CHAPTER 25

104 10 0
                                    


Zashi's POV

It's already six pm...

"Nak! May bisita ka!" Sigaw sakin ni nanay habang naliligo ako sa pool. Hinayaan ko siyang lumapit dito dahil akala ko ay si Zoe iyon. Nag-dive ako at naka-ilang balik bago umahon.

Kinuha ko na ang tuwalya ko saka dumiretso sa cr na katugon nitong pool. Dito ako nagtatanggal ng damit at nag-papalit ng bathrobe.

Paglabas ko ng cr ay nagulat ako. Nakatayo doon si Ate na naghihintay sa'kin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko siya pinansin at nag-lakad papunta sa kwarto ko kahit tinatawag niya ang pangalan ko.

Papasok na sana ko at isasara ang pinto ng hilain niya ang braso.

"Zashi...bakit hindi mo 'ko pinapansin?" parang nagtatampo ang boses niya. Pero ayoko siyang tignan dahil baka kung anong magawa ko.

"Tinigilan na kita. Huwag mo na 'kong pahirapan. Gusto ko ng bitawan kung anong meron tayo noon." hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin. Gusto kong magmakaawa na itigil niya yung kasal nila ng lalaking 'yon.

"Why? Pinapahirapan ba kita? I'm here to make it up to you." She cupped my face. Nag-iwas ako ng tingin at tinanggal ang kamay niya. Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga. Pero mas naaamoy ko ang bango ng hininga nito na nagpapa-baliw sakin.

Is she drunk?

"Naka-inom ka. Doon ka muna matulog sa guest room."

"Nope, dito tayo sa kwarto mo. How about that?" There's something in her voice, seductive? Pinikit ko ang mata ko at pinakalma ang sarili ko. Inayos niya ang kilay ko na basa at nagulo. Napadako ang tingin nito sa mga labi ko at gamit ang daliri niya ay pinunasan niya ito..

Why is she acting like this?! She's getting married!

"Pumunta ka sa guest room. Ayokong abutan tayo ni Zoe." Kinabig niya ang mukha ko. Parang nagsisisi ako sa sinabi ko ng makita ko siyang umiiyak.

"Do you love her?" napatingin ako kay Ate. Kung alam niya lang kung sino talaga ang mahal ko.

"Yes." I replied in a cold voice.

"Really?" mas nilapit niya ang mukha niya sa'kin. I clench my fist to calm my nerves.
She's looking at my lips. Palapit ng palapit ang labi niya sakin.

What the hell is going on?

I was about to kiss her when I heard Zoe's voice.

"A-anong ginagawa niyo?" bakas sa mukha niya ang pagka-gulat. Palipat lipat siya ng tingin sa amin ni ate. "Zashi tell me na mali ang iniisip ko." Tinignan ko si ate na nakayuko lang. Hindi ako maka-sagot.

"Zoe, let me explain!" Tumalikod ito sa amin at tumakbo pababa ng hagdan. Hahabulin ko sana siya ng hawakan ni ate ang braso ko. "Zoe!!"

"Ano?! Are you happy now?" hindi ko napigilan ang inis ko. Bakit kasi ngayon pa?
Baka mapano si Zoe.

"Zashi...why did you kissed me?" I never thought na magtatanong siya.

"It was just a plain kiss. Bakit ikaw? Bakit mo 'ko hahalikan kanina?! Para saan, para sirain ulit yung buhay ko? Para mag-stay ako sayo habang pineperahan niyo ako?!" naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ko ng malakas niya akong sampalin.

"Kahit kailan hindi ko hinangad yung pera mo. Wala akong alam sa sinasabi mo!" I smirked and removed my hands on my cheek.

"Talaga?! Why are you keep on lying?!" Ayokong makasakit kaya hinahayaan ko na siya. Iniiwasan ko siya dahil itong pagkakataon na 'to ang ayokong dumating. Sabi ko ayokong lumayo siya sakin pero ako yung gumagawa ng paraan para layuan niya ako.

"Kasi wala naman akong dapat aminin sayo!"

"Ate tama na. Please lang. Pagod na pagod na 'ko. Ayoko ng maramdaman pa 'to. Umiiwas ako sayo dahil nagiging mahina ako. Ayokong mawala ka pero ayokong saktan ka."

"Maramdaman ang alin? Tell me." pakiramdam ko ay hinigop ng hangin ang lakas ko. Napa-upo ako sa sahig. Lumuhod siya para mag-pantay kami.

She cupped my face again. I cannot stop myself from crying. 

"Tell me please?"

"Gusto ko na mag-move on. Kaya hindi kita pinapansin dahil ayokong gumawa ng bagay na ikasasakit mo. Hindi ko mapigilan yung sarili ko sa tuwing malapit ka sakin. Parang pinaglalaruan ako ng emosyon ko dahil mas nangingibabaw yung nararamdaman ko para sayo."

"Zashi." Para akong nilulunod. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko ang sakit dito.

"Bakit hindi mo sakin sinabi noon?"

"N-natatakot ako sa sasabihin mo. A-ayokong m-marinig. Kaya please! Ple—-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan ako ni ate.

Ito ang unang beses na siya ang humalik sa akin. Pero naguguluhan ako. Bakit niya ginagawa 'to?

Kusang gumalaw ang mga labi ko para gantihan ang mga halik niya. Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa. Dahil ba sa lasing siya?

Nag-paubaya ako ng igiya niya ako patayo. Pumasok kami sa kwarto ko na hindi pinuputol ang halik naming dalawa.

She wrapped her hands around my neck while my hands is on her waist.

Tumigil siya sa paghalik at habol ang hininga naming dalawa na hindi inalis ang pagkaka-dikit ng mga labi namin. "Zashi. Do everything you want. But promise me na pag-katapos nito ay makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko." tumango lang ako at naramdaman ko ang sensasyon. Nagwawala ang kalamnan ko na hindi ko maintindihan. Pansamantala kong nakalimutan lahat.

I kissed her passionately and torridly. I kissed every inch of her skin. At wala siyang pag-tutol do'n. I was about to take off her clothes ng pigilan niya ako.

"Zashi wait. I-ikaw muna." ani nito habang hinihingal pa. Nahihiya pa ito. Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng bathrobe ko habang puno ng pagnanasa na nakatingin sa mga mata ko. Nilipat niya ang tingin niya sa katawan ko at dahan dahan niyang inilapat ang kamay niya.

Bago ko tanggalin ang damit niya ay tinanong ko muna siya. Ayokong bastusin siya kaya humihingi ako ng permiso. Pero parang nag-take advantage na rin ako dahil lasing siya.

Ay basta! Bahala na.

"Are you sure about this?" tumango lang ito bilang sagot. Maingat kong inalis ang mga damit niya hanggang sa panloob nalang ang matira. Hinintay kong pigilan niya ako at sabihing mali 'to pero wala akong narinig na kahit na ano mula sa kaniya.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now