CHAPTER 44

66 4 0
                                    


Zashi's POV

Nakaramdam ako ng inis ng bigla siyang tumayo. Nakatanggap siya ng tawag at hindi ko alam kung sino iyon. Pakiramdam ko ay may tinatago siya sa'kin.

She was on the balcony and had a displeased look on her face. She even locked the door—why? Hayst!

Pag-balik niya ay sinundan ko lang siya ng tingin. Ibinaba niya ang phone niya sa bedside table.

"Who's that?" Nagtanong na ako dahil hindi naman siya nagsalita at salubong parin ang kilay.

"The bookkeeper." Tipid na sabi nito.

Tumayo siya para kuhanin ang laptop na nasa tabi ng vanity mirror. Napansin kong may tumatawag na naman pero naka-silent ang phone niya.

Ang weird...hindi naman niya gawaing mag-silent kasi palaging importante ang natatanggap niyang tawag.

I grabbed it to check the caller id. She was startled when she whirled to face me.

Mabilis siyang lumapit sa'kin para kuhanin ang phone pero huli na. Nakita ko na.

"Bakit tumatawag si Elmo sayo?" I looked at her intently.

"H-hindi ko alam." nauutal niyang sabi. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya at akmang sasagutin ko na sana iyon nang mamatay ang tawag.

"Hindi mo alam? Bakit may number ka pa niya?" lumapit siya sa'kin para kunin ang phone niya pero nilihis ko ang kamay ko para hindi niya ito makuha.

"Hindi ko pa nabura." She's lying...

"You told me na binura mo na." We made a promise to delete and block everyone who has flirted with us or pursued us.

"I forgot to delete his number." She's too honest, thus she's not very good at lying.

"Stop lying!" Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa inis. Bakas ang gulat sa mukha niya. Pero agad akong nagsisisi ng makita ko ang luha sa mata niya.

"D-did you just...y-yell at me?" Her voice was cracking.

Lumambot ang ekspresyon ko ng makita ko ang sakit sa mukha niya.

"I'm sorry!—Sorry hindi ko sinasadya."

I caressed her cheeks.

"I'm the one who should say that. I'm sorry, I lied." Ayokong nakikita siyang ganito. Niyakap niya ako.

By her expression, she seemed to be having troubles.

"No...it should be me."

"He's calling because..." hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Pero alam kong may mali.

"-because?" Kumalas ako sa pagkakayakap namin at tinignan ko siya sa mga mata.

"Because he wants—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tuloy tuloy na pumasok si Ate Fhey sa kwarto.

"Celeste! They called me. You only have two days left instead of one week." Bakas ang takot sa mukha nilang dalawa. Nakaramdam na din ako ng kaba kahit napaghandaan ko na 'to.

"Ngayon lang sila tumawag?" Nanghihina ang tuhod ni Celeste at ako naman ay inalalayan ko siyang umupo sa kama.

Tumango si Ate Fhey.

"They wanted me to spy on you guys." nakayukong ani nito. But you said you'd help me, and I won't desert you once more."

Napahilamos ako sa mukha ko. Tumalikod ako sa kanilang dalawa para kuhanin ang phone ko sa vanity mirror.

"We'll help you." tinabihan si Celeste ng upo ni Ate Fhey.

"But how about the wed-" Celeste shushed her. Hindi iyon nakatakas sa paningin ko.

They're keeping something from me that I have to find out.

"Maiwan ko muna kayo." Lumabas ako ng kwarto at nag-punta sa mini-bar.

"Attorney, naayos na po ba?" napahilot ako sa sentido ko.

"Hindi pa, matagal na palang hindi si Atty. Silveo ang tumutulong sa kaniya. Kailangan pa nating mahanap kung sino sa lalong madaling panahon."

"Titignan ko po kung anong magagawa ko."

"Okay."

Ibinaba ko ang tawag ng makarinig ng katok. Pagkita ko ay si Ate Fhey iyon. May sinabi siya sa'kin na mas malaking problema. At hindi 'yon pwedeng mangyari.

Umakyat na ulit ako sa taas pagkatapos naming mag-usap. Nakita ko siya na nakaupo kaharap ang laptop niya. Nakasuot pa siya ng salamin at naka-messy bun ang buhok niya.

"Babe." tawag ko sa kanya. Nilingon niya lang ako at tinap ang space ng kama saka bumalik sa ginagawa niya. "What are you doing?"

"May mga client na nagrereklamo. Kailangan ko silang harapin bukas." Tinignan ko ang screen at totoo nga. Nag-post pa ang mga ito sa social media.

"Sasamahan kita." natahimik siya sa sinabi ko.
"Bakit, ayaw mo ba?"

"Gusto pero marami kang kailangang asikasuhin."

"Kahit na. I can make time for you."

She just sighed. "Kaya ko na. May kailangan ka pang ayusin. Saka siguradong matatagalan ako."

She's making an excuse para hindi ko siya samahan...But I won't let her to leave this house without me. Hangga't hindi pa natatapos ang problema namin kay Uncle.

Nahiga lang ako sa tabi niya habang nag-iisip kung ano pa ang magagawa ko. Tumayo ako ng makarinig ako ng katok. Busy kasi siya alam naman istorbohin ko diba?

Pagbaba ko ay nakita ko do'n si Ate Niesel.

"In my office." tumango lang ito at sumunod sa'kin.

I locked the door kasi walang ibang pwedeng makaalam ng pag-uusapan namin. Umupo ako sa swivel chair.

"Pasensya na at hindi ako nakapunta agad. Nandito na lahat ng papeles na kailangan mo."
Ibinibaba niya ang suit case sa table.

Isa isa kong tinignan iyon. Sana ay maging sapat itong dala niya para makalaban ako kay Uncle.

"Iba't ibang illegal na gawain na ang kinasangkutan ng Uncle mo. Maraming tao na rin ang pinapatay niya pero lahat 'yon ay nalusutan niya dahil kay William." Nag-angat ako ng tingin dahil doon.

Kilala ang pamilya nila Ate Niesel bilang magagaling na abogado. Bilang lang sa daliri ang kaso na hindi nila naipanalo.

"Your cousin?"

"Oo, siya ang pumalit sa'kin." Tumayo siya sa pagkakaupo at inilibot ang tingin sa office ko.
"Actually, hindi niya ako pinalitan. Sabay kaming naglingkod sa Uncle mo. Pero hindi ko masikmura ang mga nalaman ko at ang pinapagawa niya samin."

"Tapos hinayaan ka lang niya na mabuhay?"

"Our family had a rules, Zashini. Hindi ako pwedeng mag-salita tungkol sa mga nalalaman ko. At kapag nilabag ko 'yon ay sarili kong pamilya ang kikitil ng buhay ko." Kinuha niya ang isang album na nakalagay sa shelf.

May pangalan ito na Zymon. Nakuha ko iyon sa mga gamit ni Papa. Naisip ko na baka importante iyon pero hindi ako nagkaroon ng interest na tignan anga laman nito.

"Then, why are you helping me?—Teka! Huwag mong buksan 'yan." Nginisian niya lang ako.

"Hindi biro ang kakalabanin mo. Handa akong tulungan ka dahil sa pamamagitan mo ay mababasag ang katahimikan na namutawi sa bibig ng aking angkan. At ikaw rin ang tutulong sa'kin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kuya."

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now