xxv

609 13 0
                                    

maayos ang naging relasyon namin ni Gavin, ngunit hindi ito alam ng mga magulang niya.

hindi pa din maalis sa isipan ko kung matatanggap ba nila ako bilang girlfriend ni Gavin? o mas nanaisin nalang nilang maging maid ako nito.

walang ibang nakakaalam sa relasyon namin ni Gavin maliban kay manang Laurin. ewan koba dito kay Gavin, harap harapang sinabi kay manang, eto namang si manang bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

“love, hmm” saad ni Gavin saka yumakap saakin

“gabi na, bakit ka nandito?” humarap ako sa kaniya.

jusko ka Gavin, naka close ‘yung pinto, bigla bigla ka nalang pumapasok!

sa bagay, sa inyo naman itong mansion ano?

“ayaw mo ba akong katabi? dito ako matutulog” aniya at mas hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

tinignan ko ito, ang gwapo niya pa din. siguro lahat ng babae ma-iinlove dito.

hinawakan ko ang buhok nito saka ginulo ito, napamulat naman ng mata si Gavin, tinignan ako nito saglit.

nagulat nalang ako nang halikan ako nito sa labi, Gavin nga naman oh!

“stop staring, nahihiya ang ka-guwapuhan ko” aniya at pumikit ulit.

“ulol mo, ang hangin masyado love ha”

ngumiti lang naman ang loko!

“matulog kana loveyy, goodnight iloveyousomuch” saad nito habang ang mga mata ay nanatiling nakapikit

“iloveyoumore” tugon ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

pagkagising ko ay tulog pa din si Gavin, mahimbing ang tulog nito.

dahan dahan kong tinanggal ang kamay nitong nakayakap saakin, saka ako bumaba para magluto. tiyak kong nandoon na din si manang

pagkadating ko sa kusina ay tama nga ako, naroon na si manang!

“goodmorning manang” panimula ko dito

humarap naman saakin si manang habang papalapit ako sa kaniya. “goodmorning ija, kape kana muna diyan bago ka mag trabaho”

tumango nalang ako kay manang saka nag timpla ng kape

lumapit naman saakin si manang

“oh ito, tinapay”

umalis din agad si manang

“nasaan na pala si Gavin?” tanong ni manang

“natutulog pa po”

tumango lang naman si manang, pagkatapos namin mag luto ay hinintay muna namin mag 8:00 am, hindi pa kasi gising si ma’am Andrea.

nakita ko si Gavin sa sala kaya pinuntahan ko ito.

napatingin sa gawi ko si Gavin, umupo naman ako sa  tabi niya.

“umagang umaga, laptop kaagad ang hawak mo”

“may kailangan lang akong i send na documents sa secretary ko, love” saad niya at agad na ibinaling ang tingin sa laptop niya

“timplahan lang kita” sambit ko saka tumayo, ngumiti at tumango lang naman si Gavin

pagkatapos kong magtimpla ng kape ay agad akong bumalik sa kinaroroonan niya.

inilapag ko ang kape sa table niya saka agad na umalis, kailangan na kasi ako ni manang Laurin. ihahanda na daw namin ang umagahan nila.

natapos na naming i-handa ang mga pagkain, lumabas ako at dumaretso sa garden. magdidilig nalang muna ako, hindi pa naman sila tapos kumain wala pa akong huhugasan.

“this is me praying that
this was the very first page,”

kanta ko nang magsalita si manong Jose sa likuran ko

“ang galing mong kumanta ishan”

napalingon ako kay manong, nginitian ko siya.

“naku, hindi naman po manong. nagmana lang kay papa”

HIS INNOCENT MAID (COMPLETED)Where stories live. Discover now