CHAPTER 17

104 6 0
                                    


Celeste's POV

She changed a lot. Parang hindi ko na kilala yung Zashi na kaharap ko. Yung Zashi na masayahin at may respeto. I'm curious about what she said to me. What made her think that I wanted to see her suffering?

Nawala lang naman ako dahil sa kagagawan ng Uncle niya at ni Lita. At kung alam niya na ang tungkol kay Mama bakit ganon siya?

Gulong gulo ako at dumagdag pa yung pag-halik niya sakin. She kissed me! Tapos may girlfriend siya???

But somehow I felt sad. Nasasaktan ako na makita siya with that woman. Especially, on how they kissed each other.

Nandito ako ngayon sa sala.

"Hi! Si Zashini?" sasagot na sana ako ng biglang may sumulpot sa likod ko.

"I'm here, let's talk outside."

Lumabas sila at nag-excuse pa sakin yung lalaking dumating. I think mas matanda siya samin.

Kinuha ko ang phone ko. Nasapo ko ang ulo ko dahil sa inis ng makitang lowbat ito. Tatawagan ko pa naman sana si Fhey para kamustahin ang lagay nila.

"Nay pwede po bang makahiram ng charger?"
ani ko ng makita ko si Nay Yen na dala ang mga bagong laba na damit.

"Naku! Pasensya na pero binilin kasi ni Zashini na wag kang hayaan na makapag-charge." napa-pikit ako sa inis. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. May kasalanan din naman ako sa kaniya kaya kailangan kong mag-tiis.

"Sumama ka sakin." hinila ako nito palabas ng bahay at pinasakay sa kotse. Hindi naman mahigpit ang pagkaka-hawak niya at tulad ng dati ay pinag-buksan niya ako ng pinto.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya ng makasakay siya sa driver seat.

"In your condo. Address?" hay sa wakas! Makaka-uwi na rin ako. Malapad akong ngumiti. "Hindi ka parin uuwi." Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya 'yon.

"Lisorous bldg. in Mac Arkie ave."

"Great."

Tahimik kami sa buong biyahe. Nang makarating kami ay niyuyukuan kami ng mga staff doon.

The heck? Ganon ba kami ka-importante?

Pag-karating namin sa front desk ay nakayuko silang lahat.

"Ahm...nung unang punta ko dito hindi naman sila yumuyuko ah." She chuckled pero ng lingunin ko siya ay seryoso na naman ang mukha niya.

"Good afternoon! Ma'am Zashini mabuti po at napadalaw kayo." ani nito.

"Good afternoon. I'm just with my sister." napalingon ito sa akin. Binigyan siya ng malapad na ngiti ng babae. Kumagat labi pa ito na ikina-irap ko.

"Sige po, dumiretso na po kayo."

Nag-lakad kami papunta sa elevator. Nang makasakay kami ay medyo kinakabahan ako.

"So, you're the owner of this building?" binasag ko ang katahimikan na namamayani samin.

"Yeah." Heto na naman ang boses niya. Napakasarap niyang itapat sa apoy. Kaso ibang apoy yata gusto niya.

"What are we doing here pala?" bigla nilang kasi siyang nag-aya dito.

"Pinapasok lang kita sa bago mong condo bago kita ikulong sa bahay."

Hindi ko narinig ang sinabi. Parang kausap niya yung bubuyog kung mag-salita.

"Ano?" tanong ko ulit dahil 'di ko talaga naintindihan.

"Kunin mo yung passport mo at iba pang kailangan. Sasama ka sakin, remember you promise me na ikaw ang aakyat sa graduation ko?" parang bigla siyang nagka-sakit. Mahinahon at may emosyon naman ang boses niya ngayon.

Hindi na ako mag-salita at inilagay sa bag ko ang mga kailangan ko. Pati make up at mga skin care products at iba pa.

Pagkatapos ay pumunta kami sa isang boutique. Napaka-mahal ng mga tinda nila dito.

"Ma'am Zashini, marami po kaming mga bago. Siguradong may magugustuhan po kayo."

"Ahm...hindi para sakin." napalingon ang sakes lady sa akin at ngumiti. Tinuro nito sa amin ang mga dress. Pinamili ako ni Zashi habang siya ay nakaupo sa harap ng dressing room.

Ang una kong sinukat ay green high backless crepe trumpet gown.

"Too revealing." para namang hindi ako nag-suot ng ganito dati. Pero sa bagay kailangan formal at kaaya-ayang tignan.

Nagsukat pa ko ng nagsukat hanggang sa maka-sampo ako.

"There! Ang ganda!" Ani ni Zashi na pumapalakpak pa.

She choese the maroon chiffon v-neck short sleeves dress.

Hinubad ko na 'yon at binayaran niya. May mga iba pa siyang sinama. Dati ako ang pumipili ng damit niya ngayon siya na. Sa divisoria nga lang kami namimili dati pero ngayon sa mamahaling boutique na. Parang hindi tuloy ako sanay. Lalabas na saka kami ng may mapansin ako. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Zashi dahilan para mapahinto siya.

"Hmm?" nakataas ang isang kilay nito.

Tinignan ko naman ang jacket na nakaagaw ng pansin ko. Napakasimple pero ang ganda. Khaki at color white yung line na jacket tapos may nakatatak na 'You belong with me' sa likod.

Napansin niya yata kung saan ako nakatingin kaya lumapit siya doon.

"Tin do you have another size of this jacket?" ani nito.

"Yes po. If you want may couple din kami na ganiyan and may  ibang color din."

Tumingin si Zashi sa akin na nakataas na naman ang kilay at nagtatanong ang mga mata.

"Ganyan color nalang." tumango lang ito at nagpakuha ng dalawa.

Bumili siya ng dalawa para sa kaniya at sakin.
Ngayon ko lang naisip yung meaning pero ayos lang naman siguro.

Bumili pa kami ng damit na pang-bahay at pang-lakad. Pati na iba pang kailangan ko.
Parang hindi na ako uuwi nito ah.

Pag-dating namin ay nahiga muna 'ko sa guest room. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Ginising lang ako ni Nay Yen para mag-dinner.

"Nay si Zashi po?" tanong ko kay nanay ng maka-upo ako sa hapag. Nakahanda na ang pag-kain. Hindi ako sanay ng pinaghahainan ako mas gusto ko parin na ako yung nagluluto.

"Pinuntahan yata si Zoe nak."

Pagtapos kong kumain ay nanood ako ng tv habang inaantay si Zashi. Patingin tingin ako sa oras pero alas-onse na wala pa siya.

"Nak mabuti pa matulog ka na. Baka hindi na umuwi si Zashi at doon na matulog."

"Po? palagi niya po bang ginagawa 'yon?"

"Nung isang linggo kasi kasama niya din si Zoe tapos hindi umuwi at doon natulog." Napatango ako at umakyat na sa taas para matulog dahil antok na din ako.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now