CHAPTER 13

93 7 0
                                    

Zashi's POV

Handa ko ng ipikit ang mata ko ng maka-tanggap ako ng tawag. Dali dali kong sinagot sa isiping baka si Ate iyon

"Hello??" masiglang bati ko.

"Zashini si Nay Tessa ito." nawala bigla ang ngiti ko.

"Nay napatawag ho kayo?" magalang na sagot ko. Si Nanay Tessa ay kapatid ni Nanay Yen. Minsan na akong tumira sa kanila noon.

"Zashini nandito kami sa rest house ng uncle mo sa tagaytay. Alam kong nabalik ka na at nakuha mo na ang pinaka-hihintay mo. May kaillangan ka pang kuhanin dito." napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Ano ho iyon Nay?"

"Ang Ate mo." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig iyon. "Nagpakilala ako sa kaniya bilang Lorna para hindi kami mahuli ng uncle mo. Pero pagkatapos siyang bisitahin ng ina niya ay hindi na niya ko kinausap. Palagi siyang nakatulala at kaunti lang kung kumain."

"Ano ho ba ang pinag-usapan nila? Pwede ko po ba siyang maka-usap?"

"Hindi na ako pinapapasok ng bantay niya dahil iyon ang kagustuhan niya." napapikit ako dahil nararamdam ko ang galit sa loob ko.

Anong ginawa niyo kay Ate?!

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay ng mga Cruz. Nag-sama ako ng mga tao ko, ang mga butler ni Lolo.

"You only fifteen minutes to talk." bored kong sabi habang naka-upo sa gilid ng sofa at nginunguya ang bubble gum.

"Wala kaming sasabihin sayo." pagmamatigas nito. Sinenyasan ko si Kuya Kino. Ang pinaka-close ko sa mga butler ni Lolo. Siya rin ang pumupunta sa akin sa school. Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang bala sa baril saka ikinabit ang silencer. Kita ko ang pag-lunok nila habang nakatitig roon.

"Sino ang gusto niyong mauna?" itinutok ni Kuya Kino ang baril sa family picture nila.

"Si Czarina—" binaril ni Kuya ang sa ulo ang picture ni Czarina. "o si Candies?" ganon din ang ginawa niya sa picture ni Candies.

"Binalaan ko na kayo noon. Masyadong matigas ang mga bungo niyo. Siguradong lalambot 'yan kapag ulo niya ang tinamaan."

"Huwag! Nagmamakaawa ako sayo!" lumuhod pa ang ginang sa harap ko habang nakatali ang mga kamay niya. "M-magsasalita na 'ko, huwag mo lang idamay ang mga anak ko."

"Mabilis naman pala kayong kausap. Sige, makikinig ako." Inilapag ko ang phone ko na nak-on ang recorder. Lahat ng sasabihin niya ay gagamitin kong ebidensya.

"Kinausap ako ng Tito mo. He planned everything. Alam niyang gugustuhin mo at gagawin mo ang lahat para makuha ang kapangyarihan para sa hustisya, hindi siya nagkamali. Kinausap ko si Celeste kapalit ng pera, punayag siya na doon muna siya titira sa rest house. Lalabas lang siya kapag napapirma ka na ni Mack na isalin sa kaniya lahat ng namana mo. Pinangakuan niya kami ng malaking pera kaya sumang-ayon kami. Kasabwat namin ang kaibigan ni Celeste na si Fhey." napakuyom ang kamao ko. Sa tingin nila maniniwala ako sa kwento na yan?!

Hinding hindi 'yon magagawa sakin ni Ate!
Para masagot ang mga tanong na gumugulo sa isip ko ay pumunta ako kay Ate Fhey. Naabutan ko siya sa company ni Ate.

"Zashini. Anong ginagawa mo rito?"

"Alam mo kung anong ginagawa ko rito."

"Zashini wala akong al—" hindi ko napigilan ang sarili ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para sakalin si Ate Fhey. Hindi masyadong mahigpit iyon, tama lang para matakot siya. Nalaglag niya ang mga papeles na dala niya.

"Ano ang kinalaman mo sa nangyari kay Ate?!"

"Zashini nasasaktan ako." binitawan ko iyon at hinayaan siyang mag-salita.

"Sagutin mo ang tanong ko!" tinabig ko ang paso sa gilid namin dahilan para mabasag iyon. Doon ko ibinuhos ang galit ko habang yakap ni Ate Fhey ang sarili niya at nanginginig sa takot.

"Buhay ang Ate mo. Kapalit ng pera ay kailangan niyang mag-tago. Iyon ang napag-usapan namin bago masunog ang bahay niyo."

Tinabig ko lahat ng paso sa paligid namin hanggang sa mapagod ako. Lumikha iyon ng ingay pero madilim sa pwesto namin kaya kahit may tumingin ay hindi kami makikilala.

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Hinding hindi magagawa ni Ate sa'kin yan!"

May pinakita siyang litrato sa'kin ni Ate kasama ang isang lalaki.

"Desperada na ang Ate mo. Malapit na siyang ikasal kaya ayaw niyang lumalapit sa kaniya si Elmo. Kailangan niya ng malaking pera." Pinalis ko ang luha ko at tinignan ang lalaking iyon. Minsan ko na siyang nakita na kasama nila Ate. Sa pagkakatanda ko ay pinsan iyon ni Ate Fhey.

May nakasuot din na singsing sa daliri ni Ate, nakataas pa ang kamay niya habang nakangiti.

Itinapon ko ang phone ni Ate Fhey dahil sa galit ko. Nabasag iyon at kahit na basag ang screen ay naroon parin ang litrato na pinakita niya sakin. Tinapak-tapakan ko pa ito bago ako umalis.

Ginawa ko lahat para maprotektahan kita! Kahit na mahirap ay pinasok ko. Lahat ng mga achievements ko ay inaalalay ko sayo. Paano mong nagawa sakin toh?!

Paano mong nagawang ipagpalit ako sa pera?! Kaya kong ibigay yon sayo kung gusto mo pero bakit? Bakit kailangan mo pang makipag-sabwatan sa kanila?!

Nagsisisi ako dahil hindi ko nasabi sayo ang nararamdaman ko. Pero mas nagpapasalamat ako ngayon dahil hindi mo nakita ang kahinaan ko.

Rinig ko ang mga busina ng kotse na nasa gilid ko pero wala akong pakielam kahit gaano pa kabilis ang takbo nito. Nakatanggap ako ng tawag kaya namreno ako sa gilid ng tulay.

"Boss, nailigtas na namin siya pero hindi siya sumama sa amin pauwi. Naibigay narin namin ang mga papeles na pinabibigay mo." ani nito sa kabilang linya. Iyon ang papeles ng company niya. Patunay na sa kaniya talaga 'yon.

Nanghihina ang katawan ko. Iyak lang ang tanging nagawa ko habang nandito ako sa gitna ng dilim. Madalang lang ang dumadaan na sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa hapdi ng mata ko kakaiyak.

Naramdaman ko na lang na gumagalaw ang kotse ko. Nakasakay na pala ako sa isang tow truck. Hinayaan ko lang ito kung saan ako dadalhin. Pero hindi ako bumaba ng tumigil ito.

Binuksan nila ang pinto at nakita ko si Atty. Roxas na nasa baba. Bababa na sana ako ng mawalan ako ng malay dahilan para mawalan ng balanse ang katawan ko.

"Zashini!" rinig kong sigaw ni Atty. Handa na akong bumagsak sa matigas na sahig ng truck at gumulong pababa ng may sumalo sa akin.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now