BOOK 2- Chapter 25

1.3K 33 0
                                    

CHAPTER 25

A/N: This will be the last DAMON'S POV for now. Next chapter kay Gibrielle na ulit. Hehe. Thank you, thank you, thank you! Godbless! :)

***

"Who would heal their broken hearts? Or should I ask, what would heal their broken hearts? Simple. A kiss."
-c.





DAMON'S POV


"Anak, don't self-destruct. Dito ka na lang muna sa condo mo and rest. Ako na ang bahalang kumuha ng updates tungkol kay Gibrielle." Sabi ni mommy nang mapagtantong may balak akong umalis.

When she saw me packing my things, wala akong nagawa kung hindi ang umiyak sa harapan niya. I told her everything she has to know about me and Gibrielle. Sinabi ko rin sa kanya na balak kong lumayo muna para hindi na mapahamak si Gibrielle kapag nagising na siya. Sa kanya ako naglabas ng hinanakit. Mas komportable akong sabihin lahat sa kanya at umiyak sa harapan niya kaysa sa iba. Dahil ang isa pang babaeng nakakakita ng kahinaan ko ay nakahiga sa ospital at kinatatakutan kong iwan ako.

"She'll definitely look for me when she wakes up at dito siya agad pupunta." I'm sure of that.

"No. Sasabihin natin sa kanila na umalis ka na lang basta nang hindi nagsasabi kung saan."

"But how?"

"Your frat members." Lumapit ulit sa akin si mommy at hinawakan ako sa balikat. "Ayokong gawin mo ito, anak. Ayokong layuan mo si Gibrielle dahil pati ako masasaktan. Pero hahayaan muna kita ngayon... pansamantala... para makapag-isip-isip ka at makapagpahinga sa lahat ng sakit. I will help you fix this. I am your mother and I get hurt twice whenever I see you crying in pain. Alam ko kung gaano mo kamahal si Gibrielle, that's why I will help you."

"Thank you, ma." That's all I can say for now.

Gaya ng sinabi ni mommy, nagkulong lang ako sa condo. Hindi ako lumalabas. Si mommy ay araw-araw pumupunta dito para ipagluto o ipamalengke ako. I told her not to worry about me pero mapilit siya. Hindi raw niya kayang hindi ako puntahan ngayong wasak ako. Sobrang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako pinapabayaan. Silang pamilya ko ay ni minsan hindi ako pinabayaan. Kung minsan ay binibisita rin ako ni daddy at kapag may free time ang mga kapatid ko, pinupuntahan rin ako. Atleast, I am enjoying even a single second taking care of my niece and nephew. Syempre, hindi rin papipigil sina Hunter sa pagpunta dito.

One day, mom texted that she can't come to visit me dahil inatake ng ubo si daddy. Gusto ko silang puntahan pero pinigilan nila ako. Maayos naman daw si daddy, kailangan lang ng pahinga.

Nagluluto ako ng almusal para sa sarili ko. Oras na ako nagising dahil sa inabala ko ang sarili ko kagabi sa panonood ng movie. I watched the resident evil series. Tinapos ko lahat kagabi kaya madaling araw na ako nakatulog. Tinanggal ko ang soot kong tshirt saka pumwesto na sa table para kumain. I stopped when I heard my phone rang. Tumayo ako para pumunta sa sala at i-check kung sino ang tumatawag. It's Hunter.

Napakunoot ang noo ko. "What's up?" I asked.

"Gibrielle's awake."

"Seriously?" Nagliwanag kaagad ang mukha ko. "Where are you, Hunter? I need to see Gibrielle. Now!" Dali-dali akong bumalik sa kusina at kinuha ang damit ko nang mapahinto ako. Nawala ulit ang saya sa mukha ko. "Where are you? Balitaan mo na lang ako, Hunter."

"Aren't you really going to see her?"

"It's futile, Hunter."

"So, you are really going to avoid her?" Bakas na ang pagkairita sa boses niya.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now