CHAPTER 65

52 5 0
                                    

Celeste's POV

I was staring at the sea, when I heard loud screams. Mabilis akong bumalik sa cottage at gayon na lamang ang takot ko, nabitawan ko pa ang hawak kong drinks.

"Fhey!!!" Malakas kong sigaw. The man wearing a black mask shouted at them, followed by loud gunshots!

"I'm back for revenge!" malakas na sigaw nito na sinundan pa ng mala-demonyong tawa.

Wala rito sila Mama at ang iba pang nakatatanda dahil nais raw nila na magpahinga doon sa hotel. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung paano tumalsik ang dugo sa damit ni Fhey na kulay puti. Tatlong bala ang tumama sa kanya, isa sa braso, isa sa hita, at isa sa tiyan.

Bumalik ako sa ulirat ng tumakbo si Paula palapit sa lalaki dahil nakatutok na ang baril sa isa nilang kaibigan na si Nicole. Bago pa nito maagaw ang baril ay pumutok na ito ng dalawang beses na tumama sa tiyan ni Nicole.

Gamit ang baseball na dinampot ni Paula na ginamit pa nila kanina lang ay hinampas nito ng malakas ang kamay ng lalaki.

"Ahh! You fūcking bïtch! " Mura nito na hawak hawak ang kamay at namimilipit sa sakit.

Muling ini-angat ni Paula ang baseball bat ng bigla itong maglabas ng kutsilyo at nahiwa ang binti ni Paula ng tatlong beses. Nabitawan niya ang baseball bat at napaupo dahil takot siya sa dugo.

Namilog ang mata ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tumayo ang balahibo ko at hindi ako makagalaw.

"No! No! No! D-demønyo! Demônyo ka!" Nagpapanic ito habang sinusubukang salatin ang sugat na natamo niya.

"Pakielamera! Gusto mo talagang mauna?!" Muli nitong nahiwa ang magkabilang braso ni Paula, mas lalong lumakas ang hiyawan sa paligid at walang nagtangkang lumapit.

Napagawi ang tingin ko sa anak ni Fhey na tumatakbo patungo kay Fhey na nakahandusay. Dadaan ito sa likod ng lalaki kaya mabilis akong tumakbo. Mabuti na lamang at dumating ang asawa ni Fhey. Dinampot nito ang baseball bat para hampasin ang lalaki pero bago pa nito magawa iyon ay naisaksak na ang kutsilyo sa tiyan ni Paula.

"Paula!!!" Hindi ako makalapit sa kanila, agad kong binuhat ang bata at tumakbo sa gilid. Wala akong magawa para tulungan sila dahil sa takot ko.

Hinampas ulit ng asawa ni Fhey ang lalaki sa likod dahilan para mapaluhod ito at mapaigik sa sakit. Wala na itong hawak na kutsilyo pero sa kasamang palad ay naagaw nito ang baseball bat at naihampas sa tuhod ng asawa ni Fhey.

Hindi!

Napaupo ang asawa ni Fhey na hawak hawak ang binti niya. Umupo ang lalaki at itinukod ang baseball bat habang mala-demonyong tumatawa.

"Do you know me?" maarteng ani nito bago hubarin ang mask na suot.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang hitsura nito.

Mack?!

"Where's Zashini and Celeste?" Nilibot ni Mack ang mata niya hanggang sa mapagawi ang tingin sa akin. "Where's your id!ot girlfriend?"

Hindi ako sumagot at nanatiling yakap ang anak ni Fhey na umiiyak.

"I want her to witness kung paano ko kayo isa isahin." Hinila nito ang baseball bat na kumakalahig sa mga buhangin at paikot ikot habang hinahanap si Zashi.

"Zashi, kung ako sa'yo lumabas ka na!" Naghintay pa ito ng ilang segundo at ng mapuno ay
buong lakas na ini-angat ang baseball bat para hampasin ang ulo ng asawa ni Fhey pero hindi siya nagtagumpay.

