xxii

619 13 1
                                    

nagising ako dahil may nararamdaman akong humihimas sa aking d-de.

“Gavin”

pagtingin ko sa katawan ko ay naka damit ako, binihisan ata ako nito.

ang posisyon naman namin ay naka talikod ako sa kaniya.

gising kana pala, goodmorning”

humarap ako dito. “magluluto pa ako Gavin”

nilamas muli nito ang aking d-de, “mamaya kana magluto. ikaw naman ang kakainin ko.”

aba, loko ito ah.

kumalas ako sa kaniya at tumayo na. “bahala ka diyan, lulutuan ko sila ma’am Andrea” saad ko dito, tumalikod ako sa kaniya. nakita ko na wala na sa table niya ‘yung picture nila ni Diann.

umalis na ako sa kwarto ni Gavin, nagtungo ako sa kusina. nadatnan ko si manang doon

tapos na pala ito sa pagluluto.

nagtungo nalang ako sa kwarto ko para maligo.

nasa hagdanan ako noong makarinig ako ng boses sa sala. “Babe”

saad ng babae kay Gavin, tumakbo ito sabay yakap kay Gavin.

hinayaan lang naman ito ni Gavin.

nasa baba na ako, nakita ko ng malapitan iyung babae. teka, kilala ko ’to ah.

si Diann ito, ex ni Gavin.

nandoon din pala sila ma’am Andrea at sir Justine. lumingon saakin si Gavin ngunit umiwas ito ng tingin.

Gavin... ano ito

may parte sa puso kong nasaktan ako, hindi manlang kumalas si Gavin sa pagkakayakap sa kaniya ni Diann.

“ija‚ masaya ako para sa inyong dalawa” tugon ni sir Justine

ngumiti lang naman si ma’am Andrea.

“maraming salamat po tito” si Diann

ah, tito.

hindi kona sila tinignan, pumunta nalang ako ng garden. bakit kasi mabilis kang masaktan, Yshanicka!

tulala ako habang nagdidilig ng mga halaman, inaalala ang mga nangyari kanina. sabi ni Gavin, mahal niya ako. pero ano iyung nakita ko kanina?

Gavin, akala koba wagas ka kung magmahal?

wagas naman pala manakit.

“manang” pagtatawa ko kay manang Laurin, tumingin naman ito saakin.

“manang ano po ang ibig niyong sabihin sa sinabi niyo saakin noon tungkol kay sir Gavin, iyung kada gabi ay may inuuwi po siyang babae?”

“katawan lang ang habol ni Gavin sa kanila” tugon ni manang at pinagpatuloy ang ginagawa.

tumango nalang ako kay manang at bumalik na din sa pagdidilig.

ngayon, alam kona Gavin.

katawan lang pala ang habol mo. bakit ako nagpalinlang sa lason mong pag-ibig Gavin?

bakit mopa sinabing mahal mo ako kung katawan lang din naman ang habol mo saakin!

pabalik na ako sa kwarto ko, itinuro ako ni Diann. “Gavin‚ who is she?” tanong nito kay Gavin.

malamig na tumingin saakin si Gavin

“our maid”

aray ko ah! akala ko pa naman hindi maid ang sasabihin niya.

ay, totoo naman palang maid ako.

tinawag ako ni Diann, lumapit nalang ako dito. syempre, maid tayo eh.

“bakit po ‘yun ma’am?”

“pakikuha naman ako ng tubig please”

kumuha ako ng tubig sa refrigerator. maganda si Diann, kaedad lang din ito ni Gavin. dalawang taon ang agwat ng edad namin.

aksidente kong nabuhos ang tubig sa damit ni ma’am Diann.

“OH MY GOD!”

taranta akong kumuha ng pamunas. “s-sorry po ma’am”

“look what you did? hindi man lang nag iingat!”

tumayo ito.

“tita, tito. mauuna na ako” pagpapaalam nito

tumingin ako kay sir Gavin na ngayon ay sobrang sama na ng tingin saakin.

“s-sorry sir Gavin‚ hindi ko sinasadya” nakayukong saad ko dito bago umalis.

nagtungo ako sa kwarto ko, nakakahiya ang ginawa ko!

naramdaman kong may sumunod saakin, kung hindi ako nagkakamali ay si Gavin iyon.

hinila nito ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. nagkatitigan kami saglit.

“ano ba iyung ginawa mo Yshanicka?” malamig na tanong niya.

umiwas ako ng tingin dito. “pasensya na Gavin, hindi ko naman-”

“tawagin mo ako sa nararapat mong itawag saakin, you're a MAID here.”

aray haha. diniinan nito ang pagbigkas sa MAID. alam ko naman eh, pero bakit kailangan niyang ipamukha sa akin.

napayuko nalang ako sa sinabi ni Gav- sir Gavin.

“hindi mo ata kilala iyung babaeng ‘yon?”

“she’s Diann. Diann Heiley Vertuzo! ang pinakamaganda, pinaka sexy, at pinaka mayamang Vertuzo!” sunod sunod na sigaw saakin ni sir Gavin.

oo na Gavin.

tinignan ko ito, galit padin ang mukha.

“sorry, sir Gavin. hindi kopo sinasadya. hayaan mo po sir, mag iingat na ako sa kilos ko. pasensya napo ulit”

ngumiti ako ng mapait kay sir Gavin bago ni-lock ang pinto. ang sakit sakit mona Gavin.

anong laban ko kay Diann, mas nauna siya saakin, mas maganda, mas sexy, at mayaman. kasalanan kobang ganito lang kami.

tama nga si manang, dapat hindi na ako nahulog sa'yo Gavin!

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now