CHAPTER 28

101 4 0
                                    


I woke up at six in the morning and Zashi isn't here beside me. I tap the space 'coz, I wanted to hug her. Pero walang Zashi akong nakita.

Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago lumabas ng kwarto. Nag-timpla ako ng kape at hinanap si Nay Yen pero wala siya dito. Nag-grocery daw ito.

Balak ko sanang pumasok dahil natatambakan na naman ako panigurado. Pero kailangan pa namin mag-usap ni Zashi. Ngayon unti unti ng nabibigyan linaw sa'kin lahat.

I can see it in her eyes, but I still wanted to hear it. And I want her to know that I feel the same way.

Pero may takot akong nararamdaman kasi ito yung unang beses na naramdaman ko 'to. Tapos ang daming kailangang baguhin once na pinanindigan ko. But I cannot lose her.

Alas-otso na pero wala parin siya. Nakita ko si Nay Yen kaya nag-tanong na ako.

"Nay, si Zashi po?" tumingin siya sakin habang nilalapag ang mga pinamili niya.

"Nak ikaw pala yan. Umalis siya ng hating-gabi. Pupuntahan daw niya si Zoe, nagmamadali nga eh." mahigpit akong napahawak sa upuan dito sa kusina. Nakaramdam ako ng inis.

"Ah sige po. May maitutulong po ba 'ko?" masyado kasing maraming pinamili. Mga kasambahay at si Zashi lang naman ang kumakain dito.

"Hindi na nak. Mabuti pa ay mag-pahinga ka muna. Matagal na panahon ka din na nag-sipag para maitaguyod ang sarili mo."

"Alam niyo po yun?" ngumiti siya sa'kin. Parang siya na talaga ang tumayong ina ni Zashi.

"Oo naman. Palagi kang kinukwento ni Zashini kapag umuuwi siya rito. Pero hindi madalas dahil ayaw niyang tumira sa bahay na ito."

"Bakit po?" hindi kasi na-kwento sa'kin ni Zashi. Ang sinabi niya lang ay namatay ang mga magulang niya sa massacre.

"Dito mismo namatay ang buong pamilya niya."

Namilog ang mata ko dahil sa narinig ko.
Siguradong hirap na hirap siya ngayon dahil madalas siyang managinip. At kahit saan siya lumingon ay maaalala niya ang buong pangyayari.

Tinignan ko ang family picture nila dito sa sala. Napakaganda niya noong bata siya, hanggang ngayon pa din naman. Sobrang saya niya dito. Halos lahat ng picture ay nakangiti siya. Pero may isang litrato ako na nakita at naiiba sa lahat. Walang emosyon ang mukha nito. Sa tingin ko ay kailan lang din ito kuha. Siguradong marami pa siyang natatagong litrato.

Baka mayroon siyang litrato ni Mama. Kahit hindi ko siya nakasama ay gusto ko parin siyang makita.

Dumiretso ako sa mini-bar at nilibot ang paningin ko. Iba't ibang gamit ang narito. Hindi yata tama na mini- ar ang tinawag dahil napakaluwang. Tinago ko ang poster ni Tristan na butas butas na dahil sa palaso. Napansin kong maraming poster sa gilid at napanganga ako ng makita iyon.

Lahat ng nanligaw sa akin ay may poster din na butas butas! Kumpleto sila, kahit si Lita ay mayroon din pati ang uncle niya. Siguro ay dito niya binubuhos ang galit niya.

Sumagi na naman sa isip ko na kasama niya si Zoe ngayon. Naiinis ako kaya kinuha ko ang pana. May poster din si Zashi dito at iyon ang idinikit ko. Inumpisahan ko itong patamaan ng patamaan.

Noong una ay dumadaplis lang ang mga ito. Inabot ako ng isang oras bago ko makuha ang paggamit ng pana. Tinapat ko iyon sa litrato kung saan naroon ang puso niya.

Sakto namang bumukas ang pinto. Hindi ko pinansin at kumuha ulit ako ng isa pang palaso. Pinatamaan ko ulit iyon ng may marinig akong bumagsak na baso sa likod ko.

"A-ano y-yan?" bakas sa mukha niya ang takot.

Tinapat ko sa kaniya ang pana dahilan para mamilog ang mata niya.

"Where the hell did you go?" I asked in a cold voice.

Kita ko ang paglunok niya habang palipat lipat ang tingin niya sa pana at sa poster.

"Kay Zoe...b-but it's im-important." Honest naman pala. I can see the emotions in here eyes now. Unlike these past few weeks, emotionless.

Lumapit ako sa kaniya at itinapat sa puso niya ang palaso.

"I wanna shot your heart." sinamahan ko pa ito ng ngisi. Hinawakan niya ang dibdib niya para itago ito.

"W-why?" Hindi ko alam kung tatawa ba ako or ano.

"So, that it would be mine. HAHAHA!" Hindi ko napigil ang tawa ko ng lumambot ang expression ng mukha niya, namumula pa ito. Kung kanina ay takot siya, ngayon para siyang nakahinga ng maluwag. Ibinaba ko ang pana ng bigla siyang kumaripas ng takbo.

"Where are you going?!" sigaw ko pero hindi siya sumagot.

Napailing iling akong lumabas ng bar. Hindi parin mawala ang tawa ko. Sinundan ko siya sa taas at pag-balik ko. Napa-face palm ako sa nakita ko.

She's wearing a mask like she's going to steal something from me. Nakuha na nga niya lahat.

"Take it off. It's annoying. Now, let's talk." Umupo ako sa kama at tinap ang space doon.
Bakas parin sa mukha niya ang pamumula.
"Ano mo ba talaga si Zoe?" seryosong tanong ko but deep inside naiinis ako.

"I just met her at the cafe...and we—ahm...we had a one night stand. Her parents asked me a favor to take care of her and make her happy bago siya ipasok sa mental facility. "

"Mental facility???" So this is the reason.
Nakinig lang ako sa mga sinabi niya.

Ngayon mas naiintindihan ko na ang dahilan niya. Halata naman kasi na ayaw niya kay Zoe. But I'm proud of her. Nag-kwento pa siya ng mga nangyari, halos lahat yata ay nasabi na niya sakin.

Their situations are similar and I can't blame her for doing that.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu