xx

616 12 0
                                    

“oh, nakabalik ka na pala ishan” saad ni ma’am Andrea na kauuwi lang. gayon din si ma’am Cassy

“opo ma’am”

nagtungo na si ma’am Cassy sa kwarto niya, si ma’am Andrea naman umupo muna sa sofa.

dalawang araw na din akong nakabalik dito, medyo umayos na din ang lagay ko.

umiiwas padin ako kay sir Gavin, ngunit hindi maiwasan na magkatitigan kaming dalawa ni sir Gavin.

hanggang kailan kaya ito.

“ishan, may naghahanap sa’yo” sigaw ni manong Jose.

sabay kaming napalingon ni Gavin kay manong Jose, sino naman kaya iyon?

pagkalabas ko ng gate ay nakita ko kaagad ang mukhang unggoy na mukha ni Jared.

niyakap ako nito.

“uy bff, miss mo na agad ako?” ani ko sa kaniya sabay tawa ng malakas

“kapal mo naman ms. Yshanicka, ichecheck lang kita” pagtataray nito saakin.

“ija, papasukin mona muna siya” sigaw saakin ni ma’am Andrea.

nilingon ko ito at tumango nalang.

hinabol ko si Jared na nandoon na sa pintuan, nauna pang pumasok sa akin!

“bilis mo naman, hindi naghihintay” saad ko sa kaniya

tumawa naman ito. “bagal mo kasi”

“loko” sabay palo ko sa balikat niya.

pagkalingon ko sa sofa ay nakatingin pala saamin si sir Gavin, nandidilim ang paningin nito.

at dahil maganda ako, nakaisip ako ng kalokohan!

kung talagang may gusto siya saakin dapat ay magseselos din siya, kaya kumapit ako sa kamay ni Jared at tinitigan ito.

umupo kami sa harapan ni Gavin, asa ka!

tumingin ako kay Jared. “timpla lang ako ng kape para sa'yo”

ngumiti naman ito. “naks, ang sweet naman ng Shan shan ko” saad niya sabay tawa.

tumayo ako at binatukan ito.

“kahit kailan ka talaga!” tanging tawa lang si Jared.

umalis na ako doon at nagtungo sa kusina, tinimplahan kona siya ng kape.

papabalik na ako sa sala, si Gavin nakatitig kay Jared, noong nakita niya ako ay ibinaling niya ang tingin saakin.

manigas ka diyan Gavin!

umupo na ako sa tabi ni Gavin na nagse-cellphone. “oh ito na”

ngumiti lang naman ito.

umakbay saakin si Jared, nakatingin lang naman saamin si Gavin.

ilang saglit pa ay nagpaalam na si Jared.

“Shanshan ko, mauna na ako. kailangan ako ni Jacob”

tumango ako sa kaniya, sinabayan ko ito sa pagtayo.
niyakap muna ako, bago umalis.

kumaway na ako dito.

nakatingin saakin si Gavin, wala padin itong imik. pumunta na ako sa kwarto ko para maligo, maggagabi na din.

pagkatapos kumain ay nagpunta na sila ma’am Andrea at ma’am Cassy sa kwarto nila, except kay sir Gavin. wala siya kanina sa hapag kainan.

pipikit na sana ako kaso may kumatok sa pintuan ko.

binuksan ko ito at bumungad saakin si manang, may dala itong pagkain. tapos naman na akong kumain ah?

“bakit po manang? kanino iyan? tapos napo ako kumain”

“kay Gavin, gusto niyang ikaw ang magdala sa kaniya.”

ano?

“pero manang”

“sige na ishan, kaya mo ‘yan” singhal ni manang.

kinuha ko ang tray na may pagkain ni sir Gavin, huminga ako nang malalim bago maglakad.

umakyat na ako sa third floor, inaantok na iyung tao eh.

kumatok ako dito. “pasok”

pumasok ako at inilapag ang pagkain niya sa mesa, aalis na sana ako ngunit bigla itong nagsalita.

“saan ka pupunta? pinaalis naba kita?”

nakakakaba. “bakit po? may ipapagawa pa po ba kayo?” saad ko.

hindi naman ito umimik kaya nagsalita ulit ako, nakatalikod padin ako sa kaniya.

“kung wala na po, mauuna na ako sir-”

nagulat na lamang ako dahil niyakap niya ako.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now