CHAPTER 36

71 5 0
                                    

Zashi's POV

Gabi na ng makauwi kami lahat. Nasa gitna na kami ng biyahe ng makaramdam ako ng pagkahilo kaya ihininto ko muna sa gilid.

"Zashi, why?" She's worried, I can see her in her face.

"I suddenly feel dizzy." Isinandal ko ang ulo ko sa driver seat at binitawan ang manubela para hawakan ang ulo ko.

"Ako na magda-drive." tulog na rin kasi si Nicole at Pau na nasa backseat. Ganon din si Hanna at Cess.

Hindi na ako umangal at nakipagpalit ng pwesto dahil hindi ko talaga kaya.

"Drink water." inabot niya sakin ang tubig bago paandarin ang sasakyan. Ibinaba ko ang passenger seat para makahiga ako. Siya naman ay patingin tingin sa'kin.

"Just focus on the road. I'll tell you kapag nawala na para pumalit ako diyan." Malayo pa din kasi kami.

"No. You have to rest. Take a nap." She held my left hand. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at nagising lang ako ng huminto kami para ibaba si Hanna sa bahay nila.

"I'm fine now. Let me drive." itatayo ko na sana ang passenger seat ng pandilatan ako nito ng mata.

"Just rest. Wag ng makulit."

Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman ko ang sobrang lamig. Hininaan ko ang aircon ng sasakyan pero sobrang lamig parin. Kinuha ko ang jacket ko sa bag at sinuot iyon.

"Ang init na ah." ani niya sakin. Hininga ko lang ang mainit pero giniginaw talaga ko. Pakiramdam ko din mainit ang mukha ko at parang lalagnatin.

"I feel so cold." mas binilisan pa niya ang pagtakbo dahil wala naman masyadong dumadaan hanggang sa maibaba namin silang lahat at maka-uwi na sa bahay.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinalat ang noo ko.

"God! You have a fever!" Inalalayan niya akong bumaba saka ibinigay ang susi kay kuyang driver para ilagay sa garahe ang sasakyan.

"Nay, pakihanda po ako ng maligamgam na tubig at bimpo." Dumiretso na kami sa taas.

Sa kwarto niya ako dinala dahil wala akong kasama sa kwarto ko. Pinunasan niya ako at tinanggal ang damit ko para palitan ng pangtulog.

"Naka-score ka lang, nilagnat ka na." biro niya sakin. " Diyan ka muna. "I'll cook you forridge." Tumango lang ako at hinayaan siya. Mas gaganahan kasi ako kapag luto niya.

Masarap naman magluto si Nanay pero parang may iba kasi sa luto ni Celeste.
Pagbalik niya ay may dala na siyang soup, gamot, tubig at iba pa na makakatulong sa paggaling ko.

Inayos niya ang unan ko para doon ako sumandal. Siya na ang nagsubo sakin. Nang maubos ko na ay ininom ko ang gamot. Pagkatapos niyang ligpitin ay nag-half bath muna siya bago tumabi sa akin.

She's wearing a red silk pajama.

Pinaunan niya ako sa braso niya at niyakap para hindi ako lamigin. Effective sana pero lalong umiinit ang mukha ko. I can feel her busts.

"I know what you're thinking, silly. Sleep na." She comb my hear while singing.

Ngayon lang ulit kami nagtabing matulog after a months. Naramdaman ko nalang na nakatulog ako habang yakap namin ang isa't isa.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga hikbi. Nararamdaman ko parin na sinusuklay niya ang buhok ko.

"Why are you crying? I'm just sick not dead." pinalis ko ang luha niya. Ngumiti siya at pinunasan ang sariling luha.

"Narealize ko lang na hindi tayo pinagtapo bilang magkaibigan o magkapatid lang. Kasi sa una palang ang weird na nung feeling."

"So, it's just a tears of joy?"

"Yeah, maybe. Nanaginip kasi ako kaya hindi na ako makatulog. Nawala ka daw sakin."

Nakita ko ang sakit sa mata niya. I couldn't imagine that this will happen. Pero kung ako ang nanaginip ay baka nagwawala na ako ngayon.

"Hindi naman ako mawawala." Kung assurance ang kailangan niya para mawala iyon sa isip niya ay ibibigay ko ng buo. I cannot live without her. And I won't love anyone like how I love her.

"Promise??" I kissed her hand. Ramdam ko parin ang bigat ng pakiramdam ko. 

"I promise." 

"I made up my mind." She closed her eyes.

"Ano?" She smiled. She's teasing me again!

"Secret." Nag-pout ako hoping na maaawa siya sakin pero tinawanan niya lang ako.

"Okay." Tumalikod ako, nakakatampo.
I heard her chuckled.

Niyakap niya ako mula sa likod. Nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

She whispered in my ears. "Will you be my girlfriend?"

Namilog ang mata ko ng marinig ko 'yon. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Tumayo pa ang mga balahibo ko, na-shock din sila.

"P-pakiulit." Hindi ako makapaniwala. Nagningning ang mata niya ng tignan ko iyon.

"I don't want to."

Tama naman yung narinig ko diba? Hindi 'yon guni guni.

"Sige. Ako naman kasi talaga dapat ang nagtatanong niyan."

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now