xviii

617 13 0
                                    

nagluluto ako ng tanghalian namin, wala padin si Gavin. alas diyes na.

“Kaella, saan ba nagpunta si Gavin? alas dyes na oh” sigaw ko kay kaella.

hindi ito sumagot, umalis din ata.

nagulat ako nang biglang may kamay na pumulupot sa baywang ko.

“why are you looking at me” bulong nito sa tainga ko.

tinanggal ko ang mga kamay nito.

“gusto mo nadin ba ako Ishan?” tanong ni Gavin.

“a-ano, kapal mo! magbihis kana at kakain na.” bulyaw ko sa kaniya bago tuluyang iniwan siya. may pa matching flying kiss pa ito sa akin jusko!

tinawag kona si kaella para kumain.

tahimik lang kaming kumakaing tatlo.
“kuya Gavin‚ kailan mo balak ligawan si ate?” pagbasag ng katahimikan ni Kaella.

halos ma bulunan ako sa tanong niya. “anong klaseng tanong ‘yan kaella!” inis kong sigaw.

“chill ate, nagtatanong lang eh, at saka. bagay kaya kayo noh!”

nagkatitigan kami ni Gavin bago ito sumagot.

“actually, gusto ko ang ate mo. kaso hindi ata ako ang tipo niya eh. sayang naman ka-guwapuhan ko”

hangin no’n ah.

“uys‚ biglang humangin ah” saad ko dito
tumawa naman si kaella

“ayon naman pala ate eh, bakit kapa aayaw sa isang Gavin? ang guwapo nga niya eh.” si kaella.

“oh see? miski si kaella kitang kita ang ka-guwapuhan ko, ikaw pa kaya”

tumawa sila at nag-apir pa.

nakakainis!

“ah ganon ba?” malamig kong sabi na nagpatigil sa kanila sa pag tawa.

tumayo ako't tumalikod sa kanila.

guwapo ka pala eh, edi sana si kaella nalang ang ligawan mo” huling salita ko bago ko sila iwang dalawa.

hindi ko alam kung anong nangyari saakin. kakakilala palang nila ng kapatid ko pero close na sila haha.

gusto ko naba si Gavin? bakit ganoon. nasaktan ako kanina. ang sweet nila!

pero, sa tingin ko mas mabuti kung huwag ko nalang siyang gustuhin.

hindi na ulit ako lumabas ng kwarto, nakakahiya ‘yung ginawa ko kanina. sana naman hindi sila mag isip ng masama dahil doon.

tiningnan ko ang cellphone ko, hapon na pala. naisipan ko nang lumabas.

kinakabahan ako.

nakita ko sila Kaella at Gavin na nakaupo, nagku-kuwentuhan.

oh, ’diba! ang sweet nila.

naku, ishan. pati kapatid mo pinagseselosan mo!

tumingin sila saakin ngunit umiwas agad ako ng tingin.

“ate”
“Ishan”

sambit nilang dalawa ngunit nilagpasan ko lang ang mga ito, hindi kaya ng puso kong makita sila. lalo na't kapatid ko pa!

chinat ko si Jared na pumunta dito, kaya nasa labas ako't hinihintay siya.

“bulaga”

isip bata amp.

“hindi ako nagulat Jared.” sabi ko sa kaniya at tiningnan siya ng masama.

“ay hindi ka na shock? sayang shockin kana sana” saad niya sabay tawa

“loko ka talaga” tumawa din ako.

“tara libot libot tayo” pag aaya ko sa kaniya. pumayag naman ito.

“Jared pwede mo ba akong ihatid sa maynila bukas?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.

tumingin siya sa'kin. “oo naman, anong oras ba?”

“6 am”

tumango naman ito.

maggagabi na, hinatid na ako nito sa bahay. hindi na din ako kumain, dumaretso na ako sa kwarto. ayaw ko silang makita!

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now