xxvii

589 14 1
                                    

maaga kaming bumaba ni manang, naghanda kami ng makakain ni sir Justine. hindi kasi siya kumain kagabi.

noong bumaba si sir Justine ay bumaba na din si Gavin. aba’y siyempre, sasama na naman iyan sa company nila.

pagkatapos kumain ni sir Justine umalis na agad sila, saka namin tinawag sila ma’am Andrea at ma’am Cassy para mag decorate.

early dinner daw ang gagawin naming handaan kasi gabi narin naman umuuwi si sir.

hinanda namin ang mga upuan at tables sa may pool, magpapa-pool party si ma’am Cassy

si ma’am Andrea naman ay inaayos ang kusina at hapag kainan, tinutulungan siya ni manang

nagluto na kami ni manang para sa ihahanda mamaya

pagkatapos maluto ay inilagay na din namin sa table, total alas sais na din.

nakaligo na sila ma’am Cassy at ma’am Andrea, kaya sila na muna ang nagbantay sa mga pagkain at sa mga iilang bisita, wala pa masyadong dumadating

naligo nadin kami ni manang, nagsuot lang ako ng simpleng dress, bumabagay naman saakin kahit anong damit ang gamitin ko.

madami na ang mga bisita kaya tinawagan na ni ma’am Andrea si Gavin para pauwiin na sila ni sir Justine.

“okay okay‚ coming” tugon sa kabilang linya

“guys‚ Justine is coming. be ready” saad ni ma’am at in-off muna ang lights.

ilang saglit pa ay may pitada na ng sasakyan sa labas, narinig namin ang mga yapak papasok sa mansion

“happybirthday sir Justine”
“happy birthday pare!”
“happybirthday hon”

sabay sabay naming bati sa kaniya, bakas naman sa mukha nito ang gulat.

“oh my, hon. thankyou so much to all of you!” saad ni sir.

“oh siya, let's eat” si ma’am Andrea.

masaya kaming kumakain nang mapatanong si ma’am Cassy

“btw dad‚ where’s kuya Gavin?”

naku! buti nagtanong ka ma’am. kanina ko pa nga hindi nakikita si Gavin

“mamaya pa daw siya uuwi sweetie” tugon ni sir saka bumalik sa pagkain.

nag pool party na ‘yung iba, pati narin si ma’an Cassy. ang iba naman ay umuwi na.

dalawang minuto na ang nakalipas, ngunit wala padin si Gavin. nasaan na kaya iyon?

“uuwi din ‘yun” saad ni manang sa tabi ko.

aba, alam agad ang nasa isip ko ah.
nginitian ko lang naman ito

“nasaan naba si Gavin hon?” tanong ni ma’am Andrea

“oo nga e, tawagan mo na. he said he will introduce her future wife” tugon ni sir Gavin.

nakangiti naman ako, alam kong ako ‘yon.

“dad, there he is” saad ni ma’am Cassy kasama si Gavin

“happy birthday dad” bati ni Gavin

“thankyou son, where's your fiance?” agad na tanong ni sir Justine

lumapit naman si manang saakin.

“mukhang ipapakilala kana, ishan” saad nito ng nakangiti

ngumiti din ako dito pabalik.

“oh, she's here”

napalingon kami ni manang noong magsalita si Gavin, may babaeng pumasok sa mansion.

nagmano ito kila ma’am at sir. tinitigan ako ni Gavin bago nagsalita.

“she’s Kaella, my fiance”

tumingin saakin si kaella ngunit umiwas kaagad ito

“hello po” saad niya.

unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ko, pilit na pinipigilan ang ma luha. hinagod ni manang ang likod ko, alam niya siguro itong nararamdaman ko ngayon.

“manang, ikaw na muna ang b-bahala dito” saad ko kay manang ay tumango naman ito.

tinignan ko muna sila, nakatingin si kaella saakin, ngumiti ako sa kaniya saka sila tinalikuran.

“gusto ko siyang pakasalan dad as soon as possible” huling dinig ko kay Gavin.

grabe naman Gavin, akala koba ako ang mahal mo? ano ngayon itong nakikita ko!

dumaretso ako sa kwarto ko at ni lock iyon. doon kona inilabas ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

matatanggap ko pa sana kung ibang babae iyon Gavin. pero bakit kasi siya pa!

“G-Gavin...”

“bakit k-kapatid ko pa...”

bulong ko sa hangin saka humagulgol, ang sakit Gavin.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now