x

720 13 0
                                    

sumilip ako sa bintana ng aking silid. huminga ako ng malalim, miss kona sila mama. pero kailangan kong mag trabaho para sa kanila.

naligo na ako, pupunta ako ng simbahan ngayon. matagal na rin kasi mula nung huling nag simba ako.

pagkatapos ng mass nakita ko si kuyang nagtitinda ng ice cream. syempre bibili ako, hindi pwedeng hindi!

nagbayad na ako kay kuyang ice cream vendor at naglalakad papuntang waiting shed dahil walang gaanong taxi ang dumadaan dito.

“ano ba ‘yan, hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?”

ani ko sa lalaking nakabangga saakin. nahulog tuloy ‘yung ice cream ko! pinapainit nito ang dugo ko e.

“hoy! kinakausap kita!”

“sorry miss‚ nagmamadali lang. i have to go!”
aniya at dali daling tumakbo ulit.

ang lalaking iyon!!

umuwi na lang ako, nawalan na ako ng ganang bumili ulit ng ice cream. hmpk.

hinila ako ni Gavin papunta sa isang room. nakaka gulat naman itong mokong na ito!

sa labas ng pintuan may nakasulat na private property, pumasok na kami dito.

“nasaan tayo sir?”

“secret garden ko” sabi niya.

“’diba po dapat kayo lang ang maaaring pumasok dito kasi private property lang po?”

tumigil ito sa paglalakad at tumingin saakin. “i am the one who brings you here‚ and i don’t care”

Huwaw! si anteh niyo may pa i don’t care pa.

nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang nakita ko ang mga bulaklak dito, ang gaganda!

agad akong tumakbo papunta sa mga ito at inamoy amoy, ang babango pa!

nakita ko si Gavin na nakaupo sa tabi ng puno kaya pumunta na rin ako doon. tumabi ako sa kaniya at tinignan siya.

napaka guwapo niya talaga, lalo na sa malapitan.

“Yshanicka” pag basag niya sa katahimikan

lumingon ako dito

“pinunta kita dito, ’cause i just want to tell you this”

nagtaka naman ako dito, ano naman kaya ang sasabihin niya?

“ano ‘yun sir Gavin?”

“alam kong complicated pero‚ Ishan. ano kasi” putol niyang tugon

napakurap ako dito, binibitin pa e.

“ano nga Gavin?”

huminga ito ng malalim. “Ishan‚ i like you. alam kong nasabi kona ito sa’yo noon but‚ i want to tell you this”

nakatingin lang ako sa kaniya. hindi makapaniwala sa sinasabi niya. katulong lang ako dito, hindi kami puwede.

“nabigla ba kita? sorry. pero Ishan, gusto talaga kita. i can give you space naman. una na ako” saad niya at lumapit saakin. ipinantay niya ang mga mukha naman saka ako hinalikan sa labi bago tuluyang umalis.

naiwan akong tulala dito, iniisip ang mga nangyari.

si Gavin, may gusto saakin? imposible talaga. katulong ako dito! hindi talaga kami puwede.

dalawang araw na noong sinabi ni Gavin na gusto niya ako, dalawang araw na din na hindi ko siya pinapansin.

mali kasi ito!

nasa sofa si Gavin, nasa harap nito ang laptop niya. napaka busy niya. tumingin ito saakin na ikinagulat ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

“coffee please” malamig niyang saad.

kahit kinakabahan ako ay nagtimpla ako ng kape niya, kasi iyun naman talaga ang trabaho ko, ang maging sunod sunoran o katulong nila.

huminga ako ng malalim bago lumabas sa kusina, nandoon padin si Gavin‚ lumapit ako dito at binaba ang kapeng pinatimpla niya.

aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako, kaya naman napaupo ako sa may lap niya.

“iniiwasan mo ba ako?” malamig niyang tanong.

damang dama ko ang hininga nito dahil ang mukha niya ay nakapantay sa leeg ko.

“s-sir? h-hindi po ah” utal utal kong tugon

hinawakan niya ang mukha ko at kusang iniharap sa kaniya. “don’t deny, dalawang araw mo na akong iniiwasan, Ishan. sige subukan mo pa akong iwasan” saad nito at nag smirk

napalunok ako sa sinabi niya, para bang binabalaan ako.

“you can go” dagdag niya.

agad akong tumakbo sa kwarto. ano ba itong pinasok ko!

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now