CHAPTER 1

291 9 0
                                    


Celeste's POV

Sinundo ako ni Elmo kaya hindi na rin ako nakapag-paalam pa kay Zashi. Late na rin kasi siyang gumising, nag-iwan nalang ako ng note at breakfast niya pati na gamot para matanggal ang hangover niya.

We're here outside the cinema to buy popcorn and drinks. I'm just letting him choose 'coz I don't feel the atmosphere. Alam naman niya ang mga gusto ko dahil hindi ito ang unang beses na nanood kami.

Nang matapos ay pumasok na kami sa loob. Mas gusto ko sa gitna pero pinipilit niya na doon kami sa taas kung saan walang masyadong tao. 

I hate this! He's being clingy.

Siya lang ang tumatawa sa buong panonood namin. I'm just pretending that I'm laughing but deep inside I'm freakin' bored!

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang may isang tao na paulit ulit na dumadaan sa harap namin. Tatlo lang kami na nasa last row. Sa huling pag-daan niya ay hindi sinasadyang matapon lahat ng dala nitong drinks kay Elmo.

Hindi ko alam kung nananadya ba siya o dahil lang iyon sa cap na nakasuot sa kaniya kaya hindi niya nakita ang dinadaanan niya.

"The h£ll! Are you f^cking blind?!" sa sobrang lakas ng sigaw ni Elmo ay nag-tinginan sa amin ang mga tao sa ibang row.

I feel so disappointed at him for being a short tempered man. Tsk! not a gentleman at all. Kung hindi lang dahil kay Mom ay matagal ko na siyang ni-reject.

"I'm sorry po! Hindi ko po kasi kayo nakita bukod sa madilim ay madilim din po ang kutis niyo na pinarisan pa ng itim na damit." Muntik na akong matawa dahil sa sinabi nito. Mabuti nalang ay napigilan ko pa.

But wait! Her voice seems familiar!

"Are you insulting me?!" 

"Elmo calm down. Mukhang hindi naman talaga niya sinasadya." pagpapakalma ko sa kanya na hindi naman effective.

"Whatever." Nag-walk out ito at sa tingin ko ay magpapalit ng damit.

Nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko ang babaeng nakatapon ng drinks kay Elmo.

"Ate, why don't you just tell him the truth na you don't like him?" Hindi nga ako nag-kamali, kilala ko ang boses niya kahit ipitin niya pa yan ng ipitin. Para masiguro iyon ay tinanggal ko ang cap niya.

"Zashi! Why did you do that???" 

"I'm the one who should be mad at you. Today is my birthday but you forget it. 

"Oh, I'm sorry! Happy Birthday!!!" I hugged her and kissed her cheeks dahil nakasimangot siya.

"Tapos iniwan mo 'ko sa bahay para lang makipag-date sa mukhang uling na yan!"

"Watch your words Zashi. You should respect him. Babawi ako, saan mo gustong pumunta?" Hindi siya nag-salita pero may inabot siya sakin na dalawang ticket. 

This is the horror movie that I wanted to watch!

Sampung minuto na lang bago mag-simula iyon. Kaagad kong hinila si Zashi para bumili ng makakain at nag-tatakbo papasok sa kabilang cinehan. Tinext ko nalang si Elmo na kailangan ko ng umalis dahil emergency.

"This is exciting!" Sa dulo ulit kami naupo dahil siguradong mapupuno ng hiyawan mamaya.

"Pasalamat ka birthday mo ngayon. Dapat sayo may punishment!"

"Wala akong planong malasing. Gusto ko lang mag-unwind pero pinilit nila ko." 

"Zashi, I want to ask you something." I told her in a serious voice. Hindi siya tumitingin sakin kaya kinabig ko ang baba niya.

"Yes or no. Are you gay?" Nag-iwas siya ng tingin sakin. Hayst!

"Nag-start na yung movie." pag-iiba nito ng usapan.

"Zashi answer me." Hindi ko siya tinantanan. I have to know and wala namang magbabago.

"Ate look!" 

"Zashi…" I glared at her, which made her sigh.

"Yes, I am."

My jaw dropped. We took a bath together! Should I feel awkward?

Hindi na kami nag-salita ng mag-simula ang movie. Sa una ay tahimik lang but after a few minutes , the whole place filled with screams because of jumpscare.

Nakisigaw rin kami ni Zashi para naman ma-feel namin yung movie.

I'm getting some popcorn when I accidentally touch her hand. Hindi niya inalis ang kamay niya kaya kumuha nalang ako ng popcorn kahit naroon pa.

Zashi laid her head on my shoulder. I am used to it and I always let her do it. It made me feel like I'm not alone. 

"Ate?" tawag niya sa akin habang tahimik na lahat dahil nandoon na sa part na marami ng namatay.

"Hmm?"

"Hindi ka ba naiilang?" Napaisip ako sa tanong niya. I've never encountered someone who's part of lgbtq. Siya lang talaga. But at the same time, I feel comfortable when I'm with her. I feel safe and happy all the time and I think that's enough reason to keep her rather than staying away from her.

Siguro ito yung dahilan kung bakit gusto niyang lumayo sa akin.

"No. Nothing's gonna change." I know she's worried na baka may mag-bago between us. Kinuha ko ang drinks na ininuman niya saka ininom iyon. Nakatingin lang siya sakin with questioning look. "See? Kahit mag-sabay pa tayong maligo. Hindi ako maiilang but do remember your limitations, okay?" 

"Okay po."

"...and please don't you ever do what you did yesterday." She just nodded and continued watching the movie.

Pag-labas namin ng cinehan ay gusto niya pang mag-arcade pero inaya ko na siyang umuwi. Nag-taxi lang kami dahil hindi ko dala ang kotse ko.

Nakaidlip siya sa balikat ko at ginising ko lang siya ng nakarating na kami sa bahay. Hinayaan ko siyang ituloy ang tulog niya sa couch dahil minsan kahit kumpleto na ang tulog niya ay antukin parin siya.

I started to bake a cafe for her and cook for a simple celebration. I also invited her friends. I told them to come after an hour pero nandito na sila after fifteen minutes. Tinulungan nila akong mag-design kahit na simple lang.

Sabi ko ay dahan dahanin ang paggising kay Zashi. Hindi ko napansin na dinala ni Paula ang takip ng kaldero at pinaingay iyon. Pasaway talaga! 

Pag-pasok nila sa kusina ay nakakapit na naman sa kanya si Nicole. Pinaghila pa siya ng upuan.

I just rolled my eyes. Why she keeps on pushing herself to Zashi? Halata naman na kaibigan lang ang turing sa kanya ni Zashi. Tsk! desperate…

Katabi ko si Zashi  habang katabi niya si Nicole. Si Paula, Cass at Hanna naman ay nasa harap namin.

Sa tuwing lalagyan ko ng pagkain ang plato ni Zashi ay lalagyan din iyon ni Nicole. It pisses me off!

"Guys, ako na! May kamay ako oh!" Itinaas pa niya ang kamay niya.

I'm not in the mood. Nakikita ko sa peripheral vision ko kung paano subuan ni Nicole si Zashi na halatang napipilitan lang na tanggapin. 

"You should brush your teeth later Zashi." bulong ko na tanging si Zashi lang ang nakarinig.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now