CHAPTER 59

121 4 0
                                    

Zashi's POV

“I have a surprise for you." nakangiti kong sabi sa kanya pero imbis na matuwa ay parang natakot ito. "May problema ba?"

Tipid na ngumiti si Celeste saka umiling at lumakad palabas. Ako naman ay nakasunod lang. Malapit na kami sa kusina pero bigla siyang huminto nang marinig ang mga tawanan mula rito.

“It was in my dream.” mahinang sambit niya na narinig ko naman.

“What dream?"

“In my dream—Dad is with Lita. She's—she's goin' to kill me." nakita ko ang takot sa mata niya habang dahan dahan na umaatras.

“Babe, I won't let anything happen to you. Wala dito si Lita at siguradong hindi hahayaan ni Tito na lumapit pa siya sa'yo.

Niyakap ko siya mula sa likod. Naramdaman ko ang lamig ng katawan niya. “I'm just here."

Sabay kaming humakbang papunta sa kusina. Nasa garden ang mga kaibigan ko kasama si Amery.

Mas lumapad ang ngiti ko pagdating namin sa pinto. Nakita ko si Tita Jane. Hindi naman na namin siya Yaya kaya mas maganda kung tawagin ko siyang Tita.

Lumingon sa akin si Celeste. Nagtatanong ang mga mata niya bago muling ibaling kay Tita na nakaupo at nakatulala. Kailangan pa niyang dumaan sa therapy. Sa ilang taon niyang pagkakakulong sa bahay ay unti unti siyang nawala sa sarili.

Binaklas ko ang pagkayakap ko sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit kay Tita Jane habang sila Tito ay tahimik lang.

Pinihit niya paharap ang wheelchair saka lumuhod sa harap ni Tita.

"Mama" nanubig ang mata ni Celeste. Nanonood lang kami sa kanilang dalawa dahil kanina pa namin nakausap si Tita. Minsan ay tumatango siya pero madalas ay tulala lang.

Tumingin sa kanya si Tita at tinitigan ang mukha niya na parang kinikilala ito.

“C-Ce-Celeste...Cel-Celeste" wala pa rin emosyon ang mukha nito.

"Mama" bigla siyang tumayo mula sa pagkakaluhod at mahigpit na niyakap si Tita. Napuno ng mga hikbi ang paligid.

Para akong nakahinga ng maluwag pero ang bigat pa rin isipin na buong buhay ni Celeste ngayon lang niya ulit makakasama si Tita. Kaya gagawin ko ang lahat para bumilis ang paggaling nilang dalawa.

"A-anak k-ko." Ngayon ay nasilayan namin ang malapad na ngiti mula sa labi ni Tita Jane.

Itinuro nito ang litrato ng isang batang babae na naka-frame pa. Ini-abot niya ito kay Celeste.

"Ikaw ito, Anak. P-patawarin mo si M-Mama." tumango si Celeste. Halo halong emosyon ang nakita ko sa kanya ngayon.

Pinagmasdan ko lang sila na nag-uusap at nagtatawanan. Sabi ng Doctor kailangan lang subaybayan sa gamot at palaging kausapin si Tita. Mga ilang buwan lang ay babalik rin siya sa dati.

"Zashi, hinahanap ka ni Kuya Evren." napatingin silang lahat sa'kin.

Sasagot na sana ako kay Amery pero pumasok na sa kusina si Kuya. "Excuse us." He look bothered.

"Kuya." sumunod sa amin si Nay Yen sa taas. Kinakabahan ako sa kung ano man ang dapat naming pag-usapan.

"Sigurado ka na ba sa mga desisyon mo? Death penalty ang maaaring ipataw kay Mack. Hindi ako pwedeng humawak ng kaso dahil kahit papaano ay tinuring ko na parang pamilya ang Lolo mo."

"Wala bang ibang paraan? Kahit habang-buhay siyang makulong."

"Marami pang pamilya ang nagsampa ng kaso. Wala ng kawala ang Uncle mo sa dami ng napatay niya."

Parang nanghina ang tuhod ko. Ang nais ko lang ay maparasuhan at magsisi siya sa lahat ng ginawa niya.

"Isa lang ang naiisip kong paraan at labag ito sa batas."

"What is it?"

"Itatago natin siya."

"No! Hindi natin pwedeng gawin 'yan."

"—pero Zashini."

"Hahayaan ko nalang ang ginawa niya sa girlfriend ko? Kay Tita Jane at sa iba pang pinahirapan niya???"

"Kadugo mo siya. Pamilya—"

"Alam ko...Alam ko kuya."

"Alam kong hnd maidya-justify nun ang ginawa niya. Pero pag-isipan mo pa ring mabuti." iyon ang huling sinabi ni Kuya Evren bago ako tinalikuran.

Diyos ko, gabayan niyo po ako sa anumang desisyon na gagawin ko.

"Baby, ayos ka lang?"

Palihim kong pinunasan ang luha ko bago humarap sa kanya.

"Oo naman." peke akong ngumiti.

"Sigurado ka? Bakit ang lungkot ng mga mata mo?" ani niya at sinapo ang pisngi ko.

"Hindi ah. Nakangiti kaya 'yan." pinasingkit ko ang mata ko. I heard her chuckled.

"But if there's something that keeps on bothering you sabihin mo sa akin." Tumango ako at hinawakan ang kamay niya na nakasapo pa rin sa pisngi ko.

"I'm proud of you." sunod niyang sabi na nagpataas ng kilay ko.

"Napakabuti mong tao. Alam kong pamilya mo pa rin si Mack pero lagi mong pinipili ang tama."

"Hindi ko na hahayaang may manakit pa sa inyo ulit."

"Dahil diyan may reward ako for you."

"Ano yun?"

"Secret. Tara na kailangan ko ng magpahinga."

"Paano sila Tita?"

Hinila na niya ako paakyat. Napansin kong hinihingal na naman siya kaya naisip ko siyang buhatin na ikina-ngiti niya.

"Nagpaalam muna ako. Bababa rin tayo mamaya. Sabay sabay tayo mag-lunch."

"Hindi pa tayo nag-breakfast."

"May pagkain na doon sa taas. Naghingi ako ng pabor kay Amery. Ang bait niya talaga."

"Yes. Kumapit ka ng maayos." naramdaman ko kasing maluwag ang hawak niya. Medyo pagod din ang braso ko baka mapano kaming dalawa.

Hindi ko pinahalata na nahihirapan ako hanggang sa huling step ng hagdan. Nakangiti siyang bumaba at hinila ako sa kwarto.

Kumain lang kami saglit. Ibinaba ko lang ang pinagkainan nang may mapansin akong kakaiba mula sa balkonahe.

Dahan dahan akong lumapit at sinigurado ko na hindi gaanong rinig ang mga yabag ko. Nakabukas naman ang pinto. Nagtago muna ako sa gilid at tinignan sa reflection kung may tao ba o wala.

Wala naman pero may isang halaman na nakakuha ng atensyon ko. Pareho lang ang uri ng mga halaman ngunit ang katabi nito ay naiiba ng kulay.

Kinuha ko iyon at inilapat sa table saka sinuri. May napansin akong kakaiba. Bakit may button?

Na-curious ako at pinindot ito ng biglang tumunog. B-bomba?!!!

May 30 seconds itong timer. Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa rooftop. Hindi ko na pinansin ang tawag nila sa akin.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop ay mabilis akong lumapit sa gilid at ini-unat ang kamay ko.

5...4...3...2

Nang lumipad ito sa ere ay mabilis akong yumuko at tinakpan ang tainga ko.

"Ay!" rinig kong sigaw mula sa pinto ng rooftop kaya nag-angat ako ng tingin. Bago pa matakpan ni Amery ang tainga niya ay sumabog ang bomba at lumikha ng nakakabinging ingay.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now