ii

848 13 0
                                    

Linggo ngayon at day off ng mga katulong dito‚ si sir Justine‚ asawa ni ma’am Andrea ay nasa opisina. Ang mag iina naman ay pupunta raw sa simbahan.

Cool‚ nagsisimba rin pala ang mokong na iyon, akalain mo, sa sobrang cold niya tumingin at magsalita ay nagsisimba pala siya!

Kami lang ang naiwan rito nila manang kaya malaya kaming gawin ang nais naming gawin, pero huwag lang ang masama at baka malagot kami nito.

Nakita ko si manang na nasa sofa‚ pinuntahan ko ito para mag tanong tanong na rin. Total kami lang naman ang naririto.

“manang” ani ko sa kaniya sabay upo ko sa kabilang sofa

“oh Yshanicka‚ bakit?” si manang

Tumingin ako kay manang na ngayon ay nakatingin na rin sa akin “manang ilang buwan o taon na kayo rito?” tanong ko sa kaniya

“matagal na ako dito ija‚ mula nung bata pa lamang si ma’am Cassandra. siguro mga nasa labing walong taon na rin‚ kasi 19 na si Cassy” walang alinlangang tugon ni manang

kung gayon ay matagal na pala siya rito.

“manang‚ bakit po napaka lamig magsalita ni sir Gavin?” tanong ko ulit

hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong sa kaniya, para bang nadulas ang bibig ko sa part na 'yon.

huminga si manang bago nagsalita. “ganoon talaga si Gavin‚ pero kung magmahal iyan ay wagas.”

“gusto mo siya ano? kaya mo tinatanong. mag iingat ka riyan‚ lalo na’t madami nang napa-iyak na babae ‘yang si Gavin. iyung iba nga ginagawa niya lang na laruan‚ may time pa noon na kada gabi ay may dala siyang babae” dagdag ni manang

Ay, wala po akong pakealam sa kaniya manang, si Gavin magugustuhan ko? imposible! ang lamig lamig kaya no'n

Pero hindi naman na kataka-taka. sa pagmumukha pa lang ni sir Gavin ay tiyak na madami nang magkakagusto rito. Except saakin. Neverrrr! kasi naman ‘diba? ang lamig lamig ng tingin sa akin at ang lamig niya rin kayang magsalita. Pero sabi ni manang gano‘n lang daw si sir Gav— ah basta‚ hindi ko siya gusto! hindi!

Pagkatapos naming mag-kwentuhan nu manang Laurin ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil maliligo na ako‚ amoy pawis na eh.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng oversized na t-shirt at nag pants ako. Bumagay naman saakin

Tsk‚ ako pa.

Nasa hagdanan ako nang magtama ang mga mata namin ni sir Gavin. Tulad ng dati‚ malamig pa rin ito. Wala namang pinagbago. Umiwas na lang ako ng tingin at agad na pumunta kay manang.

“uh wait Yshanicka” bulyaw ni ma’am Andrea

Napalingon ako rito at nagtungo sa kaniya “bakit po ma’am? may ipapagawa po ba kayo?”

“it’s already 12 pm‚ and i didn’t see manang Laurin. nakita mo ba siya ija?”

Nakaka-akward dahil alam kong nakatingin sa akin si sir Gavin. “baka nasa garden po ma’am” saad ko at nagpaalam na dito.

Nakaka-ilang si sir Gavin, hindi ko siya kayang titigan ng matagal, tila ba may karisma ang mga mata nito!

Napahinga ako ng malalim dahil tapos na kami sa pagluluto ni manang‚ at sakto dumating na rin sila manong Jose kasama si sir Justine.

Yshanickatawagin mo na sila at kakain na” saad ni manang.

Uminom muna ako ng tubig dahil sobrang init. Baka mamatay pa ako‚ kung hindi sa init ay sa uhaw naman.

