Chapter 376

110K 4.9K 2.6K
                                    

A/N: Hello Tropa, promote ko lang 'yung relaunch naming Podcast; 

Titled "The Other What If" is an AU story of AMNSE. 

Sana pakinggan niyo. Maraming salamat.

 Maraming salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Cry blood

Jay-Jay's POV

Nakapasok ba sila? Anong nangyari sa pinsan ko at kay Sir Alvin? Napabagsak ba sila? Baka may nangyari ng masama sa kanila?

Nasan na ba ang mga Ulupong?

Malalim ang bawat paghinga ko. Hindi ko alam kung anong sunod kong dapat gawin. Meron dapat akong gawin. Dapat akong kumilos pero blangko ang utak ko.

"Bilis! Habang abala sila sa labas!" sigaw ng isa sa kanila.

Nabitawan ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Hindi ko na-lock.

Dapat mong i-lock ang pinto.

Ang shunga ko! Sa sobrang taranta ko hindi ko napansin ko na hindi ko na-lock kagaya ng bilin ni Kuya Angelo. 

Bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang tatlong lalaki na puro tattoo sa braso at leeg. Matatangkad sila kagaya ng mga Ulupong pero mas malaki ang mga katawan nila. Halatang mga batak sa gulo.

"Andito siya," sabi ng isa at malapad ang ngiti ng mga kasama niya.

Dahan-dahan silang pumasok habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.

"Sabi ni Ram, lumpuhin daw natin at balian ng braso para hindi makalaban. Basta ihatid natin ng buhay sa kanya."

Tangina. Papatayin na lang ako gusto pa kong pahirapan.

Nagtawanan sila at sa paglingon ng isa sa kanila hinataw niya sa 'kin baseball bat na hawak. Nakaiwas ako sa pag-atras. Agad ko ring dinampot ang bangko malapit sa 'kin. Hindi ako babagsak ng hindi lumalaban.

"Totoo nga, lumalaban nga."

Umatras ako habang hawak ang bangko at sila naman ang unti-unting lumapit. Kaya ko pa naman lumaban. Hindi ko nga lang alam kung kaya kong lumaban sa kagaya nila.

Agad na sumugod ang isa, pero bago pa niya mawasiwas ang hawak binato ko na sa kanya ang bangko at buong lakas siyang tinadyakan sa tyan. Bago bumagsak tumama ang likod niya sa study table. Malakas siyang napadaing at mukang napuruhan siya.

Nagalit ang dalawang natitira sa 'kin at sunod-sunod akong minura. Sabay pa nilang inihampas sa 'kin ang mga hawak pero nakalayo kagad ako. Binato ko ang sunod na gamit na mahawakan ko, hindi ko nga lang namalayan kung ano-ano 'yon.

Nakakahiya dahil hindi ko naman gamit ang mga 'to. Papalitan o babayaran ko na lang siguro kina Sir at Ma'am pagkatapos ng gulong 'to.

Tinamaan ang isa sa muka pero hindi ko napansin ang paglapit ng isa. Naramdaman ko na lang ang tama ng likod ko sa pader at kamay niya sa leeg ko. Hindi makita ng maayos ang pwesto niya kaya sumipa na lang ako ng sumipa nagbabaka sakali na may matamaan ako. Hindi naman ako nabigo dahil tinamaan ang binti niya kaya nabitawan niya ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon