Chapter 375

165K 6.2K 4.3K
                                    

A/N: Congratulations to all Tropa. I'm so proud of you guys! 🥹😊 May honor man o wala. You work hard and that's enough to earn a very sweet and proud congratulations 👏🎉.




sorry sa tpo and wrong grammar.

.
Vs Ram

Jay-Jay's POV

"Yabang mo!" Pang-asar na sabi ni Ci sa 'kin. 

Sinipa ko siya pero hindi umabot ang paa ko. Ang hirap talaga kapag maikli ang mga binti.

"Math pa lang ba napa-check mo?" tanong ni Yuri.

Umiling ako bago ilapit ang hawak kong stick na may marshmallow sa dulo para tignan. Gumagawa ako ng s'mores kaso ang liit lang ng apoy sa loob ng lata ang gamit namin sa gitna. Sa dami naming may nakaabang na marshmallow hindi maluto ng maayos ang iba.

"Na-check-an na rin niya ang iba. Maganda naman score ko pero mas proud ako sa Math."

"Great job. Tuloy mo lang 'yan baka ikaw pa maging higshest sa 'min," sabi ni David. 

"Malabo," bulong ni Ci kaya hinampas ko sa kanya ang stick na hawak ko. 

Ay shunga, 'yung marshmallow.

Nawala sa isip ko na may nakasaksak sa dulo ng stick na hawak ko. Dumikit sa buhok niya ang marshmallow. Nataranta naman ako at agad na kinuha 'yon mula sa buhok niya. 

"Ay, ang marshmallow ko!"

"Kadiri naman! Buti nga." Pang-aasar pa ng batang kumag. 

Agad ko siyang tinignan ng masama. Kukuha na naman akong marshmallow, e ang hirap ngang idarang sa apoy. Ang dami ko kahati sa kakarampot na apoy sa lata.

Kainis. Kasalanan 'to ng pasaway na bata.

Napalingon ako kay David ng iabot niya sa 'kin ang stick na hawak niya. "You can have this."

Mabilis akong umiling. "Wag na, sa 'yo 'yan eh. Mag-iinit na lang akong bago."

Tinapon ko ang hawak ko.

"It's okay, hindi rin naman ako mahilig sa s'mores." Pagpipilit ni David. 

Tinanggap ko na lang kaysa magkulitan pa kami. Kumuha agad akong graham cracker at chocolate na coffee table sa gitna rin namin. Natuwa naman ako ng makabuo ako ng maayos na s'mores. 

Hinarap ko si Ci at ininggit siya sa hawak ko. Sa kanya kasi hindi pa rin lumalambot ang marshmallow. Inirapan naman niya ko.

Hehe mainggit ka batang kumag.

"Ang liit naman kasi ng apoy natin, kailan pa matapos 'to?" Reklamo ni Mayo.

"Pagtyagaan mo na, bawal ang bonfire kina Sir," paliwanag ni Kit.

"Mabilis namang lumambot ang marshmallow," sabi ni Denzel na pini-picturan ang ginagawa niya.

Balak niya sigurong isend kay Grace 'yon. 

"Malamang mabilis sa 'yo, sakupin mo ba naman lahat ng apoy." Inis na sabi ni Rory.

Hindi naman siya pinansin ni Denzel dahil abala siyang picturan ang gawa niyang s'mores. Para siyang bata na dino-document ang ginagawa. Sabagay, ayaw siguro niyang ma-left out si Grace kasi hindi pa pwedeng mamasyal ang mag-ina. 

Miss ko na si Baby Grazel.

After nito, pupuntahan ko sila. Bibisita lang tapos magdadala na rin siguro akong regalo tapos makikikain na rin ako sa kanila. 

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon