vi

732 17 0
                                    

Nakarating na kami dito sa mansion.

Grabe naman talaga ang mga mayayaman, walang kapagod-pagod kung may mga pupuntahan. Ikaw ba naman ang may magarang sasakyan e.

Kung may sarili lang din akong sasakyan, siguro naka travel around the world na ako, pero wala e. Bike lang ang meron sa bahay

Bunuksan ko ang pintuan at ‘tsaka naunang pinapasok si sir Gavin, ang bastos ko naman kapag ako ang unang pumasok e siya ang amo ko

“ishan‚ gusto kong ikaw ang magbigay sa akin mamayang 10 pm dito sa mga pinabili ko.” saad ni sir Gavin habang nakatingin sa akin at iniaabot ang mga pinamili niya.

Bakit ako pa, e pwede naman na niyang kunin e! pinag t-tripan ba ako nito?

Pero tanginà bakit ba napaka guwapo nito! nakaka-laglag naman ng panga

Wala akong ibang naisagot kundi tatango tango nalang ako sa kaniya ‘tsaka inabot ang mga pinamili niyang nasa paper bags

“and i want you to wear ‘yung fitted dress na nasa brown bag. see you at 10 pm baby”

Tugon nito sabay akong hinalikan sa labi. Tulala lang akong tinignan siya hanggang sa makaalis na siya.

A-Anong?? bakit parang ang bilis naman no'n! sa TV lang ako nakakakita ng mga ganoon ah!

Ilang segundo akong na-estatwa sa ginawa ni Gavin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Baka mamaya, paasa siya, o 'di kaya kapag alam niyang may babaeng nagkakagusto sa kaniya, inuuto niya

Ay, teka? ang nagkakagusto, Ishan. Hindi mo siya gusto, okay?

Pumasok na lang ako sa loob at nilagay ang mga pinamili niya sa loob ng room ko dahil ako rin naman ang magdadala nito sa kaniya mamayang gabi.

Jusko bakit mga 10 pm pa! multo ba 'to? pwede namang ngayon ko na dalhin sa room niya.

Lumabas na ako sa kwarto ko para matulungan ko na rin sila manang, kanina pa ako wala e.

At baka pagalitan o tanggalin din ako ni ma'am Andrea sa trabaho

Nasa hagdanan na ako nang makasalubong ko si ma’am Andrea.

Kinakabahan ako, pero si sir Gavin naman ang nag-aya sa akin kaya siya na lang ang irarason ko.

Ayaw ko pang mawalan ng trabaho ano, kailangan pa ako nila mama!

“good afternoon po ma’am” malambing na giit ko at ‘tsaka ay yumuko sa kaniya

“good afternoon ija” ani ma’am at dumaretso na sa taas

Pagkarating ko sa baba ay sakto namang may ginagawa si manang, tinanong ko siya kung tapos na ba siyang nagluto ay hindi pa naman daw

Nagpunta ako sa kitchen at agad na nagluto. Pansin kong hindi pa pala nahugasan ang mga plato kaya pinuntahan ko ito.

“manang nasaan po 'yung dishwashing liquid?” agarang tanong ko kay manang dahil hindi ko ito mahanap-hanap

Napatingin naman sa akin si manang. “wala na ba? kumuha ka na lang sa stock room Ishan, marami doon.” sagot niya at bumalik ulit sa kaniyang ginawa.

Tumango ako kay manang at agad na pumunta sa stock room para kumuha ng dishwashing liquid.

Pagkakuha ko ay dali-dali na akong bumalik sa kitchen at hinugasan ang mga plato

Pagkatapos namin sa gawain ay nagpaalam na ako kay manang upang maligo.

Ang bantot mo na ishan.

Iniisip ko ang mga sinabi ni sir Gavin kanina‚ sex toy? ano kaya iyun? gulong gulo sa utak ko.

Tapos hinalikan niya pa ako! totoo kayang may gusto siya sa akin? kasi sabi niya nung isang araw gusto niya ako.

Ito na naman tayo, baka pinapaasa ka lang niyan Yshanicka, huwag kang magpapadala sa mga ganiyan, kilala mo naman ang mga lalaki.

Pero ang gulo ni Gavin. At ‘tsaka imposible naman talagang magustuhan niya ako, kabaliktaran ang mundo namin.

Nasa mataas siya, at nasa baba lang ako. Mayaman siya, mahirap lang ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako ng damit. Bigla kong naalala yung mga sinabi ni sir Gavin kanina.

shit! may dadalhin pala ako sa kaniya.

Dali dali kong hinanap ‘yung brown na bag dahil nandoon daw ‘yung dress. Agad ko itong binuksan.

Ang iksi iksi naman ng dress na ito! Lalabas na ang kaluluwa ko nito!

Tinignan ko ang orasan at 9:55 pm na. Sinuot ko na lang ang dress at nagtungo na sa room ni sir Gavin.

Hindi ako masiyadong makagalaw sa dress na iyon kasi masiyadong maiksi at talagang ang revealing niya, napapaisip tuloy ako na baka ganito ang mga dress ng mga mayayaman, ano?

Pagkarating ko sa kwarto ni sir Gavin ay kumatok ako ng tatlong beses at agad naman bumukas ang pintuan nito.

Pinaupo niya ako sa kaniyang kama.

Panay titig lang siya saakin, na siyang dahilan kaya hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko, tila ba nananaliksik ang mga tingin nito.

Galit ba siya? wala naman akong ginawang masama o kapalpakan ah.

“you look so hot” aniya na ikinapula ko.

Ano ba ‘yan sir!!! hindi na nga ako makagalaw dito ng maayos e.

“may ipapagawa pa poba kayo sir? 10 pm na po oh” tanong ko sa kaniya dahil kanina pa kaming ganito, nakakahiya. Naka dress pa ako!

Panay titig lang naman ito saakin.

Nakaka akward, wala ba siyang balak sagutin ang tanong ko? anong oras na e.

“kung wala na po kayong ipapagawa sir‚ mauuna napo ako” agad akong tumayo at akmang lalabas na sa kwarto pero may kamay na pumigil sa akin at napasandal sa pader malapit sa pintuan.

Ano ba talaga, Gavin.

Nang makaharap ako‚ nakita ko si sir Gavin na malamig na nakatingin sa akin‚ ikinulong niya ako sa magkabila niyang bisig. Wala akong kawala nito!

Hinaplos muna nito ang mukha ko bago nagsalita

“and where do you think you’re going?”

Aniya na tila ba seryoso ang pagkakasabi niya, anong ano? ayaw niya ba akong paalisin?

Wala naman na siyang ipapagawa, hindi ba? nakakainis naman itong lalaking ito.

a-aalis na sir, wala ka naman nang ipapagawa e” sagot ko sa kaniya na pilit iniiwasan ang mga malalamig niyang tingin

“hmm” tanging sagot lang naman ni Gavin at ‘tsaka itinaas ang isang kilay niya.

Punyetà! aalis na ako!!!

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now