Kahit pagod ay gagawin ko pa rin kasi iyon naman ang trabaho at ipinunta ko rito hindi ba? natawag ko na silang lahat. Bumalik na ako sa kwarto ko para maligo‚ alas syete na rin kasi ng gabi ‘tsaka amoy pawis na talaga ako nito. Anlagkit lagkit mo na‚ ishan.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago humiga sa kama. nakatulog din ako kaagad dahil sa pagod.

Nagising ako pasado alas dose na ng gabi, hindi ako makatulog ulit. Tila ba ay parang may bumabagabag sa aking isipan, o baka ay iniisip lang ako nila mama ay ng kapatid ko.

Pinilit kong matulog pero hindi pa rin talaga ako makatulog, napag-isip isipan kong bumaba na lang muna at uminom ng tubig.

Dahan-dahan akong bumaba, nang nasa hagdanan ako ay bigla ko na lamang naalala na hindi pa pala ako kumain

shît, nakalimutan kong kumain” ani ko sa aking sarili

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong kinuha 'yung pitsel na may lamang tubig, kumuha na rin ako ng baso dahil alangan namang sa pitsel ako iinom 'diba?

Naglalagay na ako ng tubig sa baso ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

“what are you doing here, woman?”

Boses na kailanman ay hindi man lang nagbago, napaka-lamig pa rin.

“ay, anak ka ng palaka!” sigaw ko sa kaniya dahil sa pagkagulat ko

Lumingon ako sa kaniya at sakto naman ang pagbukas niya sa ilaw ng kusina.

“anak ako ni Andrea, baliw ka” mahinhin niyang giit.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang papalapit siya sa akin, magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan ako sa kaniya, at natatakot naman ako at baka ay sigawan niya ako

“tititigan mo na lang ba ako riyan?, hindi mo man lang inopen ang ilaw.” giit niya

Nagising ako sa ulirat nang marinig ang mga katagang iyon, kinuha ko ang basong nilagyan ko ng tubig at ‘tsaka ininom iyon.

“ah, ano kasi, hindi ako makatulog kaya.... kaya naisipan kong bumaba muna” saad ko sa kaniya ngunit nakatalikod pa rin ako sa kaniya

Napatingin ako sa gilid ko dahil doon siya pumunta, he look at me with no emotion. Pinanganak ba itong ganiyan talaga? ni hindi man lang ngumingiti e.

“ikaw sir, bakit ka nandito?” matapang kong tanong sa kaniya, hindi naman halatang kinakabahan ako kay sir Gavin.

Kinuha niya ang basong hawak-hawak ko at nilagyan ito ng tubig.

“iinom lang ako kasi nauuhaw, tapos naabutan kita rito” giit niya at ‘tsaka ininom ang tubig na nasa baso niya

Nakatingin ako sa kaniya, kung paano siya uminom.

He.... He is..

sir Gavin is...

Handsome...

“done staring?”

Tinig na siyang nagbalik sa aking ulirat, ano ba 'yan ishan.

Umiwas ako ng tingin, ang feeling naman niya. “a-ano? hindi kita tinititigan ah, e 'yung baso kasi” pagpapalusot ko.

He just give me a smirk.

broo??

“hindi ka kumain kagabi, hindi ka ba nagugutom?” he asked

I turned my gaze on him, seryoso talaga siya.

“kumain ako kagabi ano, hindi ako gutom” pagsisinungaling ko sa kaniya

“grrrhs” tunog ng tiyan ko.

shît.

“oh, really?” he uttered and slightly laugh

Huminga ako ng malalim at uminom ulit ng tubig, hindi ko alam ang sasabihin ko.

“agad kasi akong nakatu—”

“may pagkain pa riyan, kumain ka na, gutom ka na. pagkatapos ay matulog ka na rin, anong oras na.” seryoso niyang saad ‘tsaka umalis

Wala akong masabi. Lalo na sa inasta niya, kahit pala malamig siya ay mabait pala ang kaniyang puso.

Kumain na lang ako, at ‘tsaka bumalik na sa kwarto para matulog ulit.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now