CHAPTER 52

106 4 0
                                    

Celeste's POV

I'm hoping that it's just a dream.

Pinalis ko ang luha ko habang nakatitig sa white dress na nasa kama ko. Ini-uwi na nila ako kagabi. Hindi ako lumalabas ng kwarto para hindi ako mapagod. Bakas na ang lason sa aking kamay. Ang mga mata ko ay bahagyang namula at ang labi ko ay tila tuyong tuyo.

Kahit anong kain at inom ko pakiramdam ko ay hinang hina pa rin ako.

Zashi...you're running out of time.

God, please! Let my knight in shining armour back.

Hindi ako nakatulog sa kakaisip hanggang sumapit ang umaga.

Pumasok si Fhey sa kwarto ko para tulungan akong mag-handa. Tatlong oras nalang at mawawala na ang kalayaan na matagal ko ding hindi makakamit.

Wala na ba talagang ibang paraan?

I won't hold a grudge against Zashi.
She's doing everything for me and for  her loved ones. I'm still holdin' on to her promise kahit na linggo na ang nakalipas.

I'm worried about her. But god. If I have to offer my life to death, I'll do it just to keep them unharmed.

"Celeste. Mag-tiwala ka lang sa plano ni Tito. Siguradong hindi ka niya hahayaang mapahamak." tipid akong ngumiti dahil sa sinabi ni Fhey.

"Hindi ko naman siya mahal. Bakit kailangan ko siyang pakasalan? Hindi ko yata masisikmura parang mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa pakasalan ang taong dahilan ng pagdurusa ko."

She pat my back.

"Alam ko. Kita ko sa mga mata mo. Pero malalagpasan mo rin 'to. Kailangan mo lang yung gamot at pag magaling ka na siguradong kukuhanin ka din ni Tito."

"Si Zashi..."

"Wala paring balita sa kanya hanggang ngayon. Hindi tayo pwedeng basta umasa nalang sa kanya. Alam kong mahal mo siya pero kailangan niyong mag-sakripisyo. Kailangan mong mabuhay para makita mo ang mama mo at kailangan ni Zashi na mabuhay para mag-kasama kayo."

"Paano kung—" hindi ako pinatapos ni Fhey sa sasabihin ko.

"Shh! She's alive. Huwag kang panghinaan ng loob."

Nag-paalam na si Fhey para mag-ayos din.

Simple wedding lang sana pero nag-pumilit si Elmo. We have a lot of guests.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtatabi ng mga gamit ko kagaya ng litrato namin ni Zashi sa kahon. Pumayag si Dad na sa bahay ni Elmo ako titira sa isang kundisyon—kailangan kasama si Geno.

Hindi niya ako pwedeng galawin hangga't hindi ako tuluyang gumagaling dahil malaki ang chance na kumalat ang lason at mawawalan ng bisa ang gamot. Kalahating taon din bago tuluyang mawala ito.

After two hours...

I'm now wearing a white dress.

Nakasakay ako sa puting sasakyan na pagmamay-ari din ni Elmo. Naka-tingin lang ako sa bintana habang binabagtas namin ang daan patungo sa St. Augustine's church.

Pag-hinto palang ng sasakyan ay kinatok na agad ni Dad ang bintana.

"Are you alright?"

Tanging tango lang ang sagot ko at walang emosyon na diretsong tumungin sa daan.

The ceremony started. I gave them a spare smile while walking on the aisle.

Malapad ang ngiti ni Elmo habang hinihintay ako. Si Dad ang nag-hatid sa'kin sa altar. Masuyong ini-abot ni Elmo ang kamay niya pero nag-dalawang isip ako kung aabutin ko ba. Binulungan lang ako ni Dad kaya napilitan din ako.

"Take his hand."

I sighed. I just focused on what the priest was saying.

Nakaramdam ako ng pagka-hilo pero hindi ko iyon pinansin.

"Elmo, do you take Celeste as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

I seriously looked at Elmo who's smiling from ear to ear.

"I do." isinuot nito ang singsing sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang mag-tama ang mga tingin naming dalawa.

"Celeste, do you take Elmo as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Tinaasan ako ng kilay ni Elmo. Napansin ko rin na nagbubulungan ang mga tao. Inulit pa ng pari ang sinabi niya pero hindi ako maka-sagot.

"Celeste?" tawag sa'kin ni Father.

"S-sorry." umiling ako at humakbang paatras. "I can't." tumakbo ako palabas. Mabuti nalang at hindi ganon kahaba ang gown na suot ko.

Nang makalabas ako ng simbahan ay palinga linga ako. Tinanggal ko na rin ang heels na suot ko. Kahit na nahihirapan akong huminga ay tumakbo ako para makalayo. Rinig ko ang pag-tawag nila sa pangalan ko.

Ilang metro na ang layo ko at mas lalo  akong nahihilo. Umiikot ang paningin ko at parang hinahalukay ang tiyan ko. Unti unting lumabo ang paningin ko pero bago pa 'ko mawalan ng malay ay may isang pulang kotse na huminto sa harap ko.

"Consíguela!" Get her! sigaw ng isang babae.

May lumapit sa'kin na tatlong kalalakihan at binuhat ako.

"Ahora está a salvo, Señora." You are safe now, Ma'am.

Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto. May nakakabit na IV fluid at oxygen mask sa akin. Inilibot ko ang kabuoan nito. Napakalinis at halatang pang-mayaman.

"Haz todo lo que puedas para eliminar el veneno de su cuerpo. No podemos decepcionar a Zashini." Do everything you can to remove the poison in her body.  We can't let Zashini down.

Rinig kong sabi nito mula sa labas ng pinto. Wala akong naintindihan pero sigurado akong binanggit niya ang pangalan ni Zashi.

"Tenemos que esperar un poco más para preparar su cuerpo para el medicamento." We have to wait a little longer to prepare her body for the medicine.

Tumahimik na ang mga ito at sa tingin ko ay umalis na. Napansin kong wala ang singsing na isinuot ni Elmo sa'kin kanina. Suot ko pa iyon bago ako mawalan ng malay.

"You left him on the altar. So, the ring is not important right? Runaway bride." malapad ang ngiti nito sa'kin. Kasing tangkad niya si Zashini.

Maputi ito at kulay asul ang mga mata. Tinanggal ko ang oxygen mask para makapag-salita ako.

"Who are you?" pinasadahan ko pa ito ng tingin. Lumapit siya sa'kin saka ibinalik ang oxygen mask.

"Let your girlfriend introduce me to you."

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now