CHAPTER 38

70 4 0
                                    

Someone's POV

"Hayaan niyo si Fhey. Hindi 'yan magsasalita at alam niyang hawak natin ang pamilya niya. Sobrang higpit na ng bahay na yan. Pang-hawakan nalang natin yung takot niya." mala-dem-nyo itong ngumiti habang unti unting umaayon ang sitwasyon sa plano nila.

Ini-unat niya ang braso para lagyan ko ng wine. Sumimsim siya habang nakaharap sa ginang.

"Sa bagay, siguradong babaliktad ang mundo ni Zashini kapag nakarating na sa kaniya ang balita. Ano bang akala niya? Basta nalang natin siya hahayaan pagkatapos niya tayong gawing basahan at ilampaso?" She laughed like she's a witch.

"Mabuti nalang talaga mukhang pera din si Elmo. Madali nalang natin mapapaikot ang lahat. Bukod pa don masyado siyang patay na patay sa babaeng 'yon."

They had a toast for their soon to be succesful plans.

"Sir, may tumatawag ho." ani ko at hindi mapakali. Parang nagdadalawang isip ako kung kaya ko ba na sikmurain ang narinig ko. Pero alam ko sa sarili ko na manganganib ang buhay namin sa oras na makielam ako. Kung sino man ang babaeng ipinadukot nila ay sana makaligtas siya.

Katulad ng mga biktima nito ay mayroon din akong pamilya na gustong ingatan at protektahan. Kung mababalik lang ang panahon ay sana umalis na ako sa mansyon na ito ng mag-iba ang amo ko.

Nilibot ko ang paningin at pasimpleng ibinulsa ang mamahaling bagay na makikita ko. Aalis na sana ako para itago iyon dahil nais kong umalis na rito sa lalong madaling panahon. Hindi na katulad ng dati ang mansyon na 'to dahil para na itong impyerno na pinamumugaran ng mga dem-nyo.

"Sa abandoned warehouse sa makati niyo dalhin." rinig kong sabi nito.

"By the way, where is she?" tanong ng ginang.

May isang babae silang dinala rito. Nakakulong siya sa isang kwarto at parang wala sa sarili. Pero hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

"Pinagpapahinga ko muna siya. Dalawang dekada din ang nakalipas bago ko siya ilipat sa dati niyang tahanan."

"Mabuti nalang at hindi natin siya pinatay noon. Ngayon ay may alas tayo para makuha ang six hundred million. At para na'rin makuha ang buong kayamanan na dapat ay sa'yo."

"Bakit ko naman papatayin ang babaeng pinakamamahal ko?" bakas sa boses nito ang galit. "Bubuo kami ng pamilya. Siguradong sasaya siya kapag nagkasama na sila ng anak niya."

Pumasok na ako sa kwarto at isinilid ang mga alahas. Inilagay ko ito sa sikretong lagusan palabas ng mansyon. Kailangan ko pa ng mas marami para makaalis kami at makalayo. Siguradong hahabulin kami ng mga ito.

"Kanina pa kita tinatawag!" nagulantang ako sa boses nito. Kahit noon pa man ay ganito na ang ugali niya.

"S-sir, bakit ho?" hinablot niya ang braso ko saka hinila ako papunta sa ikatlong palapag ng bahay.

"Linisin mo ang kwartong 'yan! Siguraduhin mong walang kahit anong bahid ng alikabok at insekto diyan sa loob kung ayaw mong ipakain kita kay Limon."

Si Limon ang alaga niyang leon. Ilang tao narin ang hinulog niya doon sa hawla nito simula noong umapak ang paa niya dito sa mansyon. Nagpagawa pa ito ng kulungan ng mga mababangis na hayop.

Sumunod na ako sa inutos niya at kinuha ang mga panlinis. May nakabantay pa sa pinto. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang babae na naka-suot ng puting dress. Nakatingin lang ito sa bintana habang hawak hawak ang isang frame.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng kwarto at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang litrato niya doon.

Buhay siya?!

