CHAPTER 10

110 5 0
                                    


Celeste's POV

I cannot stop myself from worrying about Zashi's situation. She got molested!

Hindi ako makakain at sa tuwing naaalala ko iyon ay nai-imagine ko kung paano niya ginawa kay Zashi. Kung nandoon lang ako ay siguradong kakalbuhin ko ang ulo ng babaeng 'yon!

Mabuti nalang ay hindi kami naabutan ng bantay dahil kung hindi ay wala na akong chance para maka-usap siya.

I have no idea why I'm here. Wala rin akong kayamanan na pwede nilang pag-interesan. Hindi rin nila akong sinasaktan kahit anong pag-mamatigas ko.

Nandito ako ngayon sa bahay na tabi ng dagat.  Siguro ay rest house ito pero hindi ko alam kung saan at napaka-tahimik ng lugar. Nagising nalang ako na nandito na 'ko. Noong una ay walang pumapansin sa'kin at para akong preso na nilalapagan lang ng pagkain.

Si Manang Lorna lang ang unang nag-lakas ng loob na kausapin at tulungan ako. Ilang beses ko na siyang tinanong kung nasaan kami pero ang laging sagot niya ay "sasabihin ko sa'yo kapag sigurado ng makakaalis ka na rito."

Hindi ko alam kung anong ibig sabibin no'n. Pero mag-titiis ako hanggang sa dumating ang araw na 'yon.

Naligo na ako at nag-pony ng buhok ko. Mabuti nalang at may hygiene kit din sila dito. Grabe ako na yata ang pinaka-swerte na na-kidnap. Dahil binibigay nila ang mga kailangan ko. Pero hindi parin ako panatag na malayo ako kay Zashi. Napaka-tigas pa naman ng ulo niya.

Alam kong nalulungkot siya ngayon. Hindi pa naman siya sanay matulog ng hindi ko siya nayayakap. Madalas siyang managinip ng masama at paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa pamilya niya. Kung paano niya nasaksihan iyon. Pero napaka-swerte niya dahil siya lang ang tanging naka-ligtas.

Pag-labas ko ng closeth ay may nakahain ng pag-kain sa kama ko. Kinain ko na iyon pagka-tapos ay naupo ako sa balkonahe sa kwartong ito at tinignan ang buong paligid.

Ano ba talagang kailangan nila sa'kin?

Pinalis ko ang luha ko saka niyakap ang sarili ko. Tinatangay ng hangin ang buhok ko habang ang ingay lang ng mga ibon, puno at alon ang naririnig ko.

"Miss Ruiz may bisita ho kayo." Ani sa akin ng bantay ko na naka-suot ng cap at mask. Lahat sila ay ganon maliban nalang sa mga maids.

"Who is it?" nilagyan nila ng posas ang mga kamay ko at inakay ako pababa ng hagdan.

Kilala ko ito kahit pa nakatalikod. Paanong hindi eh ilang taon din niya kong pinahirapan.

"Oh my dear daughter!" akmang yayakapin ako nito ng umatras ako.

"What are you doing here?" I said it with a cold voice.

"Aren't you happy to see me?" umakto pa itong nasasaktan.

"No one will be happy to see you." nakatanggap ako ng sampal dahil doon.

"Pasalamat ka at may pakinangabang ka pa sakin. Gusto ko lang naman sabihin na mas maganda na ang takbo ng Ryle's Corp. na isa ng Czarich Corp."

I gritted my teeth in anger.

"Pati ba naman ang comapany ko ay pag-iinteresan niyo. Kaya wala kayong nararating sa buhay mas inuuna niyo pang mang-gancho." Muli akong nakatanggap ng sampal pero parang manhid na ang katawan ko.

"Palaban ka talaga kagaya niya kahit nasa baba ka lang." napa-angat ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "Pero wala kang kwenta kagaya ng Nanay mo!

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko?

"Yes, you heard it right. I'm not your real mother." nakangising sabi nito. "and I think you'll be more shock kapag nalaman mo ang nangyari sa kaniya.

"What happened to her?!" hindi ko napigilan ang sarili ko. Maniniwala ba ako sa sinasabi niya? Kaya ba ganito ang trato niya sa'kin?

Naupo ito na parang siya ang may-ari ng bahay.

"You're only four when your father and mother got separated. Nanalo sa korte ang ama mo dahil mas mapera siya. Napunta sa kaniya ang custody mo dahil sa tahi-tahing kwento na sinasaktan ka niya. Na wala siya sa tamang pag-iisip. Nag-trabaho siya bilang katulong sa pamilya Pallan, ang Lolo ng tomboy na kasa-kasama mo sa bahay. Nabalitaan nalang namin na namatay ang nanay mo dahil sa pag-ligtas niya sa taong kinupkop mo. Na-kidnap sila noong baby pa si Zashini, hiningan ng ransom si Mr. Pallan na ibinigay naman nila. Pero ng makuha nila ang anak nila ay nakalimutan nila ang nanay mo."
sumimsim ito ng juice bago ituloy ang kwento.

Ako naman ay nakatayo habang nanginginig ang katawan ko at nangangatog ang tuhod.

"Nabaril ang nanay mo at mayroon siyang iniwang diary para sayo. Ibinigay samin iyon ng Dad mo pero sa pagkaka-tanda ko ay tinapon iyon ng Dad mo. Dahil ayaw niyang malaman mo ang totoo at masira ang pamilya natin."

Pamilya? Kaya pala ni minsan hindi ko naramdaman na kapamilya nila ako. Tumalikod ako at pinilit na pigilan ang luha ko dahil ito ang gustong gusto niyang nakikita sakin, ang pagiging mahina ko.

Hanggang sa maka-alis siya ay nakatulala lang ako. Kahit tinatawag ako ni Manang Lorna.

"Celeste hiramin mo na habang wala pa sila." Ini-abot niya sa akin ang phone niya pero umiling ako.

"I don't need it, Manang." I refuse to use it dahil wala akong gana.

Ilang araw akong hindi kumain at hindi rin ako bumangon. Ramdam kong parang binibiyak ang ulo ko. Maga narin ang mata ko kakaiyak ko.

Totoo ba toh? Ang pamilya ng taong kinupkop ko at minahal ko ang dahilan kung bakit wala ng ina na mag-paparamdam sakin ng pagmamahal.

Inabot ng isang buwan na pakonti-konti lang ang kinakain ko. Pumayat din ako at ramdam ko yun. Parang nasasanay na ako at pakiramdam ko ay ayoko ng umalis pa rito.

Sa bawat pag-tingin ko sa mga alon kung gaano sila kasigla sa pag-likha ng ingay na naging musika sa mga tenga ko. Sa bawat pag-dapo ng ibon sa kamay ko habang ina-awitan ako ng mga ito. Unti unti akong nasanay at kinamuhian ko ang mga masasayang sandali na mag-kasama kami ni Zashi.

Nasanay ako na ako lang mag-isa sa kwartong ito. Hindi ko rin kinakausap si Manang Lorna kapag kinakausap niya ako.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now