xiv

664 12 0
                                    

tatlong araw na din ang nakakalipas, medyo gumiginhawa nadin ang pakiramdam ko.

nasagi sa isip ko si Gavin. hindi man lang niya ako pinuntahan.

“Shan shan‚ kape ka muna. mukhang anlalim ng iniisip mo ah” si Jared.

Jared Jace Sevilla, childhood bestfriend ko.
ngayon lang din kami ulit nagkasama. higit isang buwan na din kasi akong nasa maynila.

“salamat sa kape‚ mukhang iinit na naman ang dugo ko sa’yo, uncle JJ” diniinan ko ang pagkakasabi ko ng JJ!

takteng lalaki ito! tinawag ba naman akong Shan shan! iyan kasi ang tawag niya saakin simula noong bata pa kami. naiirita ako kapag naririnig ko iyan! bwisit!!

mukhang uminit ang ulo nito sa sinabi ko.

“tigilan mo nga ang pagtatawag saakin nang JJ!” sigaw nito

“nako nako, nauna ka Jared, manahimik ka diyan”

tumawa ito, jusko! may patawa tawa pa talaga ah!

“Pinapatawa lang naman kita Shan shan, mukha ka nang multo diyan”

binaba ko ang kape at tumayo ako, pumunta ako sa likod niya at sinakal ito!

“ikaw na lalaki ka, imbis na matawa ako, pinapainit mo na lang ang dugo ko ha”

“a-aray ko Ishan‚ nagbibiro lang hoy” ani to

“ate!, may naghahanap sa’yo” singit ni Kaella

lumingon ako sa kaniya sa may pintuan kasama niya si

si Gavin...

agad kong tinanggal ang mga kamay kong nakapalupot sa leeg ni Jared. ang sama ng tingin nito, pagkatapos akong tingnan ay bumaling siya kay Jared.

“labas ka daw‚ mommy wants to see you.” malamig niyang tugon at agad na tumalikod.

tangina nitong si Gavin, hanggang dito ba naman ang cold padin!

si Jared naman ay tinignan lang ako, nag walked out ako sa kaniya. “tse”

“ate, ‘yun ba iyung sinasabi mong Gavin?” tanong ni Kaella

tumango ako dito. “pogi niya ’te‚ bagay kayo”

halos maluwa ako sa sinabi niya, jusko kaella.

lumabas nalang ako, nandoon nga sila ma’am Andrea at ma’am Cassy.

“hello po ma’am”

niyakap ako ni ma’am Cassy. “condolence Ishan”

nginitian ko ito, gayun din kay ma’am Andrea

agad din silang umalis kasi may meeting pa daw si ma’am Andrea, except kay Gavin.

“Gavin‚ hindi ka paba sasama sa’min” ma’am Andrea

“No mom i want to stay here”

nagsiuwian na ang lahat, kami lang ni Gavin ang nandito, si Kaella naman ay natulog na, si Jared, umalis na din.

ako kasi ang magbabantay kay mama, ito naman si Gavin, parang aso, sunod ng sunod, kung saan ako pupunta ay nandoon din siya!

tumabi siya saakin. nakakahiya!

“matulog kana”

tinignan ko ito. “babantayan ko si mama”

hinawakan nito ang likod ko. “ako na, Ishan”

“naku, hindi na!, ikaw Gavin. matulog ka na din”

hinaplos nito ang mukha ko at hinalikan ako.

“hindi ako matutulog kapag hindi ka matutulog.”

sumandal ako sa balikat nito.

“ang swerte mo Gavin” saad ko dito

tumingin naman siya saakin “hmm? bakit?”

“kasi kompleto pa ang pamilya mo”

niyakap ako nito. “shh‚ andito lang ako babe, always remember that!”

nginitian ko lang ito, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa balikat ni Gavin.

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now