i

1.1K 17 1
                                    

Kinuha ko na ang maleta ko at iba ko pang mga kagamitan at tuluyang bumaba.

"anak‚ kailangan mo ba talagang umalis?" tanong sa akin ni mama‚ kitang kita sa kaniya ang lungkot lalo na sa mga mata niya.

lumapit ako dito at ‘tsaka siya niyakap. "ma‚ kailangan po e. kung hindi ako magta-trabaho saan tayo kukuha ng pera para sa mga gamot at check-up mo" singhal ko rito bago siya halikan "oh siya sige ma‚ mauuna na ako baka ma-late po ako"

"anak" akmang aalis na sana ako ngunit tinawag ako ni mama kaya nilingon ko ito saglit. "mag-iingat ka‚ iloveyou"

tinignan ko ang oras at 6:45 na huminga ako ng malalim‚ nako po male-late ako nito. Dali dali na akong sumakay ng bus.

Ilang minuto ang nakalipas ay narito na kami sa maynila. Ang laki at ang ganda pala talaga dito.

Nilibot ko ang aking mga mata at nahagip ko ang lalaking naglalakad patungo sa akin‚ naka suot ito ng pang driver. Siguro ay siya ang magmamaneho sa akin patungo sa bahay ng amo ko‚ oo tama!

"hi ma'am kayo po ba si Yshanicka Dela Cruz?" aniya ni manong.

Tumango tango na lamang ako sa kaniya dahil nahihiya rin ako. "ako nga po pala si Joseph‚ tawagin mo nalang akong manong jose" tumango ulit ako rito.

"tara ma'am doon po naka park ang sasakyan‚ baka hinihintay napo kayo duon" dagdag ni manong Jose.

"hay nako manong‚ Ishan nalang po" ani ko sa kaniya at ngumiti naman ito.

Binuhat ni manong Jose ang mga gamit ko at nilagay sa likod ng kotse‚ ito naman ako nasa loob naka-upo na. Mayaman siguro talaga itong amo ko ano‚ ang gara ba naman ng sasakyan e.

Nagsimula ng magmaneho si manong Jose‚ napahikab ako, ano ba 'yan ishaaannn inaantok ka na naman.

Tinapik ko si manong Jose "manong‚ gisingin mo na lang ako kapag nandon na tayo‚ iidlip lang ako saglit ah?" ngumiti siya. "osige 'shan"

Pagkasabing pagkasabi ni manong Jose roon ay agad na akong umidlip‚ ewan ko rin kung bakit pagod ako. Wala pa nga ako doon sa pagta-trabahuan ko pagod na agad ako hay nako ishan.

Nagising na lamang ako ng sumigaw si manong Jose‚ ano ba 'yan ang sakit sa tainga. Napamulat na lang ako ng maalala kong magta-trabaho pa pala ako. "baba na ishan‚ five minutes late kana." sabi ni manong Jose. Agad agad naman akong lumabas sa kotse at natatarantang inayos ang sarili.

Pagka-baba ko ay ini-guide ako ng isang yaya‚ Laurin daw ang pangalan‚ medyo may edad na rin ito.

Nasa front door na kami at kinakabahan ako, nag inhale exhale muna ako ng biglang hinawakan ako ni manang Laurin. "huwag kang kabahan Yshanickamababait naman sila ma'am at sir" aniya.

Binuksan na ni manang Laurin ang pintuan at dumaretso kami sa kusina kita ko doon ang magpapamilya na kumakain.

"excuse me ma'am/sir‚ goodmorning po. Nandito na si Yshanicka" singit ni manang Laurin sa kanila at agad naman silang tumingin sa gawi namin‚ apat sila.

Ang mag-asawang Octiviano at ang dalawa nilang anak‚ ang pangalan daw ng bunsong anak nila ay si ma'am Cassandra. Sabi sa akin ni manang Laurin kanina. At ang panganay naman ay hindi ko alam aba.

