xvii

628 14 0
                                    

napatingin ako sa oras, 10:45 pm na pala. hindi padin ako makatulog. kahit anong gawin ko, wala padin.

naisipan kong lumabas ng kwarto, nakita ko si Gavin na natutulog lang sa upuan.

lumapit ako dito at tiningnan siya, ang guwapo niya kahit tulog.

hinaplos ko ang buhok nito. “ang swerte ng magiging asawa mo”

pumunta na ako sa kusina at kumuha ng tubig. pagkatapos ay bumalik din ako agad sa kama ko.

pagkagising ko ay inayos kona agad ang mga gamit ko, babalik na ako sa maynila para mag trabaho.

naligo na muna ako bago lumabas, pawis na pawis na din ako.

“goodmorning ate” bungad saakin ni Kaella.

“morning”

umupo ako at nag cellphone saglit. “ate‚ may tanong ako” saad ni Kaella at umupo sa tabi ko

“uhm ano ‘yon?”

“ate babalik ka paba ng maynila?” tanong niya.

napalingon ako dito at in-off ang cellphone ko. huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot.

“Kaella, kung hindi ako magta-trabaho, hindi ka makakapag-aral sa kolehiyo”

umiwas ito ng tingin saakin. “ate pwede naman akong tumigil sa pag aaral, baka dahil saakin ate-”

“mag-aaral ka, Kaella. magiging masaya si mama kapag nakapagtapos ka! huwag kang mag alala saakin, magiging ayos lang ako”

“kakayanin natin ito, kaella.” dagdag ko

niyakap ako ni kaella. “maraming salamat ate”

kumalas ito sa pag kakayakap at tumingin saakin

“eh ate, kailan ka babalik doon?” tanong niya ulit saakin. “bukas siguro”

“ate mag iingat ka doon ah‚ pero kahit huwag na. andyan naman si kuya Gavin eh” tugon niya sabay tawa.

nanetong kapatid ko, pati si Gavin dinadamay.

“loko, anong pake saakin no’n! pero teka, umuwi naba siya? hindi kopa siya nakita mula kanina ah”

“sus si ate, namimiss mo lang siya eh” saad niya at tumawa.

pinalo ko ito sa balikat. “hindi ah”

“Hi shan” singit ng lalaking ngayon ay papasok dito ng walang paalam

tinitigan ko ito ng masama. “op ops, diyan ka lang!” sigaw ko dito, nagulat naman silang dalawa ni Kaella.

“you don’t have any permission to enter this house” mataray na pagkakasabi ko

pumalakpak si Jared at tuluyang pumasok sa bahay

“Wow! pwede kana maging artista Shan!” sabay tawa

“walang hiya ka! ayos ba?”

sabay tawa naming tatlo.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now