Sunod sunod na putok ang nagmula sa 'di kalayuan. Tinakpan ko ang tainga ng anak ni Fhey dahil doon. Hindi ko mabilang kung ilang bala ang tumama kay Mack, bigla nalang itong humandusay sa sahig at naliligo sa sarili niya dugo

"Anak!" tumakbo sa akin palapit si Mama at Dad  na kakarating pa lamang. "Anong nangyari?!"

Imbes na sumagot ay ibinigay ko kay Geno ang bata at tinakbo ang pagitan namin ni Paula. Si Fhey ay hawak hawak ng kanyang asawa na bakas din ang takot sa mukha.

"P-Paula. P-Paula kumapit ka." Tumingin ako kay Dad at  malabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang humaharang sa mata ko. "Dad! Let's take them to the hospital!" kaagad na tumalima si Dad para kuhanin ang kotse.

Pinuntahan ni Mama si Nicole at tinapalan ang sugat nito na patuloy na dumudugo. Gayundin ang asawa ni Fhey. Palipat lipat ako ng tingin at hindi ako mapakali hanggang sa dumating ang kotse. Sa kasamang palad ay hindi namin pwedeng basta nalang isakay si Paula doon dahil nakatusok pa rin sa kanya ang kutsilyo.

"Ano ba?! Napakatagal ng ambulansya! Mamamatay na yung kaibigan ko, wala pa rin?!" Sampong minuto na kaming naghihintay rito at mas lalong uminit ang ulo ko dahil nakatayo lang ang mga pulis.

"Geno! Ihanda mo yung yung kotse!" Hindi ito gumalaw dahil sinabihan na kami na huwag galawin si Paula. "Right now!"

Tatakbo na sana si Geno pero tinawag ko ito ulit. "Take off your shirt! Bilis!" Hindi na ito nag-tanong pa at binigay sa akin saka mabilis na tumakbo.

Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang kutsilyo. Oh, jusko! Huwag mo kaming pabayaan.

Pumikit ako at hinugot ang kutsilyo sa paraan na hindi ito gagawa ng malaking sugat sa tiyan ni Paula. Mabilis kong tinakpan ang sugat niya gamit ang damit ni Geno, para hindi ito maubusan ng dugo.

Mabilis itong binuhat ni Geno na kababalik lang. Nauna akong sumakay sa kotse, nakahiga ang ulo ni Paula sa hita ko habang hawak hawak ko ang damit na nakatapal sa sugat niya.

Kinapa ko ang phone sa bulsa ko at sinubukang tawagan si Zashi pero hindi ito nagriring. Malamang ay walang signal doon sa pinuntahan niya kaya nag-iwan nalang ako ng mensahe.

'Pumunta ka sa Guevilla's hospital. Isinugod namin si Fhey, Nicole, at Paula!"

Nang masend ito ay inilapag ko ang phone at habang nasa byahe ay walang tigil akong nagdarasal para iligtas sila ng poong maykapal. Malapit na kami sa hospital nang may marinig akong tumunog.

"Geno, is that your phone?!" sigaw ko.

"No!" Sigaw nito pabalik dahil hindi kami magkarinigan sa bilis ng takbo ng sasakyan.

Hinanap ko kung saan ito nanggagaling at nakita ko ang isang phone sa likod ng upuan na may nakatagong zipper sa gilid. Mabilis ko itong sinagot kahit walang ID number.

"Zashini?! Oh my god! I've been calling you several times. Forgive me, Zashini, you're Uncle, he's not in the dungeon. Hindi namin alam kung sino ang tumulong sa kanya."

Huminto na ang sasakyan pero nawalan ako ng  imik.

"Zashini?" Naihulog ko ang phone, hindi ko namalayan na naibaba na si Paula at naipasok sa loob.

"Ate?!"

"S-si Paula?"

"She's inside now. I've been calling you for five times but you look like drowning in your own thoughts."

Hindi ako sumagot at bumaba nalang ng sasakyan. Sabay sabay ang pumapasok sa utak ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.

Evren called Zashini and told her that Mack is gone? How did that happen when Mack is dead four months ago?

Ang daming tanong sa isip ko pero isa lang ang alam ko, Zashi is involved ...

Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Where stories live. Discover now