Pumukaw sa paningin ko ang isang lalaki na nasa pinaka gilid ng hapag kainan‚ hindi ito nakatingin sa amin ngumit kitang kita ang kaniyang kaguwapuhan. Mga mata niyang kulay asul‚ matatangos na ilong‚ mapupulang labi‚ at- "Yshanicka!!" nagising ako sa reyalidad at binaling ang tingin kay manang Laurin na kanina pa raw pala ako sinisigawan. "introduce your self ija" saad ni ma'am‚ ano na ngaba ulit pangalan nitong amo ko‚ hayyst.

Ah si ma'am Andrea.

"Goodmorning po ma'am at sir‚ ako po si Yshanicka Dela Cruz‚ ikinagagalak kopo kayong makilala"

Nagtagpo ang mata namin ng lalaking nasa gilid‚ ang lamig ng mga tingin nito. Lord kakayanin ko ba ito? huhu. "halika na muna dito ija at manang Laurin‚ samahan niyo kami sa pagkain."

Huling sambit ni ma'am Andrea habang ako ay kinakabahan sa lalaking ito jusko. Pero infairness‚ ang bait ng mga amo ko siss.

Nagising ako sa malakas na katok sa aking pintuan‚ tumayo ako at agad itong binuksan. Iniluwa kaagad ang mukha ni manang Laurin. "oh eto damit mo‚ mag bihis kana doon at ihahanda na natin ang umagahan nila ma'am" tumango ako rito at agad na isinara ang pinto. arrhghhh umagang umagaaa.

Dumaretso ako sa kama ko at naupo saglit. Doon na rin ako nagpalit dahil ako lang naman ang tao rito sa kwarto. Pagkatapos ay bumaba na ako at tinulungan si manang sa pagluluto.

"manang‚ a cup of milk please" rinig kong saad ni ma'am Cassandra. "Yshanickatimplahan mo si ma'am ng gatas at hindi pa ako tapos dito sa ginagawa ko" ani ni manang.

Agad akong nagtimpla ng gatas‚ sure akong masarap ito kasi tinimpla ko with love ehe. "manang dalhin ko lang ito kay ma'am Cassandra" paalam ko kay manang. Tanging tango lang naman ang sagot nito. Nandito na ako sa sala ng makita kong nandoon nadin pala si sir- hindi ko alam ang pangalan.

"ma'am Cassandra‚ eto napo 'yung gatas niyo"

"salamat‚ cassy nalang."

Aalis na sana ako ngunit biglang nagsalita si sir ah basta hindi ko alam ang pangalan niya!

"coffee please." malamig niyang saad.

Jusmeyo pinaglihi ata ito sa ice e. Ka'y lamig. Tiningnan ko muna ito‚ namula ang mga pisngi ko dahil nakatingin
din pala ito. Gosh ishan!

"what?" saad niya. "w-wala po‚ your c-coffee is coming!" utal kong saad at tumakbo na sa kusina. Nakakahiya hoy! natutunaw ako sa malalamig niyang titig jusko!

Nakita ako ni manang na tumatakbo at kita sa mukha niya ang pagtataka. Binaling na lamang niya ang atensyon sa pag luluto, nagtimpla na rin ako ng kape ni sir.

"kapag ba ininom ito ni sir hindi na siya malamig tsk" mahinang tugon ko. "may sinasabi kaba riyan Yshanicka?" giit ni manang "ay wala po manang sabi ko dadalhin kona ito kay sir hehe" ngumiti ako kay manang bago dalhin ang kape kay sir.

"here's your coffee sir-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya‚ hayst.

"Gavin" malamig niyang sabi. "just put the coffee on the table then you may go."

Ibinaba ko ang kape at agad ng tumalikod sa kanila. Akala mo kung sino‚ ang lamig na nga tumingin‚ malamig pa magsalita tsk nye nye.

Maangas naman ang pangalan‚ Gavin.

Gavin Octiviano‚ cool.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now