Chapter 377

189K 7K 8K
                                    

A/N: Enjoy reading.


Traitor

Jay-Jay's POV

"Ma, paglaki ko bibili kita malaking bahay . . ."

"Palakas ka muna katawan lagi ka may sakit."

Sino 'yon? Sino 'yung nag-uusap?

May naririnig akong boses at pa-unti-unting nagkakaroon ng imahe. May babae sa tabi ko na nagpa-plantsa ng damit. Pinagmasdan ko siyang mabuti hanggang sa nagkaroon siya ng muka sa paningin ko. 

Mama?

Sinubukan kong tignan ang paligid ko pero malabo. Tinignan ko ang nasa harapan ko at ang hilera ng mga damit ang una kong nakita. Napatitig ako sa iisang damit na paulit-ulit kong tinutupi.

Sandali? Bakit kusang gumagalaw ang mga kamay ko?

Tinignan ko ulit si Mama at natigilan ako ng makita ko ang mga pasa niya sa muka at balikat. Sandali siyang tumingin sa 'kin at ngumiti na para bang walang marka sa muka niya.

Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. 

Bakit ganito?

"Jeana!" tawag ng boses lalaki kay Mama.

Nakatayo siya sa pinto pero dahil sa liwanag sa likod niya hindi ko makita ang muka niya. Tumigil si Mama sa ginagawa niya at inasikaso ang lalaki. Naglakad siya papalapit sa 'kin pero bago ko pa man makita ng tuluyan ang muka niya bigla na lang nagdilim ang paligid.

Panaginip ba 'to?

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at si Keifer ang una kong nakita. Mukang nanaginip ako. Sinubukan kong igalaw ang kamay at mukang napansin niya 'yon.

"Jay, can you hear me?"

Hindi ako makakilos ng maayos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang may nakadagan sa 'kin. Sinubukan kong magsalita pero pag-ubo lang ang naging sagot ko.

"Wag mo pilitin, mataas pa rin ang lagnat mo," sabi ni Keifer at awtomatiko akong nakaramdam ng panlalamig.

Hindi panlalamig sa kanya. Sa katawan ko.

Kaya pala ang bigat ng katawan ko at ang hirap kumilos. Pero alam kong totoo na 'to, ito ang reyalidad. Iba sa nakita ko kanina.

Pero kailan nangyari 'yon at bakit ko nakita 'yon?

"Gusto mo ng tubig?" Alok ng Hari at tumango naman ako bilang sagot.

Ampucha, ang hirap igalaw ng katawan at leeg ko. Kumikirot din ang ulo ko. Parang hinampas ang buong katawan ko sa pader. Parang basahan na pinagpag para matanggalan ng alikabok. Mga gano'ng pakiramdam. 

Tinulungan ako ni Keifer ng makaupo ng maayos bago painumin ng tubig. Paunti-unti lang ang inom ko kahit sa totoo lang gusto ko ng lagukin pati baso. Uhaw na uhaw ako, daig pa ng lalamunan ko ang disyerto sa pagkatuyot.

Baka tubuan na ko ng cactus sa ngala-ngala.

Matapos uminom at makapahinga sandali, tsaka ko lang nakita kung nasan ako. Nasa bahay pa rin ako nina Sir Alvin at Ma'am Cindy, sa guest room nila. Akala ko nadala na naman ako sa ospital.

Kaunti na lang gagawin ko ng residential address ang hospital.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina at ang pinsan ko.

"Si K-Kuya?" Nag-aalalang tanong ko.

"He's downstairs, Ma'am Cindy is giving stitches to his exposed cuts."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon