BOOK 3- Chapter 31

361 15 1
                                    

CHAPTER 31



Soundtrack: Save Myself by Ed Sheeran



"You can't please everyone so learn to appreciate yourself first before anyone else."




Kasama ko si Avee lumuwas ng Pampanga para puntahan ang puntod nina mama, papa, at Ate Gail. Last kong punta dito ay nung araw bago ang birthday ko.


Nakapagpaalam naman ako kina Tita Joy na dito ang punta ko. Malaya na ulit ako simula nung matapos ang problema namin kay Charles. Para akong bumalik sa pagkabatang pinapayagan nang lumabas ng bahay.


Pagkarating ko sa sementeryo, hindi agad ako nakapunta sa puntod nina mama. Nakita ko ang mga tita ko na bumibisita. Magkakasama sila at nagkukwentuhan. Nakakapagtaka. Wala namang okasyon ngayon bakit sila nandito? Bakit na-timing pa sa pagdalaw ko?


Umatras ako at umalis ng sementeryo. Karga ko pa rin si Avee nang maisipan kong dumalaw muna sa SMU. It's a very special place for me. Dito ko nakilala si Damon, dito nag-start ang lahat. Saksi ang lugar na 'to sa pamamahalan namin ni Damon. Saksi rin ito sa mga problemang napagdaanan namin. If I were to choose the blace place of our relationship, it would be this university.


Sa lahat ng napagdaanan ko noon, simula nang lumipat ako sa university na 'to, nag-umpisa ang tunay na kahulugan ng buhay sa akin. I even met my true friends here. At sinong mag-aakala na iikot ang buhay ko sa mga frat members?


Hindi ko inda ang pagbubuhat kay Avee nang maglakad ako papunta sa hideout ng Alpha. Summer ngayon kaya siguro naman walang tao? At kung meron man, sana kakilala ko para makapagtambay muna ako kahit sandali habang hinihintay na makaalis na ang mga tita ko sa sementeryo.


"Baby, this is a very special place for me and Damon. Dito naganap ang first kiss ko." Napangiti ako nang maalala iyon.


And who would have thought that the fairy tale story of Snow White would mean everything to my life? Naging malaki rin ang impact ng play na 'yon sa amin ni Damon. At kung tatanungin man ako kung anong paborito konh fairy tale story, Snow White na ang sagot ko.


Nang makarating ako sa hideout nina Damon noon, nalaglag ang panga ko nang hindi na makita ang tree house. Nilibot ko ang paningin ko baka nagkakamali ako ng daan na natahak. Pero hindi e. Sigurado akong ito ang hideout ng Alpha. Pero nasaan na ang tree house? Pati 'yung bench na inupuan namin noon ni Damon kung saan niya ako hinalikan.


Ang laki ng pagbabago nitong tagong lugar na ito. Wala na 'yung tree house at 'yung bench. Wala ng kahit na anong bakas ng nakaraan. Kubo na talaga siya na nasa lupa.


Pumasok ako doon at pinagmasdan ang loob. There's no doubt that this is the new face of their hideout. May mga naka-display na pictures ng mga Alpha Gamma Phi members. Nandoon ang dating members na sina Damon at ang mga bago ngayon na sina Arza.


Napahinto ako sa bintana nang may mapansin ako. Hindi siya kapansin-pansin pero agad ko siyang napansin. Lumapit ako dito at binasa ang nakasulat. Sinulat ito gamit ang isang sharp na bagay.


Marie loves Damon


Bumigat agad ang pakiramdam ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit na malaman na wala na kahit na isang patak ng alaala namin ni Damon dito? Mga bagong alaala na lang ang natitira... mga alaalang ni isa ay wala ako.


Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.


"Sino ka?" Tanong ng isang pamilyar na boses.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt