BOOK 3- Chapter 33

372 10 3
                                    

CHAPTER 33


Soundtrack: Bruised and Scarred by Mayday Parade



"There are some cases of love wherein you have to let go and just say goodbye for their sakes. In short, 'I love you, goodbye'"



Hindi ako dinadating ng antok kahit madaling araw na. Ang importante sa akin ay mahanap kung saan si Damon. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Napuno na naman ng mga tanong ang isip ko.


Paano kung kasama nga ni Damon si Marie? Anong gagawin ko? Anong mararamdaman ko? Mapapatawad ko ba si Damon? Papakinggan ko ba ang dahilan niya?


Napalingon ako kay Hunter nang pisilin niya ang braso ko. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Ni hindi ko magawang ngumiti pabalik. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana.


Wala na akong makitang tao sa labas at kaunti na lang din ang mga sasakyan na nadadaanan namin. Ano pa nga bang aasahan ko? Tulog na ang mga tao sa ganitong oras pero kami ay gising pa at naghahanap ng nawawalang tao.


Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang papalapit na kami sa bahay nina Marie. Nag-park si Hunter sa tapat ng bahay nila. Bago pa ako makababa ng sasakyan ay wala na akong nakitang Ford Explorer sa paligid.


Sumunod na lumabas ng sasakyan si Hunter. Pareho kaming sumilip sa bahay pero walang nakabukas na ilaw. I can't even see any traces of Damon here.


"Baka nasa bahay na." Sabi ko. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi nanggaling si Damon dito.


"Nanggaling na ako sa bahay nila kanina pero wala siya." Matigas na sabi ni Hunter.


"Baka naman nagkasalisihan kayo."


"Sinasabi mo ba sa akin 'yan o para sa sarili mo? Gibrielle, huwag mong itago ang tunay mong nararamdaman. Kung nasasaktan ka, umiyak ka, ipakita mo."


Binalewala ko ang mga sinabi ni Hunter. Tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik ng sasakyan. "Bumalik na tayo sa hotel."


Tahimik lang ako habang pabalik kami ng hotel. Nakatanggap din ako ng text kay Traz na dumaan siya sa bahay nina Damon at naka-park na ang sasakyan nito. Nakahinga ako ng maluwag nang mabasa iyon. I guess, I just need to listen to his explanation tomorrow.


Hinatid ako ni Hunter hanggang sa suite namin. Nakita kong nagpapahinga na silang lahat kahit si Love na nakasama ko kanina. Humiga na rin ako at natulog.


Kinabukasan ay nahuli akong nagising sa kanila. Sakto namang pagkagising ko ay nag-aalmusal na sila kaya nakasabay pa ako. Wala silang alam sa nangyari sa akin kaninang madaling araw maliban kay Love. Mukha namang wala ring balak si Love na pag-usapan namin iyon ngayon.


"Bakit parang puyat ka, Gib?" Tanong ni Zanea.


Napalingon ako sa kanya. "Huh? Ah kasi nag-usap pa kami ni Damon kaya disoras na ako nakatulog." Saka ako napalingon kay Love.


Nakatingin lang siya sa akin pero nag-iwas na rin ng tingin.


"What's with your face, Love? Hindi ko pa naman sinesend kay Traz 'yung video mo." Tumawa si Therese.


Muntik namang mabilaukan si Love sa narinig. "Oh my god, Ae! You're not gonna do that." Umiiling niyang sabi.


"Beats me," Tawa ni Therese.


"Therese, please." Hindi tinanggal ni Love ang tingin kay Therese. "Nakakahiya."


Hindi pa kami tapos kumain ay dumating na sina Traz, Yule, Michael, at Damon. Hindi ko magawang tingnan si Damon pero siya mismo ang lumapit sa akin sa upuan saka hinalikan ako sa ulo. Nagkatinginan kami ulit ni Love pero ako naman ang nag-iwas ng tingin.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon