CHAPTER 33

95 6 0
                                    


Zashi's POV

Kanina pa ko hintay ng hintay sa kanila. Gusto ko ng umuwi. Napakahaba ng pila pero ayaw nilang magpatalo sa fan signing. Ina-update ko si Celeste sa ginagawa namin pero walang reply dahil busy siya sa trabaho.

Nakaupo lang ako dito sa gilid. I texted Pa kung pang ilan na sila. I'm bored!

'145' reply nito sa akin.

Bumili muna 'ko ng maiinom ng may lumapit sakin na babae.

"Hi!" nakangiti ito sakin. Nakasuot siya ng croptop at stripped jeans.

"H-hi!" I replied in hesitation.

"Mag-isa ka lang?" dumikit pa siya sakin ng konti. Umusog ako palayo sa kaniya.

"Hindi may kasama ako hinihintay ko lang. Oh sige...mauna na 'ko." Tatalikod na sana ko ng hawakan niya 'ko sa braso.

"Wait!" babaklasin ko na sana iyon ng may tumikhim sa likod ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko.

"Miss could you please take off your hands on her?"

"Sino ka ba?" mataray nitong sabi.

Binigyan niya ito ng pekeng ngiti saka lumapit samin at tinanggal ang braso ng babae.
"There. Next time piliin mo yung hahawakan mo kasi baka maputol yan."

Pinagsiklop niya ang kamay namin at inaya ako sa walang masyadong tao.

"I thought you're busy?" I removed the hair that was covering her lovely face.

"Yeah, nasa kotse iuuwi ko nalang sa bahay mamaya ko na tatapusin." pinaglaruan niya ang mga daliri ko habang nakasiklop parin ang kamay namin.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, naghikab pa siya. "You look so tired. Gusto mo ako na tumapos niyan?"

"Hindi na, kaya ko na yun."

Maya maya pa ay dumating na sila Pau.

"Yass! Oh my god!! Nayakap namin sila!" Tumatalon at tumitili pa ang mga 'to.
Napatakip kami ng tenga dahil sa kanila.

Nag-uusap sila ng may dumating na tatlong babae.

"Cuzz! Kanina ka pa namin hinahanap."

The heck?! Pinsan ni Hanna yung babae kanina???

"Ang haba ng pila pero sulit naman."

"Oh! Hi there!" tumingin ito sa'kin at nag-wave pa. Nag-angat ng ulo si Celeste na hindi maitimpla ang mukha.

"Ay naku! Wag mo siyang kausapin nandiyan yung may-ari." naguluhan ito sa sinabi ni Hanna.

"Huh?" binulungan siya ni Hanna and her lips formed an O.

"Really? You two are dating?"

"Yes." tipid na sagot ni Celeste.

"I'm sorry about earlier. I just wanna be friends with her. Don't worry, I mean no harm. Ma-attitude lang hehe."

Kung gaano katipid ang sagot niya kanina ay
ganoon din ang ngiti niya. "It's fine. Sorry din."

Niyaya ko na si Pau at Nicole dahil sila lang ang sasabay samin.

"Ako na mag-drive nung isa." nag-dalawang isip ako kung ibibigay ko ba kay Nicole baka mamaya gasgasan niya ang kotse ko o mas malala pa.

Pinakita pa nito ang lisensya niya.

"Fine."

Nakasakay si Pau sa kaniya at si Celeste naman ay sa akin. At dahil dadaan naman kami sa mga bahay nila ay naghiwalay din kami ng gamit na kotse.

Pagdating namin ay kaagad akong humiga dahil ramdam ko ang pagod. Tumayo ako agad ng maalala kong may gagawin pa siya. Dadalhan ko nalang siya ng dinner.

Bumaba ako at sakto naman na nagluluto na si Nanay. Nasa hagdan palang ako amoy ko na yung ulam. Matagal pa naman maluluto, babalik nalang ako.

Umakyat ulit ako at sinilip siya sa kwarto.
Mabilis pa sa alas-kwatro kong sinara ang pinto ng makita ko siya.

Oh my gosh! Baki kasi hindi sa closeth nagbibihis. She's half naked! Mukhang nag-half bath siya.

"Pumasok ka na nakita na kita." sumilip ulit ako at thank god! Nakabihis na siya.

"Ahh hehe." Napakamot ako sa batok ko. Napadako ang tingin ko sa table niya kung saan nakabukas ang laptop at papel.

"Need help?"

"I do. Pero hindi diyan. Massage my back please?" nag-puppy eyes pa siya. Kahit ng walang emosyon niyang sabihin yan gagawan ko talaga.

She took of her clothes. Pantaas lang, naiwan naman ang bra niya. Dumapa na siya at ako naman ay pumwesto na. Magaling kaya ako dito.

Sinimulan ko ng masahiin ang likod niya. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa tela na humaharang.

"Unhook mo na." ani nito. Parang nanlamig ang mga kamay ko. Nakapikit ako ng tanggalin ko ang hook.

"May vibrator ba sa kili kili mo?" natatawang tanong nito.

"Ahm...pasmado lang." palusot ko.

"Gusto mo masahiin ko din?" Akmang haharap siya ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng pag-diin sa likod niya.

"Parang awa mo na huwag kang tumihaya." I heard her chuckled. She's teasing me!

Nanginginig kasi ang mga kamay ko sa kaba.
Itinuloy ko na ang pag-masahe.

"Ummm ang sarap." Did she moan?

I rebuke myself for having a dirty mind.

Nang matapos na ay nagmadali akong bumaba at hinanda ang dinner namin. Sa kwarto nalang kami kakain. Nagpatulong ako sa mga kasambahay na bitbitin ang mga iyon sa taas.

Hinila ko ang foldable table na dala namin at itinabi sa kaniya na tutok na tutok parin sa ginagawa niya. Nakasuot pa siya ng glasses. Ang ganda niya parin tignan kapag nerdy ang style niya.

"Kain na muna." pagyaya ko.

"Feed me." Napabuntong hininga nalang ako. Gusto ko na siyang tulungan.

Pinakain ko na siya at pagkatapos ay niligpit ko na. Naghugas din ako ng mga plato dahil kumakain pa sila Nanay. Nakakahiya naman pati ito ay gagawin pa nila, kaya ko naman.

Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakahiga na sa kama at mahimbing na natutulog habang nakasuot pa ang salamin. Inayos ko na ang higa niya at tinanggal ang salamin.

Ako na ang nagtuloy ng ginagawa niya. Naglagay nalang ako ng sticky note dahil siguradong maaga siyang aalis bukas. Pumasok na ako sa kwarto at natulog na din.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now