Lumapit ako para masiguro ang hinala ko. Hinawi ko ang buhok nito na nakaharang sa mukha niya.

"Jane, ikaw ba yan?!" Nakatingin lang ito sa'kin. Parang hindi na niya 'ko kilala. Siya ang matalik kong kaibigan sa loob ng mansyon na 'to. Isang taon palang kaming magkakilala ng patayin siya.

"Sino ka?" parang kinikilala niya pa ang hitsura ko.

"Hindi mo ba 'ko nakikilala?" Umiling lang ito. Ini-abot niya sakin ang hawak niyang litrato. Nabitawan ko iyon ng makilala ko kung sino. Nagulat siya sa ginawa ko at humagulgol ng mabasag ang frame. Pinilit ko siyang patigilin dahil baka marinig kami.

"Siya yung anak mo di'ba?" tumango ito.

Mabilis na tinapos ang dapat kong gawin. Kinuhanan ko pa ng litrato si Jane. Wala na sana akong balak mangielam pero hindi ko siya kayang pabayaan. Siya ang tumayong kapatid ko at tumulong sa akin noong mga panahong walang wala ako.

Kaagad akong bumalik sa kwarto kung saan naroon ang gamit ko. Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago pumunta sa banyo.

I called Ate Yen pero hindi na ito ang numero niya. Wala rin akong numero ng landline nila.

Tama!

Kaagad kong kinuha sa wallet ko ang calling card ng company ni Zashini.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalagay ang numero. Ring lang ito ng ring pero hindi ako sumuko hanggang sa sagutin niya ito. Yes!

"Hello? I'm sorry but could you please call later after my meeting?"

"Zashini! Huwag mo munang patayin. Si Ate Pina mo ito." ilang segundong tumahimik. Akala ko ay nawala na ito.

"Ate, may kailangan po kayo?"

"Pasensya na kung naabala kita. Pero di'ba Celeste ang pangalan ng ate mo?"

"She's my girlfriend, Ate." Tumayo ang balahibo ko sa narinig ko. Sobrang liit ng mundo para sa kanila. Siguradong malaking pagsubok ang naghihintay sa kanila dahil nakatali sila sa isa't isa.

"Alam mo ba na anak siya ni Jane? Nandiyan ba siya, pwede ko ba siyang makausap?" Kailangan niyang malaman ang totoo. Hindi ako maaaring manahimik.

"Ate kumalma po kayo. Wala po ako sa bahay. Hayaan niyo po at tatawagan ko po siya mamaya. Bakit po ba?" nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Ate?" tawag nito sa akin.

"Z-Zashini, buhay si J-Jane." natigilan ito.

"Zashini buhay ang mama ni Celeste. Kailangan niyo siyang ilig—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may humablot sa cellphone ko at hinila ako sa buhok. Ibinalibag niya iyon sa pader dahilan para mabasag at mahulog sa timbang may tubig.

"Aray! Bitiwan mo ako!" Hinila niya ako hanggang sa labas ng bahay. Nilukob ako ng takot ng mapansin ko kung saan niya ako dadalhin.

"Dem-nyo ka! Bitawan mo ako!"

Nagdasal ako na sana ay maawa ito sa akin.

Oh diyos ko! Kung ito na ang nakatakdang oras para sa akin ay ingatan niyo ang pamilya ko. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil alam kong ito ang tama. Iligtas niyo po ang kaibigan ko. Huwag na huwag ninyong pababayaan ang mga mahal ko sa buhay.

Malugod kong tatanggapin kung dito na magtatapos ang aking buhay.

Muli akong nagpumiglas para tumakas pero huli na ng itulak niya ako sa nakabukas na bakal na pinto. Nahulog ako sa kulungan ng mabangis na leon na siyang tatapos sa buhay ko.

Ipinikit ko ang mata ko at napa-igik sa sakit ng kagatin nito ng buo ang mga paa ko. Bumuhos ang luha ko at mahigpit hawak ko sa damit ko.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak."

Patawarin niyo si Mama kung kailangan ko kayong iwanan ng mas maaga.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now