BOOK 2- Chapter 37

1.1K 20 3
                                    

CHAPTER 37

"I know what it looks like to be in love with you. I know what it looks like to be attracted with you. Because I myself know my face when I'm looking at you, and I basically know of all people the feeling how to fall for you!"
   -Damon Angel De Dios





It's three days before our 23rd monthsary and I am so excited for it. Ako naman ngayon ang bumisita sa kwartong tinutulugan ni Damon. Maaga akong nagising at naisip kong pasukin siya dito nang hindi kumakatok. Pinagmasdan ko siyang mahimbing na natutulog sa kama. Naupo ako sa tabi niya at inayos ang kumot sa kanyang katawan.

"I love you, Damon..." Bulong ko habang nakatitig sa natutulog niyang mukha.

I reached for his forehead then kissed him. Up until now, I'm still asking God, why me? Of all people, why does it has to be me? Bakit ako pa ang nagustuhan at minahal ni Damon? Napakaswerte ko naman yata para makatagpo ng lalaking sobra kung mahalin ako. Hinding hindi nagkulang si Damon sa akin. At sana hindi rin ako nagkulang sa kanya.

Bumaling ang tingin ko sa phone niya na nasa tabi ng kanyang unan. Umilaw kasi ito kaya nakabaling ng pansin ko. Kinuha ko ito at tinanggal ang lock. Kung dati, birthday ko lang ang passcode nito, ngayon birthday na naming dalawa. Kumunot agad ang noo ko nang makita ang tambak na messages at missed calls. Kanina lang ito kaya hindi alam ni Damon. Binuksan ko ang missed calls at galing iyon kina Hunter at sa mga kuya niya. I wonder why... Bakit sunod sunod naman sila kung tumawag?

Sunod kong binuksan ang messages. Nalaglag ang panga ko nang mabasa ang text message ni Kuya Dion na nasa pinaka-unahan:

Kuya Dion:

Dame! Why aren't you answering our calls? Dad's in the hospital!

Answer the damn call!

Damon Angel!

Mom is freaking out! Answer it!

Hindi ko na tinuloy basahin 'yung iba pa niyang texts. Sa sobrang dami, iisa lang ang gustong iparating. Nanginginig ang kamay ko habang nagtatype ng ire-reply kay Kuya Dion.

What happened?

Nang masend iyon, imbes na magreply ng text ay tumawag na siya. I decided to answer it while staring at Damon.

"Kuya, si Gibrielle ito..." Mahina ang boses ko.

"Gibrielle?" Bakas ang pagkagulat sa boses ni Kuya Dion. "Where is Damon? Are you with him? Damn! Of course you're with him! Where is he? May I talk to him, please?"

Hindi ko maipaliwanag kung frustrated na ba o naiinis na si Kuya Dion. Pero halatang kanina pa niya gustong makausap si Damon. Gusto ko man ako na ang magtanong kung ano ang nangyari sa daddy nila, pinigilan ko na ang sarili ko. Pamilya nila iyon at hindi ako pwedeng manghimasok nang wala pang nalalaman si Damon.

"He's sleeping... pero gigisingin ko..."

"Please, Gibrielle..." Nakikiusap ang kanyang boses.

Nilayo ko na muna ang phone sa aking tainga at bumaling kay Damon na mahimbing pa rin na natutulog. Ayoko man siyang istorbohin sa pagtulog pero kailangan dahil importante ito.

"Damon... wake up! Kakausapin ka raw ni Kuya Dion..." Dahan dahan kong sabi habang niyuyugyog siya. "Damon..."

"Hmm..."

"Kuya Dion is on the line. May pag-uusapan kayo."

"About what?" Nakapikit pa rin niyang tanong.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon