Chapter 32

2.2K 57 7
                                    

CHAPTER 32

Wala akong tulog. Buong magdamag akong nag-isip. Hindi ko mababago ang isip ng ate ko. Ngayon pa lang na wala siyang alam tungkol sa pagiging frat leader ni Damon ay ayaw na niya, paano pa kapag nalaman na niya? I thought I'm willing to risk everything for Damon. Pero naisip ko ang lahat ng pinagdaanan ko. Ate ko na lang ang natitira sa akin. Ayoko siyang suwayin. Ayokong magkagulo kami dahil sa akin. Hindi ko kayang mag-isa.

"Bhie, are you okay?" I felt someone hugged me. "I was so worried about you. Ayaw ba sakin ng ate mo? Lalaban tayo. Kakausapin ko ang ate mo, matanggap niya lang tayo. Bhie, magsalita ka naman. Please."

Tumulo ang luha ko. Ito na yata ang huling yakap na magagawa niya sakin. Alam ko sa bandang huli, magagalit na siya. Hindi niya magugustuhan ang magiging desisyon ko.

"Damon, I'm sorry." Humagulhol ako nung harapin niya ako.

"It's okay. Pwede naman natin kausapin ang ate-"

"Damon, ayaw niya. Makakapaghintay ka naman, diba?"

"Ano? Pinapili ka ba niya?"

"Hindi." Umiling ako. "Wala siyang tiwala sa relasyon natin. Ayokong magalit sakin ang ate ko. Siya na lang ang natitira sakin. Please, Damon. Maiintindihan mo naman ako, diba?"

Lalong kinurot ang puso ko nung makita ko ang nakawalang luha sa mga mata niya. I'm sorry, Damon. Mahal kita pero mahal ko rin ang ate ko. Sana maintindihan mo. At sana malaman mong hindi madali sa akin ito. Sa buong magdamag akong mulat, dito rin hahantong ang pag-iisip ko. Ito rin pala ang magiging desisyon ko.

"Mag-break muna tayo, Damon. Kung talagang mahal natin ang isa't isa, kaya nating maghintay, diba?"

"Hindi!" Sigaw niya. Ginulo niya ang kanyang buhok. "Kung talagang mahal mo ako, ipaglalaban mo ako sa ate mo. Pareho nating ipaglalaban ang pagmamahalan natin. Bhie naman. Hindi mo na ako tatalikuran, diba? Bhie, sabihin mo sakin mahal mo ako."

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, Damon. But I'm sorry. Sana maintindihan mo ako. I'm sorry. Sana mapatawad mo ako."

"Pwede naman tayong lumaban. Let's prove her wrong. Ipaglaban natin ang relasyon natin." Nagmamakaawa niyang sabi.

"Damon, please understand..." Pinahid ko ang luhang tumulo. "She's the only family I have. Ayokong magkagulo kami. Naiintindihan mo naman ako diba?"

"I totally fcking understand you, Gibrielle. Ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan natin maghiwalay kung pwede naman natin ipaglaban?"

This is so hard. Kahit anong explanations ko, sigurado akong hindi niya tatanggapin. I have my point. He has his point. At parehong hindi magkasundo. We are not intersecting lines where in we will meet in a certain intersection point. We are parallel lines. We will no longer meet no matter how hard we try.

"Damon, I'm sorry..." Iyon na lang ang sinabi ko saka dahan dahan humakbang palayo sa kanya.

Tinalikuran ko na siya. Tumakbo na ako palayo sa kanya. Paano ko siya haharapin sa practice mamaya? Baka mag-breakdown lang ulit ako. Hindi ko naman pwedeng talikuran ang practice. Ayokong madamay ang studies ko.

Inayos ko ang sarili ko. Pagkalabas ko ng cr, narinig ko na naman ang bulungan ng mga zombies. Pati ang mga masasamang tingin nila sakin. Wow! Ganun ba kabilis ang tsismis?

"Gosh! Pinaiyak niya si Damon!"

"Break na daw sila?"

"Mas okay na 'yun, noh! Alam ko namang paaasahin lang niya si Damon."

"Napakasama niyang babae."

"Malandi pa. Argh! Nakakainis talaga!

"Hindi ko na kaya!"

May biglang lumapit sakin saka hinila ang buhok ko. Nag-init rin ang pisngi ko sa sampal nila. Pinagtulungan na nila ako. Wala ako sa sariling nagpapatangay sa kanila. Wala na akong lakas para lumaban. Malalagasan na yata ako ng buhok. Pinagkakalmot rin nila ako. I never cried. I deserved this. Sinaktan ko ang lalaking kinahuhumalingan nila, ang pinapangarap nila na mapasakanila pero basta ko na lang iniwan. I deserved better than this. Napaupo na lang ako sa panghihina. May sumampal ulit sa akin at sinabunutan ako.

"Who do you think you are to make our prince cry? Porke gusto ka niya, you'll make your revenge to him?" Sigaw nung isang babae saka kinalmot ang braso ko. I remember this girl. Siya 'yung babaeng nagpakita ng picture sa akin noon.

"Umalis ka na dito! You don't deserve to be here!" Sigaw pa ng isa.

Bawat salitang tinatapon nila sakin, naiiyak na lang ako, tinatanggap ko lahat. I deserve more than this. Kulang pa ito na kabayaran sa pagtalikod sa taong mahal ko.

"Rot in hell, slut! Mamatay ka na! Umalis ka na sa university'ng ito!" At muli ay nakatanggap ako ng mararahas na sampal at sabunot. Naramdaman ko na rin ang dugo sa labi ko.

"Hey! What do you think you're doing?" Sigaw ng kung sino. His voice is familiar though.

Nagsi-alisan silang lahat. Parang biglang hangin na lumayo sila sakin. Inisa-isa kong tingnan ang mga babae. Nakikita ko ang takot sa mga mata nila kasabay ng galit. Takot sa taong nagsalita at galit para sa akin. Nang bumaling ako sa taong sumigaw, nakita ko si Hunter at inaalalayan na akong makatayo. Umiling ako pero hindi pa rin ako umiyak.

"Why did you stop them? I deserved that. I broke Damon's heart. Hinayaan mo dapat silang gawin sa akin iyon." Nakatulala lang ako habang sinasabi 'yun. Nahihirapan siyang itayo ako dahil tumatanggi ako.

"Are you crazy? Hahayaan mo silang saktan ka nila? Tignan mo sarili mo. Ang dami mong kalmot, gulo gulo ang buhok mo at pulang pula na ang pisngi mo. And then you want more?" Sigaw ni Hunter sakin.

Tumayo na ako at sinamaan siya ng tingin. Wow! May lakas pa pala ako para makatayo. "Just leave me alone."

"No. Kailangan nyo mag-ayos ni Da-"

"Hindi na mangyayari 'yun!" Sigaw ko. "Leave me alone!"

Tinalikuran ko na rin siya. Habang naglalakad ay pilit kong inaayos ang buhok ko. Wala akong pakialam sa mga tawanan ng iba. Nakarating ako ng theatre na magulo pa rin ang buhok ko. Nakita agad ako ni Zanea at Ingrid na nag-uusap.

"Oh my god! Gib, what happened to you? May dugo sa gilid ng labi mo." Hysterical na tanong ni Zanea sakin nung lumapit siya.

Nagsitingan silang lahat sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang taong sinaktan ko kanina pero wala siya. Darating ba siya sa practice?

"Wala ito. Mag-start na tayo." Sagot ko.

"Do you think hahayaan kitang mag-practice ng ganyan? Pumunta ka nga sa infirmary at magpagamot." Sigaw ni Ingrid.

"May puso ka naman pala." Bulong ni Zanea. "Gib, let's go."

Hinila na ako ni Zanea palabas. Doon nakita ko ang taong hinahanap ko. Nakasalubong namin si Damon na hinihingal sa pagtakbo. Huminto siya nung makita kami. Pero nagtuloy tuloy lang sa paghila sakin si Zanea.

"You did this to her, Damon!" Sigaw niya pagkalagpas namin sa kanya.

"Hindi niya kasalanan, Zan." Sabi ko pero hindi na iyon narinig ni Damon dahil malayo na kami sa kanya.

Saka lang bumuhos ang luha ko. Ngayon ko naramdaman ang sakit. Ngayon nag-sink in sa akin ang lahat. Wala na kami ni Damon. I broke his heart as I broke mine. Ako ang may kasalanan.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon