BOOK 2- Chapter 42

899 12 0
                                    

CHAPTER 42

"Problems are tests to your relationship. You don't need to review. You just need to know how well you know and trust your partner."
   -c.





Napadaing na ako sa higpit ng pagkakahawak niya. Para naman siyang natauhan nang marinig ako. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at tumitig sa akin.

"I'm sorry..." Niyakap niya ako.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko. 'Yung namamanhid ko bang kamay? O 'yung nangyari kanina?

"Hindi na ako nakapagtimpi. Hindi ko kasi tanggap na sa lahat ng pwedeng umahas sa akin siya pa."

Kumunot ang noo ko. "Damon, niyakap niya ako kasi umiiyak ako, pinapatahan lang niya ako. Anong masama doon?"

Umiling siya. "May gusto siya sayo, Gibrielle."

"What? Damon, naririnig mo ba ang sarili mo? Kaibigan ko si Hunter. Kaibigan mo siya! Huwag mong bigyan ng kulay ang nakita mo."

"Hindi sa ganun..." Napayuko siya at umiling ulit. "Noon pa man may gusto na siya sayo. At ang tanga ko para ngayon ko lang malaman. Hinayaan ko pang mapalapit ka sa kanya." Tumalikod siya sa akin pero agad ding humarap ulit. "No. It was my fault. Palagi kitang binibilin sa kanya kaya siguro nagkagusto siya sayo. Fck! I'm so stupid!"

Napailing na lang din ako sa mga naririnig ko sa kanya. "Hindi kita maintindihan, Damon. Saan nanggaling 'to? Huwag mo naman ibaling sa iba ang nararamdaman mong sakit."

"Ganun ba ang nakikita mo, Gibrielle? Nahihirapan ka na ba sakin? Is that what you mean?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Lumapit ako at hinawakan siya sa kamay. "Damon, hindi. Hinding hindi ako mahihirapan sayo. Ayoko lang na sarilinin mo 'yang sakit na nararamdaman mo o kaya ay ibaling sa iba."

"Kailangan mo ba talaga siyang ipagtanggol? Hindi mo ba talaga nararamdaman na may gusto sayo si Hunter? Tangina, Gibrielle. Matatanggap ko kahit sino ang magkagusto sayo, 'wag lang si Hunter o kahit sino na pinagkakatiwalaan ko."

Naguguluhan na ako kay Damon. Saan nanggagaling ang mga pinagsasabi niya? Dahil ba sa niyakap ako ni Hunter? Dahil ba sa malapit kami? Enough na bang reason ang mga iyon para paghinalaan ang kaibigan?

"Damon, let's go. Magpahinga ka na. I know how hard this is for you, pagod ka lang. Ako na ang kakausap kay Hunter." Mahinahon kong sabi.

"Fck! Hindi mo ba talaga ako naiintindihan, Gibrielle? What? Don't tell me you're in love with that asshole too?"

I could really see rage in his eyes. Damon, what is happening with you?

I stayed calm. "Ikaw ang mahal ko kaya nasasaktan ako sa ginagawa mo. Nasasaktan ako para kay Hunter. Ayokong ako na naman ang maging dahilan ng kung anong gulong mangyayari sa buhay mo. Kasi kahit anong gawin ko, makialam man ako o hindi, I guess ako pa rin ang may kasalanan." Muli ko siyang hinawakan sa kamay at sinubukang hilain. "Let's go."

Para siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. "You go."

Nanlaki ang mga mata ko sa cold treatment niya. Para akong nabingi sa kanyang sinabi. Could someone tell me that it's not Damon who said that.

"I also guess you don't believe me. Now, you go." Matigas pa rin niyang sabi.

Parang may kung anong tumarak sa puso ko nang sabihin iyon ni Damon. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon