CHAPTER 42

84 3 0
                                    


Celeste's POV

Nagising ako na masakit ang pagitan ng mga hita ko. Hindi ako makatayo, mabuti nalang at isang linggo ang binigay nila sa'kin para sulitin ang pagiging malaya ko.

Tumulo ang luhang pinipigilan ko at mabilis kong pinunasan iyon ng bumukas ang pinto.

"Breakfast in bed?" ani nito habang dala ang isang tray.

"I need help."

"Hindi ka makatayo?" ani ni Zashi na nakangisi pa bago ibaba ang pagkain. Binato ko siya ng unan na agad naman niyang nasalo.

Binuhat niya ako hanggang sa banyo.
"Okay na. Punta ka na do'n baka masalisihan mo pa 'ko."

Umupo na ako para umihi at ganon na lamang ang sigaw ko. "Zashiiii!!" napaigik ako sa sakit.
Malakas na bumukas ang pinto at dahil ni-lock ko iyon ay pwersahan niyang binuksan dahilan para masira ang door knob.

"What happened?!" Lumuhod siya sa harap ko habang ako ay nakaupo parin. May tumulong luha sa mata ko na agad niyang pinunasan.

"A-ang sakit!"

"Alin yung masakit?" Tumingin ako sa baba para ituro sa kaniya. Mahigpit ang hawak ko sa damit ko. Binuhat niya ulit ako sa kama at ihiniga. Hindi ako makagalaw ng maayos kaya siya nalang ang nagpakain sa'kin.

Pagkatapos kumain ay may dala siyang pain reliever. Umupo siya sa tabi ko.

"I'm worried. Hindi lang dahil masakit ang baby mo. Ano ba talagang nangyari sa'yo kahapon?" diretsong tanong nito.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi ko maibuka ang bibig ko.

Nang magising ako ay nakatakip ang mata ko at nakatali ang mga kamay ko. May busal din ang bibig ko at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

"Change plans?" kilala ko ang boses na 'yon at nagmula ito sa katabi ko.

Si Elmo...

"Hindi na sa warehouse sa makati? Diretso na kami diyan sa mansion?" ani nito. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang nangyayari. Gusto kong magsalita at pumalag pero nanghihina parin ako dahil sa tinurok nila.

Pagkatapos ng kalahating oras ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Binuhat ako ni Elmo, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Naramdaman ko nalang na tinanggal niya ang piring ng mata ko at busal ng bibig ko. Bumungad ang isang ginang na gusto kong isumpa.

"D-monyo ka talaga! Kailan mo ba 'ko lulubayan?!" matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya habang siya ay parang walang pakielam.

Pumalakpak pa ito.

"Hindi na tumatalab sa'kin 'yan, Celeste." ani nito na tumawa pa ng malakas.

"Anong kailangan niyo sa'kin?!" naramdaman kong bumigat ang braso ko. Hinang hina parin ang katawan ko pero pilit kong nilalabanan iyon.

Lumabas sa likod niya ang isa pang d-monyo! Sino pa ba? Walang iba kundi ang Uncle ni Zashi. May hawak pa itong tabacco pipe at wine.

"Oh bakit hindi niyo naman sinabi na nandiyan na ang anak ko." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"A-anong anak?" I curiously asked, my whole body was shaking in fear. I'm hoping that it wasn't real.

"Mack masyado pang maaga. Ipaalam mo muna kung anong kailangan natin sa kaniya." Kaya pala sila tahimik, ako na naman ang gagamitin nila para makuha ang mga gusto nila.

"Gusto naming papirmahin mo si Zashini para legal na maisalin sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian niya. The comapany, resorts, condominium, hotel, restaurants and farm na pinamana sa kaniya ni Dad at ng magaling kong kapatid. Yung walang matitira kahit isang kusing sa kaniya dahil para sa akin naman talaga 'yon." sumimsim ito ng wine bago umupo sa harap ko.

Si Elmo naman ay nakayakap sa baywang ko at inaamoy ang leeg ko. Hindi ako makagalaw pero pilit ko siyang tinutulak.

"Ano ba! Lumayo ka nga sa'kin." ani ko dito. Sumunod naman ito ng senyasan ni Mack.
Para siguro makapag-usap kami ng maayos.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala. Akala ba nila ganon lang kadali 'yon?! Kahit patayin pa nila ako ngayon ay hinding hindi ko gagawin ang bagay na 'yon.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit hindi ka nalang mag-trabaho at mag-sikap?" malakas silang tumawa dahil sa sinabi ko.

"Susundin mo ang lahat ng gusto ko or else..."

Namilog ang mata ko ng makita ko sa likod niya ang ina, asawa at anak ni Fhey!

"Buhay nila ang kapalit." nakatali din ang mga ito at may busal ang bibig. Siguradong hindi nila kilala ang gumawa sa kanila nito dahil hindi naman nila nakikita.

"Hay-p ka!!! Pakawalan mo sila!" He just gave me an evil laugh bago sensyasan na ibalik na ito sa taas.

"Simple lang naman ang hihilingin ko sayo. Ang una ay papirmahan mo ang mga dokumentong ito kay Zashini." Inilapag niya ang brown envelope saka nilabas ang mga papeles. "Pangalawa ay ibibigay mo samin ang six hundred million na pinamana ni Dad at ang company mo ay mapupunta sa kanila." Iminuwestra pa nito si Lita.

"Hindi! Hindi namin ibibigay sa inyo ang lahat ng meron kami!" pinagpipilitan ko ito pero sa kabilang banda ay iniisip ko ng sumuko nalang at sundin sila dahil sa lagay ng pamilya ni Fhey. Nadamay sila sa gulong wala silang alam.

Mga hay-p sila!

"Kung ganon." Sinindihan nito ang monitor sa harap namin. "Mamili ka kung sino ang gusto mong unahin sa kanila."

Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Ayokong nakikita nila ako na mahina. Pero pakiramdam ko ay parang dinudurog ako. Ano bang nagawa ko? Namin?

Bakit kailangan kaming pahirapan ng ganito? Nawalan na kami ng mahal sa buhay. Hindi ko kakayanin ang konsensya kung pati kay Fhey ay mangyayari iyon.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ginawa ni Fhey 'yon. Dahil nakatali siya sa kanila at kontrolado nito ang mga galaw niya. Alam Kng kahit kailan ay hindi gagawin ni Fhey sa'kin 'yon. Maliban nalang kung may sapat na dahilan. At ito yun!

"Huwag! G-gagawin ko na!—Huwag...parang awa mo na! Gagawin ko na." malad-monyo itong ngumiti dahil sa sagot ko. Napahagulgol ako ng iyak dahil sa nakikita ko. Itinutok Nito ang baril sa ulo ng anak ni Fhey!

"You only have one week. At may pangatlo pa akong kundisyon. Sasama ka kay Elmo sa ibang bansa at magpapakasal ka sa kaniya. Hindi na namin guguluhin ang pamilya ng mga kaibigan niyo basta't sumunod ka lang sa lahat ng iuutos ko."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinilit kong itulak si Elmo ng akma niyang halikan ang batok ko.

How about Zashi?

Isang araw palang nang maging kami at heto na naman. Nangako ako pero alam kong may iba pang paraan. Babalik ako sa oras na mailigtas namin kayo.

Hindi ko siya kayang iwan. Nangako kami sa isa't isa.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now