iii

807 15 0
                                    

“Yshanicka‚ pinapatawag ka ni sir Gavin” si manong Jose naman ang sumigaw saakin dahil nasa labas ako‚ nagdidilig ng halaman.

Alas singko na ah‚ ano na naman kaya ang ipapagawa no’n!

Dali dali akong nagtungo sa kwarto ni sir Gavin‚ kinakabahan ako. Naka- ilang katok na ako rito bago niya buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni sir Gavin.

“done staring?” malamig na boses ang nag-balik sa akin sa reyalidad.

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. “may ipapagawa po ba kayo sir?” kalmadong saad ko‚ kunwari maangas tayo mga beshy ko.

Tinitigan niya ako bago siya magsalita. “come in”

Kabado man ngunit pumasok pa rin ako sa kwarto niya‚ malinis ito. Nakita ko ang litratong nasa picture frame sa tabi ng kama niya i mean‚ sa table. Lumapit ako rito at hinawakan ang picture frame.

Si sir Gavin iyon at... si sir Gavin na kasama ang isang napakagandang babae. Mapupula ang labi nito na nakayakap kay sir Gavin. May girlfriend na pala ang beshy niyo.

Sayang. Luh! erase erase.

May mga yapak akong narinig at tiyak kong si sir Gavin iyon kaya agad kong ibinaba ang picture na hawak hawak ko. Malamig na boses pa rin ang narinig kong mula sa kaniya. “she’s Diann”

ah‚ Diann.

“girlfriend mo po sir? ang ganda ganda niya! sana ganiyan rin ako kaganda” walang reaksyon kong tugon.

“tsk‚ mas maganda ka.”

Napatingin ako kay sir na ngayon ay nakaupo na sa kama niya. “may sinasabi ka sir?”

“ah wala. sabi ko ex ko iyan at hindi ko siya girlfriend.”

“sabihin mo kay manang na maghanda kayo ng mga alak mamaya‚ it’s better if Alfonso. my friends are coming tonight‚ bring the wines before 6 pm at the pool‚ got it?” dagdag niya.

Tumango tango na lang ako rito at nagpaalam na upang maihanda ko ang mga inumin nila mamaya.

I was in the stairs and I can't remove on my mind ‘yung litrato kanina, hindi ko gusto si sir Gavin ha.

I was confused lang, bakit kaya sila naghiwalay? or baka siya ‘yung dahilan kung bakit ganoon kalamig si sir Gavin ngayon

“manang—” pagtatawag ko kay manang Laurin sa kusina

Lumabas naman si manang Laurin na may dala dalang mga inumin, sasabihin ko pa lang sana pero ang advanced niya.

“kunin mo na 'yung mga natira sa table, sinabi na sa akin ni Gavin” aniya ‘tsaka nilagpasan ako

Nadala na namin ang mga inumin sa pool‚ eksakto namang nandiyan na ang mga kaibigan ni sir Gavin.

Tatlong lalaki at dalawang babae.

Masaya sila habang ako naman ay nag seserve ng mga pulutan nila.

Ilang minuto na rin ang nakalipas at halatang lasing na ang iba sa kanila.

Dala dala ko ang barbeque na request ni sir Gavin, malapit na ako sa kanila nang magtama na naman ang mga mata namin ni sir Gavin. Umiwas ako sa mga tingin nito‚ mga tingin na parang lalamunin ako at ibinaba na lamang ang barbeque.

Pagkababa ko ay may tumawag sa akin‚ si mama. Nagpaalam muna ako saglit kay sir Gavin at pumunta sa lugar na malayo sa kanila sir.

“hello ma? bakit po?”

“anak‚ miss na miss kana namin”

“hi ate‚ kumusta ka riyan? mababait ba ang mga amo mo? sabihin mo kapag hindi‚ resbakan natin.”

Singit ng kapatid ko.

Yes, may kapatid ako. Hindi naman magkalayo ang edad naming dalawa.

“hay nako Kaella‚ mabait sila ano. si sir Gavin lang ang parang hindi.”

“huh? paano mo naman nasabi ate?”

“wala ang lamig niya kasi” saad ko dito.

Tumawa lang naman si Kaella.

“anak‚ ano kasi” si mama.

“ano ma? may problema ba?” pag-aalalang tanong ko.

“anak kulang ‘yung perang pinadala mo‚ kasya lang sa pang bili ng gamot ko‚ madaming babayaran sa school ng kapatid mo nak” ani mama.

Naluha ako saglit. Paano ngayon ito? sa susunod na buwan palang ako mag su-suweldo ah.

“ma‚ sa susunod na buwan pa po ang next na sahod ko‚ pero huwag kang mag-alala ma. Gagawan kopo ng p-paraan ha?” banggit ko rito at tuluyang bumagsak ang mga luha.

“Yshanicka” rinig ko ang boses ni sir Gavin sa likod ko

“anak umiiyak kaba?” tanong ni mama sa kabilang linya.

“hindi po ma‚ sige na po hinahanap na ako ng amo ko”

Pinunasan ko ang luha ko bago bumaling ng tingin kay sir Gavin na tila ba walang nangyari “sir‚ may kailangan ka po?”

“are you crying?” saad nito sa soft voice.

Himala sir. Hindi ka cold ngayon. Meron ka pa lang side na ganiyan, mas bagay sa iyo ang soft side, Gavin.

“a-ah hindi po” pagsisinungaling ko sa kaniya kasi nahihiya ako.

Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ko ngayon.

“don’t worry‚ bukas sasama ka sa akin. ako na ang magbabayad ng mga gastusin ng kapatid mo. pati na rin ng mga gamot ng nanay mo.” tugon niya nang walang pag-aalinlangan

Nagulat ako sa sinabi nito. “s-sir hindi na po—”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya. “‘wag nang tumanggi Yshanicka‚ ako na nag aalok oh”

Wala na akong nagawa‚ dahil kailangan na kailangan namin iyon ay tinanggap ko nalang din. Lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito

“sir Gavin‚ maraming maraming salamat po!”
mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko dahil sa tuwa.

G-Gavin na lang” aniya‚ at kumalas sa pagkakayakap ko at bumalik siya sa pool ‘tsaka tumungga ng isang alak.

“sorry sir— este Gavin! nadala lang ng emosyon!” sigaw ko rito at ngumiti lang siya.

Naski ako ay nagtaka sa inasta ko kanina, siguro ay dahil lamang sa tuwa kaya ko iyon nagawa.

Mabuti na lang at may mabait na puso rin si sir Gavin, kung hindi ay hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera para kila mama at kay Kaella.

Wala pa naman akong kilala o ka-close man lang dito sa maynila, simula kasi nung namatay si papa ay wala na kaming masiyadong malapitan dahil tila itinaboy na nila kami, hindi rin kasi nila gusto si mama.

“maraming salamat, panginoon” ani ko at bumalik na sa pool

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now