CHAPTER 4

135 7 0
                                    


Zashi's POV

"I think it's time for you to know the truth." I was about to tell her kung sino talaga ko. Bakit ba kasi ngayon pa sila nanggugulo?

Kinailangan kong umalis dahil sinundo nila ako sa bahay. Kabilin bilinan ko na huwag nilang gagawin yon hangga't hindi pa ko nakakapag-paliwanag kay Ate.

"Bakit kailangan pa nating hintayin na makapag-tapos yan ng pag-aaral para basahin ang will ni Papa?!" He's my uncle and we're talking about my grandfather's wealth.

"I'm sorry Mr. Pallan but iyon po ang iniwan ng inyong Papa. Kailangan niyong mag-hintay and besides marami na po kayong negosyo. Ano pa po ba ang kulang at madaling madali kayo?" ani ng lawyer ni Lolo.

Namatay si Lolo kasabay ng pagkamatay ni Mom and Dad. It was a simple celebration for a success pero nangyari ang bangungot na hindi ko pa kayang balikan. May sariling kayamanan naman ang parents ko at wala akong interest na habulin pa ang kay Lolo.

But at the same time siguradong maraming employee ang mawawalan ng trabaho sa oras na kay Uncle mapunta ang mana. Dalawa lang silang mag-kapatid ni Dad, 5 years din ang agwat nila. Forty-nine years old na si Dad at si Uncle naman ay forty-four.

Binitay na ang mga pumatay sa kanila. Pero hindi ko parin matanggap ang nangyari. Sa tuwing uuwi ako sa bahay ay naaalala ko ang bangungot na yon. But now, I have to face it to protect her.

Tahimik lang ako habang rinding rindi na ang tenga ko sa paulit ulit na sinasabi ni uncle. Bakit kasi kailangan pa 'kong hintayin na maka-graduate. Mabuti nalang yung will nila Dad kailangan nasa legal age na ko.

Kaagad akong nagpahatid sa bahay at pag-dating ko doon ay bumungad sakin ang mga kapitbahay.

Bakit ang daming tao? Anong nangyayari?

Mabilis pa ako sa alas-kwatrong bumaba ng sasakyan. Magtatanong pa sana ako nang makita kong inaapula ang malaking apoy na galing sa bahay namin.

No! This can't be!

"A-ate Gie anong nangyayari?" nanginginig ang buong katawan ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang gumalaw.

"Zashini yung ate mo! Nasama yata sa mga nasunog!" No!...hindi pwede!

Hindi! Hindi siya nasama doon!

Kusang gumalaw ang mga paa ko. Nagtatakbo ako papasok sa loob kahit marami ng pumipigil sa'kin. Hinarang ako ng mga pulis pero nag-pumiglas ako.

"Ate!!! Ate Celeste!!!" paulit ulit kong tinatawag ang pangalan niya. Naninikip ang dibdib ko habang nililibot ko ang paningin ko sa mga tao doon. Nagbabaka-sakaling naroon lang siya. "Yung ate ko nasa loob! Please! please do everything to save her!"

Wala akong pakielam kung dumikit man sa balat ko ang apoy. Binuksan ko ang pinto nang biglang may sumabog sa loob.

Hinila ako ng mga pulis palabas ng gate. Nakita ko ang kotse ni Ate si labas. Kaagad kong tinakbo iyon sa isiping baka naroon siya.

"Ate! Ate Celeste!" paulit ulit kong kinatok ang bintana ng sasakyan. Sinilip ko din kung may tao sa loob pero walang tao doon.

Please god! Please, save her!

Siya nalang ang meron ako. I cannot live without her!

"Ano ba?! Gumawa kayo ng paraan! Iligtas niyo si Ate!" Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Pakiramdam ko ay pinaparusahan ako ng mundo. "Anong tinatanga tanga niyo?! Hanapin niyo si Ate!" Sigaw ko sa body guard ko.

"Ma'am kumalma po kayo." Lumapit sa akin ang isang pulis.

"Kalma?! Paano akong kakalma kung nasusunog yung Ate ko sa loob!" Nagtatakbo ako papasok sa gate pero hinarangan lang ulit nila ako. "Ate! Ate! Lumabas ka diyan! Aakyat ka pa sa graudtion ko diba?!"

"Ate...Ate Celeste!" Nanghihina akong napaluhod sa lupa. Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko. "Ate nangako ka. Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Ate Celeste!!! Lumabas ka diyan!!!"

Naramdaman kong may tumusok sa braso ko. "Ate..." unti unti akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto. Handa na akong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.

"Pakawalan niyo ako dito!!" Pilit kong tinatanggal ang posas sa kamay ko. Pero kahit anong biling ko ay hindi ko iyon matanggal.

"Zash..." umiiyak si Paula na yumakap sa'kin. "Zash...she's gone."

"No! Hindi 'yan totoo. Nagsisinungaling ka!"

"Zash nakita nila ang bangkay ng Ate mo. Halos hindi na siya makilala dahil sa sunog."

"Paula please! Stop lying!"

"Zash...nakausap ko ang Ate mo kanina. Tumawag siya sakin, sabi niya alagaan mo ang sarili mo. Mahal na mahal ka niya Zash. She called you a lot of times pero hindi ka niya ma-contact."

"Tanggalin niyo 'tong posas! Kailangan kong makita si Ate."

"Zash."

"Please! I h-have t-to s-see her! P-paula!"

Pakiramdam ko ay paulit ulit na sinasaksak ang puso ko. Sana panaginip lang lahat ng ito.

Tama! Panaginip lang toh kailangan kong gumising!

"Siguradong naghahanda na ng dinner si Ate. Ayaw na ayaw niyang nalilipasan ako ng gutom. Tanggalin niyo toh!"

Pilit akong nagpupumiglas kahit nararamdaman kong mahapdi na ang pulso ko. Paulit ulit kong pinag-darasal na sana ay panaginip lang ito.

Tanging iyak lang ang nagawa ko. Hindi ko mapigilan ang mga hikbi na kumakawala sa bibig ko. "Ate..." I called her name kahit nanghihina ako. I cannot stop myself from crying hanggang sa makatulog ako.

"Zashi! Help me!" Nakita si Ate na humihingi ng tulong sa akin. Nakasuot siya ng puting damit. Lalapitan ko na siya ng biglang bumagsak ang rehas ng kulungan.

"Ate!" sigaw ko sa kaniya.

"I'm sorry, Zashi. Hindi na matutupad ni Ate ang pangako niya. Mag-iingat ka, alagaan mo ang sarili mo. Tuparin mo ang pangarap mo. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kapag namimiss mo ako ramdamin mo lang ang hangin at yayakapin kita. Kumain ka sa tamang oras, i-pangako mo sakin na kakalimutan mo ang nangyari."

"Ate!" tinakbo ko ang rehas na yon pero nag-laho si Ate.

"I love you!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na yon. Wala na ang posas sa mga kamay ko. Tinakbo ko ang pinto pero naka-lock iyon.

"Pakawalan niyo ko!" Paulit ulit kong hinampas ang pinto pero walang nakakarinig sakin.

God why are you doing this to me? Kinuha mo na ang pamilya ko pati ba naman ang taong pinakamamahal ko!?


Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now