xix

610 11 0
                                    

maaga akong nagising, sila Kaella at Gavin ay hindi pa. nauna na akong lumabas dala dala ang mga gamit ko pabalik sa maynila.

mauuna na ako kay Gavin, marunong naman siyang bumiyahe mag isa, hindi kana bata Gavin.

pagkalabas ko ay nandoon na pala si Jared.

“Shan, tara na?” tanong nito saka pinagbuksan ako.
tumango lang ako dito.

nasa kalagitnaan kami ng biyahe nung magtanong ito.

“paano si Gavin? ’diba boss mo iyun?”

napatingin ako dito, Gavin Gavin Gavin! ayaw kong marinig ang pangalan na iyan!

ngumiti ako kay Jared. “hindi na siya bata”

nag ring ang telepono ko, si Kaella.

hindi ko sinagot ang tawag nito, pinabayaan ko muna. kailangan ko pa ng time para maka get over!

tumingin ako sa bintana ng sasakyan at huminga ng malalim. ineenjoy ko ang view sa labas ngunit tumunog muli ang telepono ko.

si Kaella, nag text.

“ate, saan ka?”

nireplyan ko nalang ito, baka kasi mag-alala saakin.

“otw sa maynila.”

nakarating na kami dito sa mansion, pinagbuksan ako ni Jared saka niya ibinaba ang mga gamit ko.

“andito na tayo”

“dito ka pala nag ta-trabaho” tumango ako dito.

huminga siya ng malalim bago magsalitang muli.

“bayaan mo, kapag may oras ako. dadalawin kita dito” saad nito at ngumiti

tumingin ako sa kaniya. “naku Jared, hindi naman na kailangan”

tumawa ito. “as your bff, gusto ko ding masiguro kung safe kalang ba dito ano” tugon niya at tinarayan ako.

itong lalaking ito!!!!

hinawakan ko ang mga balikat nito. “sige na Jared, maraming salamat sa paghatid saakin ha? punta ka nalang dito kung gusto mo”

niyakap ako nito at ginulo ang buhok ko.

“sige, una na ako”

sumakay na si Jared sa kotse niya, kumaway muna ito saakin bago siya tuluyang umalis. kumaway din ako sa kaniya pabalik.

pagpasok ko sa gate ng mansion ay wala si manong Jose, abalang abala talaga sila sa opisina. lalo na si sir Justine.

nag doorbell ako dito, agad namang bumukas ang pintuan. bumungad saakin si manang Laurin, kasama ang masayang pag ngiti nito sabay yakap saakin.

“nakabalik na ako manang” ani ko

“pasensya na ija, hindi ako nakapunta. madaming ginagawa dito eh”

kumalas ako sa pagkakayakap ni manang at hinawakan ko ang balikat niya. “ayos lang po manang.” ngumiti naman ito

dinala ko muna ang mga gamit ko sa kwarto bago bumaba at tinulungan si manang.

nagpupunas kami ng baso ngayon.

“Ishan, nasaan na si Gavin?” tanong ni manang kaya napatingin ako dito.

nakapag isip isip ako na sabihin ko kay manang ang mga nangyayari saamin ni sir Gavin. baka sakaling kapag sinabi ko sa kaniya, gagaan ang loob ko.

“ah manang, may sasabihin po sana ako”

“ano iyun shan?”

lumapit ako kay manang Laurin, tinignan ko muna kung may mga tao sa paligid namin, buti nalang at wala.

“walang tao dito ija, nasa opisina sila” sabi ni manang at tumawa.

“manang, si sir Gavin po kasi”

nagtaka naman ito.

“nauna napo akong bumalik dito kasi ayaw kopo silang makita ng kapatid ko, manang gusto ko napo si sir Gavin, pero naisip kong mas mabuti kung itigil ko itong nararamdaman ko sa kaniya”

nagulat ata si manang sa sinabi ko. “manang favor po sana”

tumikhim naman si manang

“puwede po bang kapag may i uutos o ipapagawa si sir Gavin kayo po muna ang gumawa?”

hinawakan ni manang ang likod ko. “sige ishan”

ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko ito.

“salamat manang”

“i want coffee”

bulyaw ng nasa pintuan, sa likuran namin. agad kong binitawan ang kamay ko mula sa pagkakayakap kay manang at tumingin kami kung sino ang nasa pintuan.

si Gavin.

nagkatitigan kami ni Gavin ngunit umiwas ako ng tingin, ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa ko.

paano kapag narinig niya kami ni manang kanina.

“kanina ka pa ba diyan sir Gav?” tanong ni manang sa kaniya, umiling naman ito. “kadadating ko lang.”

“ishan ikaw na muna diyan, timplahan ko lang si sir ng kape” ani manang saakin, tumango naman ako dito.

buti nalang at nasa kusina kaming dalawa ni manang.

nakita kong umalis na si Gavin patungo sa sofa, nanonood ito.

“i'm sorry Gavin, mali talaga ang mapa-ibig ako sa'yo”

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now