CHAPTER 58

105 6 0
                                    

Celeste's POV

"Hmm...mmm." mahinang daing ko ng maramdaman ko ang kakaibang sensasyon.

Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil sa sarap na tinatamasa ko ngayon.

"Good morning, Babe!" masiglang bati niya ng mapansin na nagising na ako.

Tinapik tapik ko siya sa braso. "Get up. I'll brush my teeth." pagpapa-alis ko sa kanya na nakapatong sa'kin.

Mabilis siyang tumayo at inalalayan ako papunta sa banyo.

"I have a surprise for you." ani nito habang nakatayo at nakasandal sa lababo.

"Ano yun?" sagot ko kahit na nagtu-tooth brush ako.

"Surprise nga eh. Mamaya na."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Taas ang dalawang kamay na lumabas siya sa banyo dahil hihintayin nalang daw niya ako sa baba para kumain.

Nasa hagdan palang ako ay rinig ko na ang ingay mula sa kusina. Hindi ba wala namang ibang tao dito bukod samin?

Parang pamilyar ang boses nila kaya maingat akong bumaba at pagpasok ko sa kusina ay ganon nalang ang gulat ko.

"D-Dad?"

Napatingin silang lahat sa'kin. Kumunot ang noo ko ng makita ko na sila Lita ang kasama niya.

"My princess!" lumapit ito sa'kin at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.

Si Lita naman ay dumiretso sa island counter saka kinuha ang kutsilyo.

"Bakit nandito sila?"

"Nag-aalala sa'yo ang Mommy mo."

Tumingin ako sa kanya saka ko tinignan si Zashi. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang ito.

Lumapit sa akin si Lita. Hawak pa rin nito ang kutsilyo kaya nakaramdam ako ng kaba.

"C-can you p-please, put it down?" nauutal kong ani.

"Alin ito?" Itinaas pa nito ang kutsilyo na hawak habang palapit sa akin.

"Y-yes."

"Why?"

Lumapit pa ito sa'kin. Humakbang ako paatras at sila ay nakatingin lang sa'kin.

Walang pasabi akong tumakbo. Naramdaman kong nakasunod siya sa'kin pero dahil hinang hina ako ay naabutan niya ako sa hagdan.

"Nooooooooo!" Binigay ko lahat ng lakas ko pero hindi pa rin iyon sapat. Umabot ang kutsilyo sa dibdib ko. Napapikit ako ng dahan dahan niya iyong itarak.

Napaigik  ako sa sakit at bago ako mawalan ng malay. Si Zashi ang huli kong nakita. Nakangiti lang ito sa'kin.

"Celeste! Wake up!"

"Baby!"

"Ate!"

Nagising ako sa sunod sunod na tawag nila sa akin kasabay ng pag-alog ni Dad sa balikat ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang basa ng damit ko dahil sa pawis. Lumingon ako sa paligid at muling tinignan kung mayroon bang bakas ng kutsilyo sa dibdib ko.

"Nananaginip ka." ani ni Dad sa'kin.

Wait!

Panaginip din ba 'to?! Bakit nandito sila???

Hinawakan ko ang pisngi ni Dad saka pinisil iyon.

"Aray! What are you doing?" bakas ang pagka-irita sa mukha ni Dad.

Napatingin ako kay Geno. Nakangiti ito sa akin. Inilipat ko ang kanang kamay ko na nakapisil sa pisngi ni Dad at ang kaliwa ay ibinaba ko.

Inangat ko ang kamay ko saka si sinampal si Geno.

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now