xxiii

608 14 0
                                    

hindi padin ako makapaniwala kay Gavin. pinaglalaruan lang pala nito ang damdamin ko. ang sama mo Gavin.

ilang araw akong hindi maka-focus sa trabaho ko, kasalanan mo ito Gavin.

ilang araw ko na ding iniiwasan si Gavin, hindi ko kaya. alam kong nahahalata niya din ang pag iwas ko dito, sa tingin ko ay tama lang naman ang desisyon kong iwasan siya!

“Ishan sabihin mo nalang kay mommy na pupunta ako sa company” tinapik ni ma’am Cassy ang balikat ko.

tumango naman ako dito. “osige po ma’am”

busy kami ngayong araw, nililinis namin ang buong bahay. birthday daw kasi ni sir Justine sa susunod na linggo.

umupo muna ako sa sofa, pagod na din ako. kanina pa kami naglilinis ni manang. si manong Jose naman ayon, hinatid na si ma’am Cassy.

iniisip ko padin si Diann. kahit anong gawin kong pag iwas kay Gavin, hindi ko talaga siya kayang hindi mahalin.

kayo ba, willing ba kayong mag let go sa taong minamahal niyo? para saakin ang hirap.

pero kapag kailangan talaga, gagawin ko.

nagulat nalang ako nang may tumabi saakin sa sofa, multo ata.

“Yshanicka”

si Gavin.

si mr. Gavin the heart breaker lang pala.

lumingon ako dito, kahit kinakabahan ako. itinaas ko lamang ang dalawa kong kilay sa kaniya nangangahulugang ano iyon.

“tungkol sa mga nagawa o nasabi ko sa’yo, at sa naki-”

hindi kona siya pinatuloy pa, ayaw kong maiyak sa harapan niya. baka sabihin niyang ang hina ko!

“ah wala ‘yon, alam ko naman na Gavin. hindi mona kailangang sabihin.” ngumiti ako dito at tumayo.

“mauuna na ako, madami pa kaming gagawin.” dagdag ko

tinalikuran ko na siya't pumunta sa labas, narinig kopa itong tinawag ako pero hindi kona siya nilingon.

ano naman ang ipapaliwanag niya? na ginamit niya lang ako, na katawan lang ang gusto niya saakin? hindi porket mahirap lang kami, Gavin. minsan ay nandidiri ako sa sarili ko, isang babaeng nagpaloko at nagpabulag sa pag-ibig.

si Gavin ang nakauna saakin.

nalulungkot ako kapag naiisip kong siya ang nakakuha ng virginity ko.

kung alam ko lang noon ang mga ginagawa saakin ni Gavin, hindi ko sana siya pinayagang hawakan ang katawan ko.

pero huli na.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now