahat. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako napapasama sa mga koleksyon niya. Iyon lang 'yun, Gibrielle. Huwag kang magpapaniwala sa kanya. He's admitted by his charms and he uses that to hook girls. But I am not one of his stupid girls. Yes, iyon lang 'yon.

Umiling ako. "Ang linis talaga ng bibig mo. Kayang kaya mong magpaikot ng mga babae. I'm sorry to fail you but I am not one of them." Pinagdikdikan ko bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Tumalikod na ulit ako para maglakad nang makalimutan ko ang isang bagay. Binalikan ko siya at hinawakan sa kamay.

"Hindi mo naman siguro kailangan ito. Kaya mo namang bumili kahit ilan pang samsung galaxy."

Umalis na ulit ako. Pero nahabol niya ako at hinawakan sa braso para pigilan. Bumuga ako ng hangin. Kailangan ko ng malayo sa kanya. Para siyang apoy na hindi ko pwedeng lapitan. Ayokong masunog. Ayokong maging abo kapag lumapit pa ako sa kanya.

"Let go of me." Mahinahon kong sabi. Hinarap ko siya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"What if I can't? Hindi ko kaya, Gibrielle."

Gusto kong matawa. Naririnig ba niya ang sarili niya? May sakit ba siya para sabihin ang mga 'yon? O talagang hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakaganti sa akin? Bakit nga ba siya gumaganti sa akin?

"Bakit? Bakit ka ganyan? Naghihiganti ka ba?" Tanong ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Naghihiganti? Para saan?"

Napangisi ako. "That's why I'm asking you. Kung ang dahilan lang nito ay 'yung pag-upo ko sa upuan mo, o kaya ay ang pang-aaway ko sayo, then you're a stupid and shallow frat leader." Tinalikuran ko na ulit siya. This time, hindi na niya ako pinigilan at sinundan.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now