CHAPTER 32

104 6 0
                                    


Celeste's POV

Araw-araw akong nakakatanggap ng flowers and chocolates with notes. Mag-kasama lang naman kami sa bahay. Sa sobrang sweet niya pakiramdam ko masisiraan na ako ng ngipin dito sa chocolate, ang iba nga ay pinamimigay ko nalang.

Tambak ang trabaho ko ngayon. Pumipili ako ng layouts para sa feature.  Ang dami nilang suggestions at lahat 'yon ay magaganda. May meeting pa ako mamaya. Iniisip ko pa kung anong magandang business na pwede kong itayo para magamit ang pera.

How about malaking arcade games na pwede sa mga bata at matanda?

Hay naku! Saka nalang siguro ako mag-iisip.

"Celeste, heto pa." inilapag ni Fhey ang iba pang designs. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Hindi na rin niya 'ko masyadong kinakausap at parang lagi siyang balisa.

"Fhey." nagdadalawang ako kung sasabihin ko ba.

"Yes?" tipid nitong sagot.

"Ah wala. Kumain ka na ba? Para kasing matamlay ka. Kung gusto mo umuwi ka muna."

"Hindi na, wala naman akong gagawin do'n."
Napa-isip ako sa sagot niya dahil hindi siya ganito. Dati ay madaling madali siyang umuwi para makapag-bonding sila ng anak niya.

"Huh? How about playing with Faustin?"

Tipid na ngiti lang ang ibinalik niya saka lumabas ng pinto.

She's weird.

Inabala ko na ang sarili ko. Nakaramdam ako ng pagka-gutom. I'm craving for milktea and pizza.

Nakarinig ako ng sunod sunod na katok. Kilala ko ang katok na yan dalawang sunod and after  two seconds ay isang katok.

"Come in!" dumungaw siya sa pinto at tinignan kung may ibang tao. Nang masiguro na wala saka siya pumasok at ni-lock ang pinto.

"I bought you pizza and milktea!" lumiwanag ang mukha ko ng marinig ko iyon. Pero nawala din agad ng maalala ko na naka-rush ako ngayon.

"Feed me. I'm too busy to hold it." napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. Hinila niya ang isang round chair saka binuksan ang kahon. Nanunuot sa ilong ko ang aroma ng pizza.

Isinubo niya iyon sakin habang ako naman ay tuloy lang sa pag-pindot ng laptop at pagtingin sa mga papel. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko siya sa peripheral vision ko.

"Anong ginagawa mo? Ginagayuma mo yata ako eh." parang binubulungan niya yung pizza at milk tea.

"Ah hehe dinadasalan ko lang."

Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko. "At ano naman ang sinasabi mo diyan?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi ko i-boost nila energy mo para makapag-focus ka diyan." Isa pa 'tong weird. Napabuntong hininga nalang ako but deep inside natutuwa ako. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa laptop.

Nang tignan ko ang relo ko ay agad akong napatayo.

"Shit!" Yung meeting ko! Mabilis akong nag-ayos. Nag-retouch ako ng manipis na make-up.

"Pwede sumama?" Nagpapaalam pa siya eh kahit naman hindi ang isagot ko sasama at sasama siya.

Naglakad na kami papunta sa restaurant at nakita ko doon na naghihintay si Ace.

"Good morning, Mr. Rosales!"

"Good morning!" Nakipag-shake hands ako sa kaniya at nakangiti niyang iminuwestra na umupo na kami.

May ini-abot itong chocolate at flowers sa akin. Ito din ang nagbigay ng chocolate at flowers kay Zashi noong unang punta ko sa bahay niya. Pinakain niya lang 'yon kay Nay Yen.

Hindi ko alam kung ganito lang talaga siya.
Naiilang ako sa mga tingin niya. Hindi ko alam kung dahil lang iyon sa singkit ang mata niya o talagang...hayst nevermind.

Inabot ko sa kaniya ang papel ng dumikit ang palad niya sa likod ng palad ko. Nananadya ba siya? Inabot ko rin ang ballpen at gano'n din ang ginawa niya. Biglang tumayo si Zashi na madilim ang mukha.

Pipirmahan na sana nito ang papel ng kuhanin iyon ni Zashi.

"I'm sorry, Mr. Rosales. The deal is canceled." Masuyo Niyang hinila ang kamay ko palabas ng restaurant.

Nang makasakay kami sa elevator ay niyakap niya ko.

"Sorry...I just hate him for staring at you."  malambing ang tono nito.

"It's fine. Hindi rin ako comfy na maka-trabaho siya."

Nakayakap lang siya sa'kin kahit na may iba pang sumasakay ng elavator. Nakatingin ang mga nito at may naghahampasan pa na parang kinikilig. Hindi lingid sa kaalaman nila na nililigawan niya ako. Lagi kasi silang nakikihati sa chocolate. Nag-suggest pa nga sila na magpatayo ako ng flowershop tutal may sponsor naman ng bulaklak.
 
Inihatid lang niya ako sa office at nag-paalam na aalis na.

"Inaaya ako nila Pau." ani nito.

"Saan?" taas ang kilay na tanong ko. Puro kasi kalokohan ang mga kaibigan niya.

"I don't know." Hindi ako sumagot at dinampot ang phone ko para tawagan si Pau.

Isang ring palang ay sumagot agad ito. Mukhang alam niyang tatawag ako.

"Ate! Nagpaalam na si Zash??" bungad sakin ni Pau.

"Yes, where are you going?" inikot ko ang swivel chair ko para magka-harap kaming dalawa.

"Sa bar—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin  niya dahil isa lang naman ang sagot ko.

"Bawal." baka nakakalimutan nila yung ginawa nila noon.

"HAHAHA! I'm just kidding." tawa ito ng tawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan." Natahimik sila dahil sa sinabi ko.

"Sorry. May fan signing event kasi yung kpop group na pinakahihintay namin. And kasama namin yung mga ipa bang barkada nung college."

"Ahh sige. Basta walang inom inom. Laging nagsusumbong 'to sakin na binubuyo niyo raw." natahimik sila sa kabilang linya. Halatang guilty si Zashi naman ay napakamot lang sa batok niya.

Pinatay ko na ang tawag dahil marami pa 'kong gagawin.

"Come here." Hinawakan ko ang tenga niya at nakapikit na siya para sa pag-pingot ko. Pero syempre hindi 'yon ang gagawin ko.

I kissed her lips. Smack lang syempre, bawal pa yung ano. Hindi ko pa siya sinasagot.

"Ingat ka. Yung bilin ko ah. Wag ka ng uuwi pag lumandi ka." Nakangiti siyang umalis.
Kumaway pa ito bago lumabas ng pinto.

Ako naman ay napailing habang nakangiti saka humarap sa laptop.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now