CHAPTER 35
Soundtrack: A Thousand Years by Christina Perri
"Memories kept in the mind can be forgotten. But memories cherished in the heart will never fade."
Ramdam ko ang mainit na kamay na nakahawak sa akin. Pati ang mabibigat niyang paghinga naririnig ko. Unti-unti akong nagmulat at taimtim na nagdadasal na sana hindi panaginip ang nangyari. Na kung panaginip man, sana 'yung part na lang na nag-away kami ni Damon. Sana hindi panaginip na katabi ko siya ngayon.
Hinalikan niya agad ang noo ko pagkamulat ko. Napangiti ako. Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising.
"I'm sorry, Gibrielle."
Bumangon ako dahil maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na masakit ang ulo ko. "I'm sorry, Damon. Nadala ako ng emosyon ko kahapon."
"It's okay, I understand." Hinalikan niya ang kamay ko saka ko nakitang soot ko na muli ang singsing. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.
"I love you, Damon. Magbabago ang lahat pero ang pagmamahal ko sayo hindi."
We stayed on his bed for another 30 minutes. Nagtititigan lang kami. Bukas na ang kasal pero parang wala lang din. Baka bukas ko pa talaga mararamdaman ang kaba. Ngayon kasing magkasama kami ni Damon, para na rin kaming kinasal. Kailangan lang namin pormal na humarap sa altar at sa Panginoon.
"Do you still remember our first monthsary?" Bigla niyang tanong habang nakahiga pa rin kaming dalawa.
Napangiti ako sa pag-alala. "Oo naman. Dinala mo ako sa simbahan."
"Kung ganun, natatandaan mo pa ba kung anong ni-request ko kay Father?"
Medyo kumunot ang noo ko. Pilit kong inaalala ang gustong sabihin ni Damon. Nag-request ba siya kay Father nun? And speaking of Father, sobrang tagal na rin naming hindi nagkikita.
"Ano 'yun?" Tanong ko dahil hindi ko na matandaan.
"You're still the same. Tumayo ka na diyan, may pupuntahan pa tayo." Mabilis siyang tumayo mula sa tabi ko.
"Saan naman? Damon, bukas na ang kasal. Hindi na tayo dapat pumupunta pa kahit saan."
"Just trust me. Bumangon ka na. Maliligo lang ako tapos ihahatid kita sa inyo para makapagbihis."
Kahit nagtataka ay bumangon na rin ako. "Lalabas na muna ako para batiin si Mommy Debby."
Nasa pintuan na ako nang hilahin niya ang braso ko. Ang akala ko ay may sasabihin pa siya pero nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. Bigla kong naisip, sana hindi panaginip ito. Sana totoo ito dahil mas masarap makasama si Damon sa katotohanan kaysa sa panaginip lamang. Nahahawakan ko siya, nahahalikan, at akin lang siya.
Malaki ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos niya akong halikan. Ganun din ako. Para bang hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ko.
"Sana ganito tayo palagi. Walang away. Walang tampuhan." Nakatitig niyang sabi sa akin.
"Maligo ka na." Tumawa ako.
At napatunayan kong smile is contagious talaga. I heard him chuckle again. That sexy chuckle of his. "Yes, Mrs. De Dios."
Nag-init ang pisngi ko pagkarinig doon. Kailan ko nga ba huling narinig iyon mula sa kanya?
Lumabas na ako ng kwarto niya para batiin sina Mommy Debby at Kuya Ashlee. Gulat silang nandito ako dahil hindi naman ako kasama ni Damon umuwi dito kagabi. At gaya ng sabi ni manang, pansin din nila ang pagkalugmok ni Damon kagabi. Sinabi ko na lang na may hindi kami pagkakaintindihan pero maaga akong nagpunta dito para makipag-ayos.
BINABASA MO ANG
That Frat Leader (TFL SERIES #1)
RomanceThat Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)