CHAPTER 31

127 5 0
                                    


Zashi's POV

I'm here at the Viongreen Garden's rooftop waiting for her to come. Mula sa baba hanggang sa taas ay para itong paraiso. Ang rooftop ay may kataasan at napapalibutan din ng mga bulaklak na artifical at may ilaw. Mayroon din hammock sa gilid at dinala ko din ang pangstar-gazing ko. Ito kasi ang isa sa pangarap niya.

Inayos ko ang sarili ko. Nag-dala pa ako ng pocket mirror baka mamaya may dumi na pala ako sa mukha hindi ko pa alam.

Sinigurado kong fresh tulips ang bouquet na pinagawa ko.

May candle na pa-heart at nasa gitna ang dalawang upuan at table. Napakaganda ng mga bituin na nagniningning at ang buwan na mas nagbigay liwanag sa paligid. Kung titignan ang baba ay napakaganda nito. Isang malawak na garden na puno ng mga bulaklak na umiilaw, malalaki man o maliliit.

Nagpalagay din ako ng mga litrato namin namin na nakasabit. I choose this place dahil sa ganitong lugar kami nagkakilala. Pero kung noon isang tuyo at walang buhay na building lang, ngayon ay nagkaroon ito ng kulay at buhay.

Nakita ko siyang ihinatid ni Pau habang nakatakip ang mga mata niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya at sinenyasan ko ang mga musikero para umpisahan na ang pag-tugtog.

"Goodluck!" pabulong na sabi sakin ni Pau na ikinangiti ko.

Hinawakan ko siya sa kanang kamay habang inaalalayan siya. I'm wearing a polo while she's wearing a red dress.

I took off the cover of her eyes and her lips formed an "O". She smiled at me and look back at the beautiful view. Pumikit siya at dinamdam ang sariwang hangin at ang malamyos na musika.

Inabot ko ang bulaklak dahilan para mapangiti siya.

"Shall we?" Iminuwestra ko sa kaniya ang table at pinag-hila siya ng upuan. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

I'm staring at her while smiling. I forgot to greet her a good evening. I was captured by her beauty.

"I forgot. Good evening!" I smiled. Umupo narin ako.

"Good evening too!" Her smile is priceless.

Nag-simula na kaming kumain. Kung pwede lang na luto niya ang kainin namin ngayon. Pero masarap naman kumain lalo't kaharap ko siya.

"You really prepared for this huh!" ini-umang niya sa'kin ang kutsara para subuan ako. Ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

"Of course, this day is so special." Ito ang una at mas lalo ko pang paghahandaan ang mga susunod. Kinuha niya ang phone niya at kumuha ng mga litrato.

"So, this is how it feels to be courted by a woman. I love it!" She looks so innocent. I'm just staring at her while she's eating the dessert. I wish I'm the spoon . I wanna kiss her soft lips.

"Zashi. Zashi!!" Napapitlag ako ng sumigaw ito. "Yung utak mo lumipad na do'n hindi mo na mahuhuli." Itinuro pa niya ang langit.

I heard her chuckled when I look at the sky.

Tumayo ako at lumapit sa musicians. I requested a song.

"May I have this dance?" Inilahad ko ang kamay ko at nakangiti niyang tinanggap iyon.
Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at ang kamay ko sa beywang niya.

Sumayaw kami sa ilalim ng mga buwan at bituin habang sinasabayan namin ang musika. Pinaikot ko siya na tawa ng tawa. Keshu baka daw mahilo siya. Nag-dikit ang mga noo namin at pareho kaming nakangiti. Para akong mababaliw sa bango ng hininga niya. Iniimbitahan ako ng malalambot niyang labi.

"Ayoko ng matapos 'tong gabi na 'to. Ang sarap sa pakiramdam." Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya. Parang nagwawala ang mga paro-paro sa tiyan ko. Hindi namin inalis ang pagkaka-salubong ng mga tingin namin.

Napapikit ako ng mas lalong dumikit ang mukha niya sa'kin. Naramdaman ko nalang na  dumampi ang labi niya sa labi ko. Smack lang 'yon. Inaya ko siya sa hammock.

"Ahm...hehe" Nahihiya ako. Parang kailan lang ako yung halik na halik.

"Who kissed better, me or Zoe?" tanong nito na nakataas pa ang kilay. Ngayon ko lang nakikita yung gantong side niya.

"Ikaw syempre." walang pagdadalawang isip na sagot ko.

"Kung ganito lang sana lagi. But we both know na nagsisimula palang tayo." isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at ako naman ay pinag-siklop ang mga kamay namin.

"Celeste." tawag ko sa pangalan niya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay.

"Hmm?"

"Thank you!" Kulang pa ang thank you sa lahat ng saya na nararamdaman ko ngayon.

"For what?" Tinignan niya 'ko na hindi inaalis ang ulo niya sa balikat ko.

"For coming in to my life and for making me happy."

"Kung gano'n thank you din. Kasi parehas lang tayo. Walang kulay ang buhay ko until dumating ka."

Pareho kaming nakangiti. Tumayo kami para mag-paalam na sa mga musicians. Pinauwi na namin sila dahil magii-star gazing kami.

Tinignan ko muna ang mga kuha niyang litrato sa phone niya.

"This one look so cuteee!" she giggles. Nakalobo ang pisngi ko dito. Iba't ibang anggulo at pose ang ginawa namin.

She pinch my cheeks like it's a marshmallow. I just let her do it while we're both laughing.

Kinuhanan ko din siya ng litrato habang sinisipat ang mga bituin. Nilagyan ko ng timer ang phone ko na nakalagay sa tripod saka niyakap siya mula sa likod. Nakangiti kami pareho habang nakaharap sa camera. Humarap siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

Nagulat ako ng halikan din niya ako sa labi na nakuhanan din ng camera.

Bumalik na kami sa pag-tingin sa bituin. Hinahanap namin ang mga constellations star at iba pang shape na napapansin namin.

"Look!" kaagad akong tumingin ng may dumaan na shooting star. Pareho kaming pumikiy habang dinadama ang hangin. Nag-wish kaming pareho.

Kinuha ko sa bulsa ko ang isang box.
"Naalala mo ba yung sinabi ko na bibilhan kita ng necklace?" Tumango ito. Isinuot ko sa kaniya ang kwintas at tinignan niya ang pendant no'n.

"Mas gusto ko 'to kesa sa binigay ni Elmo."

Ang damit niya ay nililipad ng lumakas pa lalo ang hangin. Nakaramdam na din kami ng pagod kaya napag-desisyunan na naming umuwi.

Ako ang nag-drive pauwi. Nakinig kami ng upbeat music at masaya kaming sinasabayan iyon hanggang sa makatulog siya. Pagdating ay hindi ko na siya ginising at binuhat ko siya na parang bride at hinatid sa kwarto niya.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now